Margarita, The Finale (Episode 40)

by

Pagkatapos ng dance number, nag-speech si Margarita at sinabi niya sa harap nilang lahat ang tunay niyang pagkatao. Sinabi nitong iniwan ni Robert ang nanay nila noong buntis ito, nagka-cancer ang nanay niya at binigyan lang siya nito ng Php50 (naisingit pa niya sa bikini niya iyong limampung piso), noong narape siya, noong nag-Japan siya, at ngayong sumasayaw siya ng halos hubo’t hubad para lang makapag-aral ang mga kapatid niya.

Akala daw niya nagbago na ang tatay niya pero mali pala siya dahil inalok siyang maging kabit nito. Sinabi na rin niyang nalaman niya na hindi nagpakamatay ang nanay niya kung hindi pinatay siya ni Jessica. Sinabi ni Jessica sa audience na huwag nilang iboboto si Robert.

Dumating si Rodrigo at pinasakay niya sa kotse si Margarita. Hinabol siya ni Bernard, pero tinignan lang siya ni Margarita at sumakay siya sa kotse ni Rodrigo.

Na-aresto si Ramon, courtesy ng mga ebidensiyang ibinigay ni Rodrigo sa kanila.

Sinabi ni Bernard sa partner niya na ang pagkamatay ni Adora. Sinisisi ni Bernard ang sarili niya sa mga nangyari kay Margarita at sa pamilya nito dahil hindi siya nagsalita laban sa ate niya noon.

Inatake ng mob ang sasakyan nina Jessica at Robert habang tinitignan nila ang mga botante.

Sinabi ni Rodrigo na lalayo na raw siya at isinasama niya si Margarita. Iyon din daw ang plano niya sabi ni Margarita kaya nga pinaalis na niya ang mga kapatid niya. Pero may dalawang bagay pa raw siyang kailangang gawin: 1) ang ipinangako niyang pagsasayaw sa amo niya, at 2) Gelly/Paula.

Kukunin na sana ni Margarita si Paula pero nakita sila ni Bernard noong papasakay na sila sa kotse ni Rodrigo. Nagkatutukan ng baril sina Rodrigo at Bernard. Sinabi na rin ni Bernard ang totoo kay Paula pero siempre hindi ito matanggap ng bata, kaya tumakbo ito pabalik sa bahay nila. Sinabi ni Bernard na siya na raw ang bahala kay Paula, siya na mismo ang magsosoli kay Paula sa kanila. Noong papasok sa gate si Bernard, nakita niyang niyakap ni Rodrigo si Margarita.

Binisita ni Jessica si Ramon. Sabi ni Jessica papatayin daw niya si Margarita at binigyan ni Ramon si Jessica ng number para sa hitman. May plano ding tumakas si Ramon.

Nagpaalam na si Rodrigo sa grupo nila. Titiwalag na raw siya para makasama ang babaen mahal niya. (Who says that?). Pumayag ang amo nila, pero in one condition daw: may last project pa siya. May ipapatira sila sa kanya: si Margarita.

Kilala pala ni Ramon ang boss ni Rodrigo. Hinihingi ni Ramon si Rodrigo bilang paunang bayad sa mga “utang” nito sa kanya.

Sinabi ni Rodrigo kay Margarita na may nag-hire sa kanya para patayin siya.

Ayan, Rodrigo and Margarita did it. Bago magperform si Margarita.

Sinabi ng friend ni Rodrigo (na kasama niya gang) kay Bernard na kailangan niyang iligtas si Rodrigo (narinig kasi niya ang usapan nina Ramon at ang amo nila ni ROdrigo)

Sumayaw na si Margarita

Nakipagkita si Rodrigo sa mga kasama niya sa gang para sabihing napatay na niya si Margarita. Sinugod siya ng mga ito at nag-rambol sila.

Naligaw ata si Jet Li. May pa-flying-flying kick ang nalalaman si Rodrigo. In the end, natalo niya lahat (don’t tell me wala silang baril and bakit nanonood lang si Bernard. NBI siya tapos natataranta siya sa mga ganoong situation?).

Natalo ni Rodrigo ang mga papatay sa kanya. Pero nabaril ni Ramon si Rodrigo bago nabaril ni Bernard si Ramon.

Nakarating pa sa ospital si Rodrigo. Naghihingalo na ito at humingi ito ng tawad kay Margarita at sinabi niya kay Bernard na alagaan at mahalin niya si Margarita.

Namatay si Bernard.

Nakita ni Jessica si Margarita sa lobby ng ospital. Pinagsasabunot ni Jessica si Margarita at akmang babarilin niya ito pero napigilan siya ng mga pulis at na-aresto siya sa pagpatay kay Adora. (Naroroon din si Didith, by the way). Paulit-ulit na sinasabi ni Jessica na: “Bernard, kapatid mo ako!”

Nagkita sina Margarita at Bernard. May maliit na lupa na raw sina Margarita sa Bicol (kasama na rin nila si Gelly/Paula). Umalis na si Bernard sa task force nagtayo na lang siya ng negosyo. Sinabi ni Bernard na mahal na mahal pa rin niya si Margarita, mahal pa rin daw niya si Bernard, sagot nito. Bakit hindi pa raw nila ituloy? Wala naman daw silang kasalanan sa mga nangyari. Balang araw babalik daw siya, sabi ni Margarita. Hahanapin daw muna ni Margarita ang sarili niya.

Hihintayin daw siya sabi ng luhaan si Bernard. Tumalikod na ang luhaan na si Margarita.

Naglakad na papalayo si Margarita at naiwang nakatayo si Bernard.

(Hindi man lang nalaman ni Margarita na binugaw siya ni Magda?! Anong nangyari kay Robert?)

Isang Tugon to “Margarita, The Finale (Episode 40)”

  1. tsismosa. Says:

    ehh. the ending was okaaay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: