Natutulog ba Ang Diyos? Episode 43

by

Sinabi ni Andrew na bagsak lahat ng grades niya at mukhang ipapadala na siya ng daddy niya sa States. Nagkakalabuan na rin sila ni Gillian. Maayos rin daw nila ang problema nila sabi Mark.

Humingi ng sorry si Andrew kay Mark tungkol sa nangyari noon. Desperado lang daw siya noon at alam niyang siya ang gusto ni Gillian. Siguro daw kung hindi niya ginawa iyon sila na ni Gillian. Hindi rin daw siguro, sabi Mark dahil malayo ang Baguio at hindi niya ito kayang ipaglaban sa mommy niya. Tinanong ni Andrew kung mahal pa ba niya si Gillian…hindi makasagot si Mark.

Hindi si Bernardo ang nabaril kung hindi ang kasama nilang si Badong. Iniwan na nila ang kotse sa isang deserted na lugar at nagpalit na sila ng damit. Nakumbinse ni Bernardo ang kasama niya na balikan nila si Badong kahit delikado at baka mahuli sila ng mga pulis, kahit alamin man lang daw nila kung saang ospital siya dadalhin.

Nakita ni Boy na hinimatay ang nanay niya. Humingi ng tulong si Boy sa mga kapitbahay niya.

Sinabi ni Mark na matagal na raw iyon at girlfriend na niya si Trish. Sabi ni Andrew na sana huwag na lang silang lumaki noong mga bata pa silang tatlo noong naglalaro lang sila. Sinabi ni Andrew na mahal na mahal niya si Gillian pero siguro tama ang sinabi ni Gillian na lahat ng ginagawa niya mali. He’s doing all the wrong things for love. Sinabi ni Mark na kaya niya iyon at magkakaayos din sila ni Gillian.

Bestfriends pa rin daw sila sabi ni Mark.

Naghahanap ng magagamit na cellphone si Gillian. Nanghiram siya sa isang babae at tinawagan niya si Karla.

Dinala na sa ospital si Patria.

Naabutan nina Bernardo na may mga pulis na at marami ng mga tao at reporters doon. Buhay pa si Badong. Narealize ni Bernardo na ganoon daw lang ba kadali ang buhay? Na ang damot-damot daw ng tadhana sa kanila.

Pupuntahan sana nina Rose sina Patria para alamin kung nandoon si Gillian pero dumating si Bernardo at sinabing ipagamot daw nila si Patria or else babawiin niya si Andrew.

Hindi makatulog si Rose at umiiyak ito at naisip ang sinabi ni Bernard na babawiin nila si Andrew. Kinabukasan sinabi ni Rose na naalala niya sina Andrew at Gillian. Hindi raw alam ni Rose kung paano niya sasabihin kay Andrew na wala na si Gillian.

Nagiguilty na si Rose dahil pinaalis niya si Gillina, malubha si Patria pero napagsalitaan pa niya ng masama, si Bernard humihingi ng tulong pero ayaw nilang tulungan. Hindi raw yata kaya ni Rose na ipa-DNA si Andrew dahil baka akalain ni Andrew na nagdududa siyang anak nila siya. Papatunayan lang daw nila na nagsisinungaling si Bernardo. Pero ano man daw ang resulta ng test hindi nila ibibigay kay Andrew.

Nakituloy si Gillian kay Karla. May trabaho na si Karla bilang saleslady. Tinanong niya kung ano ang plano ni Gillian. Kung siya lang daw si Gillian babalik na lang siya kina ROse. Sinabi ni Gillian na marami na raw problemang masyado sina Rose. Ang sabi naman ni Karla, hindi nawawala ang problema.

Pumunta si Andrew sa tinitirhan ni Gillian only to find out na wala lahat ang gamit ni Gillian. Pinuntahan ni Andrew si Rose at Mike. Nalaman niya ang nangyari, nagtaas siya ng boses at sinampal (well, it’s not suntok) ni Mike si Andrew. Wala raw bang karapatang magmahal at mahalin si Gillian, tanong ni Andrew?

Tinawagan ni Andrew ang cellphone ni Karla pero ni-reject ni Gillian ang tawag ni Andrew. Nalaman ni Karla na wala na sila ni Andrew dahil andami na nitong tinatago sa kanya. Sinabi ni Karla na baka hindi niya kayang ipagtanggol si Andrew dahil hindi niya ito ganoon kamahal.

Sinabi ng doktor na kritikal ang condition ni Patria. Kailangan daw nila ng P25,000 this week para dialysis ni Patria. Wala namang magawa si Boy kung hindi umiyak.

Umiiyak na tinitignan ni Gillian ang picture nila ni Andrew. Isinusuko daw niya ito dahil mahal niya ito.

Sa pangarap na lang daw siya mamahalin ni Gillian…?

2 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 43”

  1. kristine Says:

    i wonder wat the ending would be… i want gillian and andrew to be together…

  2. ptvj Says:

    ako rin, i want them together. bagay talaga sila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: