Ysabella, Episode 64

by

Nakita ni Trining na naghahalikan sina Ysay at Albert.

Ipinaalala ni Trining kay Ysay noong nasa kwarto na silang tatlo nina Alex na ibinilin ng nanay ni Ysay sa kanya na hindi parating puso ang paiiralin kung hindi pati utak. Sigurado naman daw na hindi siya kayang ipagtanggol ni “Andrew” sa nanay niya.

Nakatanggap ng tawag si Albert kay Lima at luhaan niyang sinabi na Victoria Amarillo is back. Sinabi rin niya ang tungkol sa pagtanggal niya kay Fernando Montalban kahit na alam niyang maraming magrereklamo para lang kay Victoria pero ipapabalik naman pala siya ni Victoria. Sinita ni Andrew si Lima kung bakit hindi niya sinabi sa kanya kaagad ang tungkol kay Fernando. Sinabi ni Lima wala naman siya palagi. Sinabi ni Albert na luluwas na siya sa Maynila at aayusin niya ang lahat.

Papasok si Albert sa kotse noong kumprotahin siya ni Trining at sabihin sa kanya na sa sitwasyon niya between Ysay and his mom walang mangyayari sa relasyon nila ni Ysay.

Tinawagan ni Victoria si Fernando at gusto niton makipag-usap.

Eksena nina Mito at Venice — hindi ko masyadong pinanood, pero binigyan ni Mito si Venice ng bulaklak na pinitas ang niya sa tabi-tabi at mukhang nagkakadevelopan na sila.

Habang nag-uusap sina Ysay at Alex nakikinig si Reno. Sinabi ni Ysay na mukhang tama si Trining. Ang sabi naman ni Alex mahal siya ni “Andrew” at hindi niya ito kayang saktan. Naguilty naman si Reno kaya sumang-ayon na rin siya na dapat na talaga silang umalis doon.

Dumating na ang lalaking pinagsanlaan ni Venice ng titulo at may utang siyang P50,000.00 at wala pa itong pambayad sa kanya. Pero I guess binigay na rin ng lalake ang titulo, kaso si Venice ayaw niyang ibigay muna kay Mito –hoping the he’ll stay there longer.

Nakita nina Ysay na mahaba ang pila sa farm, sinabi ni Burdoy na iyon na ang mga nag-a-apply para sa tocino factory. Nagtaka si Ysay dahil hindi niya inaasahan na makakakuha na ng kapital si Andrew. Nagsimula ng mag-interview si Ysay ng mga aplikante.

Masayang sinalubong ni Fernando si Victoria. Akala nito pinatawad na siya ni Victoria pero nagpunta lang pala siya doon para sabihing tuloy ang trabaho niya sa Victoria’s Company dahil matatanda na raw sila at kaya naman siguro daw gawin ni Fernando ang magtrabaho na hindi naapektuhan ng galit nila ang performance niya.

Nakarating na si Trining sa labas ng bahay ni Fernando noong makita niyang papalabas ng bahay nito si Victoria…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 64”

  1. Rose Says:

    Salamat sa epi guide kahit di ko pa siya napapanood may hint na ako sa kwento.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: