Ysabella, Episode 65

by

Nagtago si Trining sa isang nakaparadang jeep upang hindi siya makita ni Victoria noong lumabas ito mula sa bahay ni Fernando. Napagpasiyahan na ni Trining na kailangan na nilang putulin ang ugnayan nila sa mga Amarillo.

Pag-uwi ni Victoria tinanong siya ni Albert kung sino si Fernando Montalban dahil concerned si Albert sa pagwawala ni Victoria dati. Business is business daw sabi ni Victoria. Kaya raw ba okay lang na sagasaan niya si Lima? Sinabi ni Victoria na kailangan sa business nila, kailangan nilang maging buwaya.

Sana raw sabi ni Andrew magpatawad din siya sa mga taong nanakit sa kanya. Gusto daw niyang makalimot…pero hindi siya magpapatawad.

Binabasa ni Lima ang sulat ng secret admirer niya [Reno].

Kinumusta ni Alex ang lakad ni Trining. Sinabi nitong masakit sa katawan. Tinanong niya sina Alex at Ysay kung naka-empake na sila.

Kinakausap ni Albert ang picture ni Andrew. Kaya raw ba niyang makalimot? Binasa niya ang sulat ni Ysabella kay Andrew noon. Nabasa niya ang part na babalik si Ysay sa usapan nila pagkatapos ng isang taon at huwag nitong pababayaan si Buchik.

Nagkunwaring natutulog si Lima noong narinig niyang may kumatok sa kwarto niya. Sinabi ni Victoria na alam niyang gising pa ito. Pasensiya na raw ito kung nasaktan siya ng mommy nila. Hindi raw kasi alam ni Victoria kung gaano siya nasaktan dahil ang tingin lang daw sa kanya ng mga tao sa kumpanya nila na anak lang siya ng may-ari. Hindi raw niya sinasadya, buti pa raw noong may sakit siya naaalagaan niya ang mga anak niya. But now, she’s back to her old self. She’s trying to change na raw, she asked for another chance and she promised to make it up to her and Albert.

Habang nag-e-empake sina Alex, Ysay, at Trining. Hinihintay nilang sumipot si “Andrew.” Sabi ni Alex na maraming umaasa kay Ysay sa farm. Naisip din niya na balik na naman siya sa pakanta-kanta lang kung saan saan (whereas doon sa may farm may kinakantahan na siyang bar). Sinabi ni Ysay na hindi naman kailangang sumama si Alex sa kanila.

Sinabi ni Homer kay Victoria na hindi nila nakita sa Misamis sina Ysay. Sinabi naman ni Victoria na nasa tabi-tabi lang sina Ysabella dahil nakita nga niya ito sa sementeryo.

Nag-uusap sina Ysay at “Andrew.” Hinawakan ni Albert ang kamay ni Ysay pero binawi ni Ysay ang kamay niya. Umalis na si Albert.

Out of nowhere habang nagmamasid si Reno sa kanila, sinabi nitong kailangan na niyang umalis.

Nakita ni Trining ang pag-wo-walk-out ni Albert at sa isip niya sinabi niyang mabuti na ang nangyayari dahil masyadong nagkakadikit na ang mundo nila ni Victoria.

Habang inilalagay nina Ysay ang mga gamit nila kay Rizal. Nagpaalam na rin si Reno at sinabing babalik na ito sa Maynila dahil nagdaramdam na raw ang tatay niya dahil masyado siyang malayo hindi niya ito palaging nadadalaw. Nag-yakap silang lahat.

Pumasok silang lahat sa loob ng bahay para makapag-paalam kay Andrew. Nakita ni Burdoy na dumating si Victoria. Narinig ni Albert ang boses ng nanay niya.

Katok sila ng katok sa pinto para magpaalam dito at pilit nilang pinapabukas ang pinto. (Paano kaya kung wala naman sa loob ng kwarto si “Andrew?”)

Nagkita-kita sina Victoria, Ysay, Trining, Alex, at Albert (with Reno and Burdoy)…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 65”

  1. delyn Says:

    naku po!!!!!!!
    talagang gumaganda na alng mga eksna!!!!!
    sana laging ganto!!!!!!!!!
    sarap manood!
    hay

  2. Alou Says:

    Hah!Halos di ako makahinga nung magkikita na sila victoria and isay but my God, they finally face each other..
    Ohh,i’m getting excited…Wee….

  3. Black Wolf Says:

    Tv blog?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: