Pangarap na Bituin, Episode 13

by

May nakakitang reporter kina Emerald at Terrence at itinanong kung girlfriend niya si Emerald. Na-hurt si Emerald noong sinabi ni Terrence na kababata lang niya si Emerald at tawa pa ito ng tawa.

Malungkot si Emerald noong inabutan siya ni Cocoy sa bahay. Ikinuwento ni Emerald ang nangyari noong ininterview sila ng reporter. Tama ba naman raw na tumawa siya ng malakas, para bang imposibleng maging kami. Gusto raw ba niyang maging sila, tanong ni Cocoy. Deny to death naman siya.

Hindi makatulog si Emerald, kinuha niya ang laruang kotseng kuba na ibinigay ni Terrence habang inaalala niya ang mga ginawa nila sa Boracay pati na ang pag-du-duet nila.

Nanonood ulit ng rehearsals ni Terrence si Emerald. Lagi silang nagtititigan ni Terrence pero pareho nilang binabawi ang titig nila kapag pareho silang napatingin sa isa’t isa. Humihingi ng tulong si Terrence sa kakantahin niya, may kulang daw na emotion –love. Habang binabasa ni Terrence ang kanta (biglang nag light outs na as if si Terrence lang ang tao sa mundo) tinititigan siya ni Emerald. Inassure siya ni Emerald na maganda na ang kanta at nagpaalam na ito.

Hindi ito agad umalis, nagtago lang siya sa tabi ng pinto at kumanta.

Tinanong ni Emerald sa erpats niya kung ano ang gagawin niya. Bigyan daw niya ng palay at si Terrence na ni tutukain. Sabihin na raw niya ang nararamdaman niya kaysa hintay siya ng hintay. Baka raw naghihintayan lang siya. Kaibigan lang daw ang turing ni Terrence sa kanya, sabi ni Emerald. Iba raw ang pagitngin ni Terrence sa kanya, sobrang alaga daw kasi nito sa kanya. Hindi raw niya malalaman kung hindi niya susubukan.

Namamasyal sina Terrence at Emerald. Walang kibo si Emerald (girl na girl siya, naka-skirt at nakalugay ang hair). May problema raw ba sabi Terrence? Ano raw ang problema niya baka sakaling matulungan niya ito.

Emerald: Terrence bakit ba ang bait-bait mo sa akin?
Terrence: Tinatanong pa ba iyon, siempre importante ka sa akin.
E: Tererrence kasi..
T: Sige na sabihin mo na sa akin…*laugh*
E: Terrence gusto kita…mahal kita…

(I’ve fallen for you sa background…tapos commercial).

t: emerald mahal din kita (sabay hawak sa kamay ni )…pero as a friend lang…hindi kaya friendly love lang nararamdaman mo sa kin…
e: joke!!! (sabay tawa niya ng malakas, habang pinipigilan niya ang pagluha)

Nagpunta sa CR si Terrence at doon naiwang nag-iisa ang malungkot na si Emerald. Umuwing malungkot si Emerald at walang nagawa si Cocoy kung hindi yakapin na lang ang anak.

Okay lang daw siya sabi ni Emerald, crush lang da iyon.

Nagpaalam na mag-i-sleep over si Kimmy kay Berns. Sinabi ni Kimmy na sa kanya lang kasi niya naramdaman ang pagkakaroong ng tunay na kaibigan. Okay din naman si Berns kay Emerald, basta huwag alng daw aagawan ng role si Kimmy. Sinabi rin ni Kimmy na ipinakilala siya ni Emerald kay Terrence Rodriguez. Ang swerte daw ni Terrence sabi ni Berns, biglang sikat siya. Si Alberta Tuazon daw kasi ang manager niya, maraming connections. Naisip ni Berns na ipa-manage si Kimmy kay Alberta para umusad ang career niya.

Natutulog na si Chorva sa kwarto nila ni Emerald, pero ikinuwento pa rin niya ang pagtatapat niya kay Terrence. Bakita daw ba nararamdaman niya ito, hindi naman pala kayang suklian ni Terrence ang feelings niya sa kanya. Umiiyak na ito, bakit hindi raw siya kayang mahalin ni Terrence (habang natutulog pa rin si Chorva).

Nag-rring ang cellphone niya pero ayaw sagutin ni Emerald. Nag-ring ang phone ayaw ipasagot ni Emerald kay Chorva. Biglang bumaba si Cocoy dahil naririnig niyang nagriring ang mga phones at walang suamsagot.

Tumakbo si Chorva at sinagot ang phone. Ipinasabi ni Emerald na wala siya. Akala ni Chorva sila na ni Terrence kaya nagtitili ito. Naghabilin si Terrence kay Chorva na susunduin niya si Emerald kinabukasan para sa TV jingle ng commercial na gagawin nila ni Terrence…

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 13”

  1. sheherezad Says:

    naku kuya terence ha na hurt ang ate emereald ko

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: