Ysabella, Episode 63

by

Tinanong ni Albert kung nahanap na ni Homer si Ysay. Nakahinga siya ng maluwag noong ang impormasyong meron si Homer kung nasaan sina Ysay ay iyong address ng mga kamag-anak nina Trining.

Nagpapahangin si Ysay, nakita niya sina Burdoy at ang iba pang mga nagtatrabaho sa farm na nag-iinuman. Nakita ni Ysay ang isa sa mga ingredients na ginamit ng nanay niya noon sa pagluluto ng kinasal na manok.

Nagco-compose ng kanta si Alex. Pinuntahan siya ni Trining para sabihan na magready na para sa audition niya sa bar.

Nag-enjoy daw sa pamamasyal si Mito sabi niya kay Venice. Hinalikan niya sa pisngi si Venice bago sila naghiwalay.

Sinubukan ulit ni Ysay na magluto ng kinasal na manok gamit ang tabon-tabon (iyong ingredient na naalala niya noong ginagamit ng isa mga kainuman ni Burdoy).

Noong dumating sina Alex, masaya nilang ibinalita ni Trining na natanggap si Alex sa bar. Ayaw nilang tikman ang manok na iniluto ni Ysay dahil baka raw masuka ulit si Trining, pabiro niyang sabi. Naiwang nakaupo si Ysay.

Tinitignan ni Victoria ang reports ng kumpanya nila habang wala siya. Naimpress naman siya sa mga naaccomplish nina Albert at Lima habang “wala” siya. Napag-usapan nila noong akala daw niya ay si Ysay ang nakasagot sa telepono noong minsang tinawagan niya si Albert. Tinatanong ni Victoria kung may girlfriend si Albert. Ayaw magsalita ni Albert, naisip ni Victoria na baka kumplikao raw ang situwasyon. Kung kumplikado raw iwan na niya. Marami pa raw namang darating.

Sinabi rin ni Victoria na asikasuhin ni Albert ang farm — alang alang kay Andrew.

Bago umalis si Albert nakita niya si Victoria na kinakausap si Andrew at sinasabing bibigyan nito ng hustisya ang pagkamatay niya. She was humming while yakap yakap niya ang picture ni Andrew.

Nagpunta sa opisina ni Lima si Jordan para may ipasa. Nalaman ni Jordan na may tinatapos si Lima kaya nag-volunteer siyang tulungan ito. Tumanggi si Lima. Sinabi ni Jordan na hindi naman niya hinihingi na maging sila ulit, gusto lang daw niyang makipagkaibigan ulit. Tinanong ni Lima kung hindi pa tapos ang 200 hours niya. Umalis si Jordan.

Nag-aalala si Albert na mabuking siya ng mga tauhan ni Homer kaya inutusan niya sina Burdoy at Reno– hindi ako sure but I guess para maintercept ang mga tauhan ni Homer at hindi siya mabuko sa mga ginagawa niya. Tinanong ni Burdoy na e ano raw ngayon kung malaman ni Victoria na kasama niya si Ysay, pareho lang naman daw nilang balak maghiganting mag-ina. Unless raw nagbago na ang plano niya. Hindi raw, sagot ni Albert at ibinaba na niya ang telepono.

Sa staff meeting nina Lima, naroroon si Victoria. Noong presentation na ni Lima at sinabi niyang hindi na nila kukunin si Fernando Montalban, marami ang nag-react dahil maganda ang credentials nito. At the end pati si Victoria nag-agree na ibalik nila si Fernando.

Habang hinihintay naman ni Mito si Venice na matapos ang shift nito, nakiusap siya sa manager na papagtrabahuhin siya doon, with matching uniform pa. Kilig na kilig naman si Venice at ang kasama nitong receptionist.

Dumating na si Albert sa farm. Napansin ni Ysay na malungkot si “Andrew.” Akala niya nag-away na naman sila ng mommy niya kaya isinugggest na lang niya na huwag na nilang ituloy ang negosyong napag-usapan nila. Naiintindihan naman daw nila iyon. Hinalikan ni Albert ang kamay ni Ysay. Huwag na raw muna nilang pag-usapan iyon. Doon na lang daw muna siya.

Tinititigan ni Albert si Ysay, iniiwasan ni Ysay ang tingin ni Albert. Hinalikan ni Albert si Ysay sa labi…

5 Tugon to “Ysabella, Episode 63”

  1. Rose Says:

    In fairness kinilig ako sa kiss nina Ysay at Albert.

  2. aLOU Says:

    Ako rin!🙂 The best ka talga ptvj!(Tama ba?) basta kahit di ko napapanood itong ysabella dahil sa work, present naman ako lagi dito!*lol*

  3. delyn Says:

    kakakilig naman talaga sina Ysay at Alber ay Andrew pala. Kasi naman sya eh nagpanggap pa na si Andrew dahil sa pag hihiganti ngayon nahihirapan na sya. Nahahati na ang puso nya sa dalawa. hindi na nya alam ang gagawin nya. Sya ay isang mama’s boy ngayon kaya ba nyang kalabanin ang sarili nyang ina dahil lamang kay ysay???

  4. jean Says:

    please bigay nio sakin recipe ng kinasal na manok please jeannieag_15@yahoo.com.ph

  5. lemon mar dimalaluan Says:

    wahehehehehe!!!!!!!lage ko inaabangan ang yssabela!!!interesado po aq dun sa recepie na kinasal na manok. pahingi nmn ng copy nun,pleassssss!!!w8 q po, wahehehehe..lemonmark_dimalaluan@yahoo.com hilig ko po kc mgluto eh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: