Margarita, Episode 39

by

Hinahalikan ni Robert si Margarita sa leeg. Sinabi nito na alam na niya kung sino siya. Ang hindi raw maibibigay ni Bernard, siya ang makakapagbigay. Inaalok niya itong maging “mabait” lang daw siya sa kanya at dahil marami itong pera. Hindi makapaniwalang umiiyak naman si Margarita. Tinawag nitong hayop ang tatay niya at hinampas niya.

Luhaang tinititigan na naman ni Margarita ang P50 na ibinigay ng tatay niya sa kaniya noong may sakit na kanser ang nanay niya. Naalala niya mula noong iniwan sila nito.

Wala sa mood si Bernard noong nag-uumagahan sila. Tinatanong ni Paula kung bakit hindi na niya nakikita si Greta. Wala na raw sila at meron ng iba si Greta.

Ikinuwento ni Margarita kay Didith ang pagtatangka ng tatay niya sa kanya. Isisiwalat daw niya sa buong mundo kung anong klaseng tao si Robert sa meeting de avance niya.

Sinabi ni Bernard na nakita niya sina Margarita at Rodrigo sa ate niya. Nalaman ni Jessica na ang tatay ni Rodrigo ay si Carding Toledo, ang ugat ng hindi nila pagkakaintindihan ni Ramon.

Tinanong ni Robbie kung kailan sila magpapakilala sa tatay niya. Sinabi ni Margarita na hindi na nila gagawin iyon. Pinapauna na ni Margarita sina Robbie at Gabby kasama si Didith sa Bicol, may aasikasuhin lang daw siyang importante.

Pinahiram ng dati niyang amo sa club si Margarita para makapagbagong buhay. Tutal daw malaki naman ang naitulongniya sa club, parang tulong na lang daw niya iyon. Kahit P100,000 daw pahihiramin niya ito pero humingi siya na pabor. Kung pwede raw sana na sumayar ulit si Margarita for the last time sa big event nila.

Pinag-uusapan naman nina Robert, Jessica, at Ramon ang mga posibleng makukulimbat nila kapag naluklok na si Robert sa pwesto. Sa distrito daw ni Robert gagawin ang sentro ng sindikato. Problema lang daw nila si Bernard baka raw makahalata naman ito ngayong involved na sila. Sinabi naman ni Jessica na distracted si Bernard ngayon dahil sa pag-ibig. Dahil nga nakipagbalikan daw si Greta kay Rodrigo. Sinabi ni Ramon na imposibleng mangyari iyon dahil patay na si Rodrigo at siya mismo ang pumatay dito. Kung totoo daw ang sinasabi ni Jessica, delikado sila dahil alam na lahat ni Rodrigo ang tungkol sa mga ilegal na gawain ni Ramon. Ang gagawin daw ni Ramon, he will pit Bernard against Rodrigo para maging busy si Bernard. It’s like hitting two birds in one stone.

Umalis na sina Robbie, Gabby, at Didith. Sa Tiyahin daw ni Didith sila titira sa Bicol. Pumunta si Bernard kina Margarita at nalaman niya mula sa kapitbahay nila na wala na ang mga ito doon.

May shoot-to-kill order na inilabas si Ramon para kay Rodrigo, dahil siya raw ang miyembro ng Mosquito Gang at ang hindi makapaniwalang si Bernard ang ginawa niyang lead investigator. Tinanggap ni Bernard ang kaso.

Nagpunta si Margarita sa campaign headquarters ni Robert. Humingi ng sorry si Robert sa kanya, nakainom lang daw siya. Itutuloy pa rin daw ni Margarita ang nasimulan niya. Tuwang-tuwa naman si Jessica dahil akala niya porke’t may problema sila ni Bernard hindi na siya magpapakita. Nag-request si Margarita. Gusto daw niyang handugan ng dance number ang tatay Robert niya. Pinaunlakan naman siya ni Jessica at sinabing tiyak na matutuwa ang mga botante.

Nag-aalala si Jessica sa assignment ni Bernard, baka raw mapahamak ito.

Tinawagan ni Rodrigo si Margarita at kailangan daw niya itong makausap. Sinundan ni Bernard si Margarita. Sinita naman si Bernard ng kasama niya, baka daw magalit si Greta sa kanya, handa na raw bang mawala ng tuluyan sa kanya si Greta? Ginagawa lang daw niya ang tungkulin niya, sabi ni Bernard.

Sa isang restaurant, may ibinigay na envelope si Rodrigo kay Margarita at sinabing kapag may nangyari sa kanya (dahil may mga gustong magpatahimik sa kanya), ibinigay niya ito kay Bernard at alam nito ang gagawin. Sinabi ni Margarita na wala na sila ni Bernard.

Nasundan nina Bernard si Margarita sa restaurant. Tinutukan nila ng baril si Rodrigo. Dineny ni Rodrigo na siya ang leader ng sindikato. Sinabi ni Rodrigo na si Ramon ang protektor ng sindikato kaya sine-setup siya nito. At ito rin ng umambush sa kanya. Ibinibigay ni Rodrigo kay Bernard ang envelope para makita nito ang sinasabi niya. Inaresto pa rin siya ni Bernard pero may mga dumating mga armadong kalalakihan at nagkabarilan. Nakatakas sina Margarita at Rodrigo. Gustong isama ni Rodrigo si Margarita pero ayaw niya dahil gusto pa nitong makaganti kay Robert. Magkita na lang daw sila pagkatapos. Tumakbo na si Margarita. Nagbabarilan pa rin sina Bernard at ang mga lalake.

Dumating si Ramon na may mga kasamang pulis at muntik na niyang makita ang laman ng envelope na naiwan ni Rodrigo. Nagsinungaling lang si Bernard at sinabi niyang personal na gamit niya iyon.

Tauhan pala ni Ramon ang mga sumugod kina Bernard. Tinawagan ni Ramon si Jessica para sabihing hangang-hanga ito kay Bernard dahil napatay niya lahat ng mga tauhan niya.

Naghahanda na si Margarita para sa pagsasayaw niya noong narinig niyang nag-uusap sina Jessica, Robert, at Ramon. Dito niya narinig na si Ramon ang naglinis ng mga ebidensiya sa pagkakamatay ni Adora kaya hindi nakulong si Jessica at na-confirm na niyang kapatid niya si Paula (dahil narinig din niyang sinabi niyang pati mga papeles ni Paula nagawan niya ng paraan). Sabi ni Ramon, pasalamatan daw ni Jessica si Bernard, dahil all these years hindi siya nagsalita laban sa kanya.

Sa meeting de avance, mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Robert.

Sinalubong naman ng sampal ni Margarita si Bernard. Nag-sorry si Bernard dahil ginamit niya ito para matunton si Rodrigo. Sinabi ni Margarita na hindi lang iyon ang kasalanan nito sa kanya, sabay iwan ito.

Ipinakilala na si “Greta” sa stage. Sumayaw na si Greta (aba, nahiram pa niya ang mga back-up dancers niya). Nashock sila noong inalis ni Margarita ang dress niya at tanging ang two-piece costume na lang niya ang suot niya at naging mahalay ang sayaw nito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: