Pangarap na Bituin, Episode 15

by

Isang daang libo raw mawala lang ito sa paningin niya. Hindi raw ito galit sa kanya, ikinumpara lang siya nito sa ipis. Irritation lang daw ito sa kanya. Kung ipis lang daw ang turing niya bakit siya nito pinag-aaksayahan ng pera.

Isinumbat ni Alberta ang pagtira nila sa condo. At sinabi niya na ito ang humihila kay Terrence pababa dahil kumakalat daw sa showbiz na package deal silang dalawa. Kung kaibigan daw talaga ang turing niya kay Terrence hindi nito sisirain ang mga pangarap niya. Ibinigay ni Emerald ang sobre sa kanya pagkatapos nitong sinabing hindi siya nito masusuhulan. Ngising aso pa si Alberta bago ito umalis.

Nalaman ni Cocoy ang nangyari. Sinabi ni Emerald na kailangan na nilang umalis doon dahil may point naman daw si Alberta tungkol sa pagtira nila sa condo.

Nagpunta sa “audition” si Kimmy. Kung anu-ano ang pinagtatanong ni Jeffrey (na nakatago sa swivel chair). Favourite food, flower, activities, flower. Pinaarte niya ito bilang aso, bilang pusa, at pusang sinapian ng aso (LOL).

Dumating ang assistant ni Alberta. Nabuking si Jeffrey. Pinaalis sila nito bago pa malaman ni Alberta ang ginawa niya. Galit na galit si Kimmy dahil inaksaya nito ang oras at pera niya para lang sa audition na ito. (Tanong lang, ano ba ang expect niyang mangyari, matatapos ang audition na hindi siya magpapakita kay Kimmy?)

Hindi makapakali si Jeffrey at napansin ito ni Terrence pero hindi niya sinabi kung bakit. Nalaman niya mula kay Terrence na hindi pupunta sina Kimmy at Emerald that day.

Pinuntahan ni Jeffrey si Kimmy pero sinabi ni Berns na wala si Kimmy at pinagsarhan niya ng pinto si Jeffrey.

Malungkot na umuwi si Jeffrey. Napansin ito ni Benedict at tinanong nito kung nakuha nito ang mga courses na gusto niya para makatapos na ito. Sinabi niyang pag nakatapos ito ng pag-aaral pwede na siyang mag-banda kagaya ni Terrence. Nag-girl talk na rin sila tungkol sa babaeng gusto ni Jeffrey, although noong una, akala niya nakabuntis si Jeffrey. Trial and error daw ang buhay sabi ni Benedict, kagaya niya na hindi naman nagmula sa mayamang pamilya, pero napalago niya ang practice niya at nagsumikap siya pero hindi naging madali. Marami rin siyang pagkakamaling nagawa.

Nakalipat na ng tirahan sina Emerald — sa isang neighbourhood na maingay. Bumisita si Kimmy sa kanila. Sinabi ni Emerald na gagawin na lang niya ang concert nina Terrence dahil nakapag-commit na siya pero pagkatapos noon wala na siyang tatanggapin mula kay Terrence. Galingan na raw nila sa pagbaback-up sa concert sabi ni Kimmy para may makadiscover sa kanila. Sinabi rin ni Emerald na wala siyang balak sabihin kay Terrence ang ginawa ni Alberta sa kanya.

Kino-coach ni Cocoy ang mga boses nina Emerald at Kimmy. Panay din ang bigay ni Emerald ng mga demo sa mga recording company.

Natanggap si Emerald sa isang bar(?) para kumanta.

Habang nagpapractice sina Terrence, ang banda nito, kasama si Kimmy at Emerald nanonood sina Cocoy, Berns, at Chorva.

Nagpapacharming si Berns kay Cocoy. LOL. Nagpasalamat si Berns dahil lalo daw nag-improve ang boses ni Kimmy mulang noong kinoach niya ito. Nalaman ni Berns na ampon RIN si Emerald. Ikinuwento ni Cocoy paano niya naampon si Emerald. Hindi naman inamin ni Berns na ampon din si Kimmy kahit na nadulas pa siya…

ANO ANG GINAGAWA NI HEART EVANGELISTA SA NEXT EPISODE?!!! SIYA SI CAZZIE?! ANO TO MITO AT VENICE, PART 2?!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: