Margarita, Episode 38

by

Sinabi ni Margarita na huwag sana siyang sasaktan ni Bernard. Ayan, naghalikan sila ulit.

Hindi nila alam na may hitman sa labas ng gate nila Margarita at akmang babarilin si Bernard. Tinutukan siya ng baril ni Rodrigo at pinukpok niya ito ng baril at nawalan ito ng malay. Doon niya nakita magkayakap sina Margarita at Bernard.

In captivity ang hitman with Bernard. May tumulong daw kasi kay Rodrigo kaya buhay pa ito. Si Rodrigo daw ang ginawa niyang hitman para patumbahin si Ramon at makulong ito. At ang usapan daw nila ng amo niya ang mga criminal lang ang papatayin niya. Binaril ni Rodrigo ang hitman sa ulo.

Pinag-iisipan daw ni Robbie ang tungkol sa tatay nila. Kung si Bernard nga raw lumaki sa piling ni Robert lumaki naman itong mabait at tapat sa batas. Paano raw kung angbago na ang tatay nila. Magpakilala na raw sila sa tatay nila. Gusto din daw makilala ni Robbie ang kapatid nilang nawawala. Napasalamat si Margarita at sinabi niyang hihinto na siya sa pagsasayaw niya sa club. Narinig ni Gabby ang pinag-uusapan nila.

Sinabi ni Ramon na sana dumating din ang panahon at malilinis din ang pangalan ni Ramon kay Bernard.

Nahuli na si Guttierez at sinabi ni Bernard sa kanya na ilalagay siya sa witness protection program basta ituro lang niya ang protector nila. Pumayag ito sinabing si General Lambino ang ang protector nila pero parang nagkakalabuan na sina Lambino at Morales. Habang sinasabi niya ito, nagawa na ang balak ni Ramon na patayin lahat ng mga taong involved.

Umiiyak si Gabby dahil kaya daw pala magaan ang loob niya kay Paula at aliw na aliw siya sa mga jokes ni Robert. (Ha? Bakit bigla na lang nilang nalamang si Paula ang kapatid nila?)

Bumalik na si Paula mula sa States. Nakilala ni Paula sa si “Greta” mula sa restaurant. Magaan agad ang loob ni Paula sa kanya.

Kumakain ng dinner sina Bernard at “Greta.” Hindi mapakali si Bernard. Kung anu-ano ang pinagsasabi niya, sabay blurt out ng “Gusto mo ba akong pakasalan?” Nabigla si Greta, pati si Bernard dahil nasabi niya lang bigla iyon.

Inulit ni Bernard iyon, this time nailabas na niya ang singsing.

“Will you marry me?” daw, tanong ni Bernard sa na-shock na si Margarita.

Mahal daw niya ito pero… . Pinigil siya ni Bernard, it’s okay daw kasalanan naman niya at ginulat niya si “Greta.” Okay lang daw, basta alam niyang mahal siya ni Margarita masaya na siya.

Gusto na raw niyang umoo sabi ni Margarita kay Didith, pero gusto daw niya na bago mangyari iyon, dapat kilala na siya ni Bernard talaga.

Nagpaalam si “Greta” sa boss niya na hindi na siya sasayaw. Sumayaw ito for the last time…dumating naman si Robert sa club at nakita siya.

Nasa crime scene sina Bernard at si Ramon pa rin ang naiisip niya mastermind sa lahat lahat ng nangyayari.

Nagdarasal si Margarita. Gusto na raw niyang magpakilala sa tatay niya at gusto na raw niyang magpakilala sa lalaking mahal niya. Dumating si Rodrigo at inabutan siya ng panyo nito.

Tinanong ni Rodrigo kung pinaiyak siya ni Bernard. Sinabi ni Rodrigo na nakita niya ang mga ito before. Paalis na si Margarita pero pinigilan siya ni Rodrigo at sinabing nagsisisi ito sa ginawa niya sa kanya. Ipinakita ni Rodrigo ang mga tama ng bala (?) niya sa tiyan.

Ayaw sabihin ni Rodrigo kung sino ang mga taong may kagagawan nito sa kanya dahil ayaw niyang madamay si Margarita. Hindi raw siya matatahimik hangga’t hindi siya nakahingi ng tawad kay Margarita. May puwang ba raw siya sa puso niya? (At this point maiingay ang mga tao sa amin so hindi ko narinig ang sagot niya).

I guess, she said yes kasi inihatid pa siya ni Rodrigo sa bahay. Tinawagan siya ni Bernard. Sinabi ni Margarita na wala sigurong signal noong tumatawag si Bernard. Galing siya sa simbahan. Sa simbahan raw ba o kasama niya si Rodrigo. Nasa labas pala ng bahay si Bernard.

Nag-away na sila kasi alam ni Bernard na mahal ni Margarita si Rodrigo. Kaya daw pala hindi niya tinanggap ang proposal ni Bernard sa kanya dahil kailangan lang niya ng panakip butas at kailangan niya ng lalaki. Sino nga raw ba siya? Nagsasayaw lang naman daw siya sa club at kahit sino pwede siyang i-table.

Sinabi ni Margarita na umalis na siya. Hindi na raw niya kailangang paalisin ito at ibinato na lang ni Bernard ang engagement ring na nakalagay sa kahon. Nakita ito ng mga kapatid niya.

Sinabi ni Didith na kausapin na lang niya si Bernard baka nabigla lang ito at siempre insecure siya kasi alam niya ang history nila ni Rodrigo.

Nagsadya si Margarita sa bahay nina Bernard. Si Robert lang ang naroroon. Umiinom ito kaya tinanong ni Margarita kung may problema siya. KUnwari umiiyak si Robert kaya niyakap siya ni Margarita.

Mukhang mamanyakin pa ni Robert si Margarita. Tsk..tsk..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: