Natutulog ba Ang Diyos? Episode 42

by

Pinatuloy ni Patria si Rose. Sinabi ni Rose na totoo palang may sakit si Patria, sana raw sa kanila na lang dumiretso si Patria sa halip na ginulo ni ang isip ni Andrew.

Hinarang ni Bernard si Mike. Bumaba ng kotse si Mike at muntik ng suntukin si Bernardo, at galit na galit na ito dahil sa ginawa ni Bernard kay Andrew. Kay bata bata pa raw ni Andrew anu-ano na ang ipinapasok nila sa isip niya.

Galit na galit na si Rose dahil nga nagkanda-bagsak bagsak si Andrew dahil doon.

Sinabi na ni Bernardo ang totoo kay Mike na anak nila si Andrew. Malubha daw si Patria, kailangan daw siyang ipagamot ni Mike. Sinabi ni Mike na para kung magsalita siya may ipinatago siya. Oo daw may ipinatago siya — si Andrew. Kapag hindi raw niya ipinagamot si Patria, babawiin niya si Andrew. (Ano siya tuta?). Galit na galit na si Mike kay Bernardo at narealize niyang ipinagpalit niya sina Gillian at Andrew noong mga bata sila.

Binisita ni Boy si Gillian sa mansiyon. Sinabi nito na malubha na ang nanay nila, na naglayas si Patria, at pinuntahan ni Andrew sina Patria noong huling nagpunta si Boy doon.

Ipinatawag ni Rose si Gillian. Sinabi niyang nakita na niya si Patria at totoong may sakit ito. Hihingi raw sana ng tulong sina Gillian. Kung tulong lang daw ang kailangan nila ibibigay iyon ni Rose kahit hindi na nila bayaran, pero kailangan din niya ng peace of mind.

Sinabi na ni Rose sa kanya na inamin ni Andrew na mahal niya ito. Noon daw si Patria ang may gusto kay Mike, ngayon naman daw sina Andrew at Gillian. Kung araw daw niyang magkakaganoon sana raw pinapag-aral na lang siya ni Rose ng hindi tumitira sa poder niya. Sinabi ni Gillian na sa bawat desisyon daw niya una muna niyang iniiisip kung ano ang magiging reaksyon ni Rose. Pero siya na lang daw ang aalis. Luhaang niyakap ni Gillian ang naiiyak na ring si Rose.

Nakita ni Mark si Andrew sa labas ng gate nila. Hindi na raw niya alam ang gagawin niya sa buhay niya, kailangan lang daw niya ng kausap.

Sumama na si Bernardo sa mga kakosa niya dati. Mangha-hijack sana sila ng kotse may baril ang nagmamaneho ng kotse at nabaril ang isa sa kanila.

Iniisip ni Patria lahat ng nangyayari sa buhay nila –noong umalis si Tina, noong kinausap siya ni Rose, etc. Mukhang nanikip ang dibdib niya at nawalan na ito ng malay.

Nagalit si Boy kay Gillian dahil umalis nga ito kina Rose pero hindi naman pala siya uuwi sa kanila.

After what seemed like forever — narealize na rin ng mag-asawang Rose at Mike na baka nga si Gillian ang anak nila.

Tumayo si Rose at tumakbong papalabas ng bahay at dumiretso sa dating tirahan ni Gillian. Humabol din si Mike. Wala na si Gillian doon. Nagpanic na sila kasi hindi na nila naabutan si Gillian…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: