Pangarap na Bituin, Episode 14

by

Sinabi ni Terrence kay Chorva na ginoodtime siya ni Emerald at sinabing mahal siya nito. Nabigla si Chorva. Pero bago pa naikwento ni Emerald ang lahat, nagyaya na si Terrence.

Inaabangan ni Berns at Kimmy si Alberta. Nagkabangga na naman sina Kimmy at Jeffrey. Nagkabangayan naman sila. Pinatawag ni Kimmy ng security guard ang receptionist para paalisin si Jeffrey, doon niya nalaman na anak ni Alberta si Jeffrey. Kung gusto daw ni Kimmy ng tulong ng mommy niya dapat mabait siya kay Jeffrey.

Nakausap ni Berns si Alberta. Pumayag itong tignan si Kimmy. Malakas daw kasi si Berns sa kanya dahil magaganda ang mga write-ups nito kay Terrence. Noong umalis si Berns para kunin si Kimmy, dumating si Jeffrey at ibinuild si Kimmy (cute daw siya at bibong-bibo ang datin). Pero pagdating nina Berns at Kimmy, umalis na si Jeffrey. Nagandahan naman si Alberta sa kanya pwede daw siyang artista. Pinakanta ni Berns si Kimmy pero hindi na-impress si Alberta.

Nabigla si Alberta noong nakita niyang kasama ni Terrence si Emerald sa meeting nila sa TV commercial.

Akala ni Kimmy na sinabi ni Jeffrey na paasahin muna sila ni Berns bago sila tanggihan ni Alberta. Siguro daw naiinggit siya sa kanya dahil hindi star material si Jeffrey. Kung gusto daw mag-artista ni Jeffrey pwede siya anytime na pumasok sa showbiz pero ayaw daw niya ang mga kabaduyang ganun. Nag-walk out si Kimmy sa sobrang inis kay Jeffrey.

Samantalang nalaman nina Terrence at Emerald na pinalitan ang boses ni Emerald sa jingle na ini-record niya. Hindi nila nlaman iyon until pinanood nila ang buong commercial sa staff meeting.

Kinausap ni Terrence si Alberta at itinanong paano nangyaring napalitan si Emerald ngayong siya na ang napili nila. Idineny ni Alberta na may kinalaman siya sa pangyayaring ito, eventhough talent niya ang pumalit as a lead singer. Tinanong ng assistant niya, hindi ba’t alam niya na si Emerald ang kakanta sa jingle? Oo raw. Pero hindi na kailangang malaman ni Terrence iyon.

Nag-uusap sina Emerald, Kimmy at Chorva tungkol sa hirap ng pagpasok sa isip. Sabi ni Chorva sinasabotahe ni Alberta ang career ni Emerald. Si Kimmy naman hindi maalis sa isip ni ang “inis” niya kay Jeffrey.

Habang naghihintay si JEffrey sa opisina ng mommy niya, nakita niya ang folder ni Kimmy.

Nakatanggap ng tawag si Kimmy mula sa opisina ni Alberta na may audition daw siya at kinconsider siyang kunin na ni Alberta as a talent. Medyo skeptical si Berns dahil Linggo ang araw na ibinigay sa kanya pero inignore na lang nila dahil naisip nila na baka emergency lang at kailanga kailangan nila na talent.

Pinuntahan ni Terrence si Emerald para sabihing kakanta ito at ang banda nila sa Bantay Batay at kailangan niya ng back-up singers. Ayaw na sana ni Emerald dahil baka palitan na naman siya ni Alberta. Pero sinabi ni Terrence na hindi mangyayari iyo dahil pagdating sa music siya ang boss. Inirekomenda na rin niya si Kimmy.

Sa practice, medyo hindi okay ang pagkanta ni Kimmy. Pero okay naman siya all in all. Ayaw na sana ni Kimmy, kumuha na lang ng iba si Terrence, pero pinalakas ni Emerald ang loob niya.

Nalaman ni Alberta na kinuha ni Terrence sina Emerald at Kimmy bilang back-up singers.

Pagdating ni Terrence sa bahay sinabi niya kay Alberta na kinuha niyang back-up singers sina Kimmy at Emerald. Alam daw niya, sagot ni Alberta. Tinanong ni Terrence kung galit siya, hindi raw. At maganda na raw iyong makakita na ng trabaho si Emerald para hindi na sila sustentahan ni Terrence, pabirong totoong sabi ni Alberta. Tinanong ni Alberta kung iniiwasan ba ni Terrence si Cazzie. Hindi naman raw, nagkataon lang daw na busy siyang masyado. Tumawag ulit si Cazzie at nakausap na siya ni Terrence.

Habang nagluluto sina Chorva at Emerald, nakalimutang bumili ng bawang at sibuyas(?) si Chorva kaya nagpunta ito sa tindahan. May nag-door bell at si Alberta ang nasa pinto. Sinita niya ang apartment nila, pa-sarcastic niya sinabi na mukhang mahal daw at paano niya nababayaran iyon ngayong wala naman siyang projects. Sinabi naman ni Emerald na babayaran naman nila si Terrence kapag nagkapera sila.

Ini-offer niya ng P100,000 si Emerald mawala lang ito sa paningin niya…

4 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 14”

  1. nawawala Says:

    BWISIT NA BWISIT AKO KAY ALBERTA!!!!!!!!!!!!! as iN!!!!!!!!!!!!!!!!!!! BWISEEEEEET~!!!

  2. ptvj Says:

    uy, namiss kita saan ka ba nagsusuot? hehe.

    oo nga kakainis `yun. she’s so creepy the way she owns terrence…

  3. queen Says:

    what’s in a soap kung walang nakakainis na kontrabida? ako rin, sobrang inis diyan kay Alberta gusto kong pumasok sa tv at sabunutan siya. in fairness magaling talaga umarte si cherry pie.

  4. sheherezad Says:

    naku totoo iyon mahal ka ni ate emerald kuya terence>>>>>>>>>

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: