Ysabella, Episode 62

by

Pagkatapos kausapin ni Reno si Albert sa telepono nakita siya ni Ysay at itinanong kung sino ang kausap niya. Iyon daw bang nililigawan niyang langit at lupa ang pagitan nila ang kausap niya? Sabi ni Ysay, minsan hindi raw kasi pwedeng pababain ng puso ang langit. Kung ang puso naman daw ang may gusto hindi nila kontrolado ito sabi naman ni Reno.

Nag-eemote naman si Albert sa kwarto niya sa mansyon at tinititigan niya ang picture ni Andrew.

Habang nagdarasal si Ysay, kinausap niya si Rosario at humingi ito ng pasensiya dahil medyo nakakalimot na siya. Nakapangako na raw daw kasi siya kay Andrew, pero hindi raw bale pagsasabyin na lang daw niya ang pagtupad ng pangarap niya at ang pagtulong kay Andrew. Narinig siya ni Trining at nagyakap sila. Sinabi nito na subukan ulit lutuin ni Ysay ang kinasal na manok. Sinabi ni Ysay na may ingredient na hindi nila makuha-kuha.

Nagising si Mito sa hotel room niya at naroroon si Venice at may inihanda itong almusal para sa kanya. Tinanong ni Mito kung sino ang nagbihis sa kanya, pero “secret” daw sabi ni Venice. Nag-day off daw si Venice at marami silang activities that day dahil ayaw niyang iwan si Mito baka raw magpakamatay pa ito.

Kausap nina Albert at Victoria ang doktor ni Victoria. Okay na raw siya pero dapat hinay hinay pa rin siya. Ngayon lang daw kasi siya mag-di-deal sa pagkamatay ni Andrew. Sinabi ni Victoria na dahil daw blessed siya sa mga anak niya na nagmamahal sa kanya. Ipinaalala ni Albert sa kanya na hindi siya babalik sa dati if not for Lupe. Ayaw siyang tigilan ni Albert hangga’t hindi ito pumayag na kausapin ni Victoria si Lupe. Sinabi ni Vcitoria na ayaw daw niya ng utang, para daw sa kanya lahat ng utang binabayaran.

Pinatawag ni Victoria si Homer at ipinapahanap niya si Ysabella. Payback time na raw.

Sinusubukan ni Ysay na i-replicate ang kinasal na manok ng nanay niya pero hindi niya makuha-kuha. Habang kausap niya si Alex narinig nila ang interview ni Tere sa radyo. Si Alex para nawala sa sarili (may crush ba siya kay Tere?). Iniwan na siya ni Ysay para mamalengke.

Pagbalik ni Ysay may dala itong mga tocino at longganisa. Gusto daw niyang matikman ang kumpetensiya para malaman niya ang lasa. At may nakita raw isyang pwesto sa palengke. Sinabi niya kay Alex na maganda na rin iyong may sarili silang raket. Naririnig ni Reno lahat ng usapan nila.

Dinala ni Albert si Victoria sa bahay ni Lupe. Iniwan nya sina Victoria at Lupe para makapag-usap sila ng maayos. Hindi magkamayaw sa pag-e-estima si Lupe kay Victoria, dahil akala niya nagpunta si Victoria doon para makipagbati. Binato lang ni Victoria si Lupe ng pera at sinabing kung kulang pa iyon, tumwaga lang siya pero huwag na niyang lalapitan ang mga apo niya. Ayaw kasing maniwala ni Victoria na sincere si Lupe sa ginawa niya. Umayon naman si Lupe sa sinabi niya pero pag-alis ni Victoria, umiyak ito. Pinalitaw ni Victoria kay Albert na bati na sila ni Lupe pero ayaw daw nitong tumira sa kanila kaya dadalawin na lang nila ito doon.

Ipinatikim ni Ysay ang luto niya kina Reno at Alex. Palpak ang luto niya at narealize ni Alex na in-love si Ysay dahil pumapalpak lang naman ito kapag may problema siya sa puso.

May meeting si Lima at ang staff niya. Nireready na niya ang lahat para sa pagbabalik ni Victoria and that includes getting rid of Fernando.

Nalaman ni Albert na pinapaligpit ni Victoria ang mga gamit sa kwarto ni Andrew as a way of moving on pero pinadala niya sa maid ang mga personal na gamit ni Andrew.

Nalaman ni Albert from Homer na pinapahanap ni Victoria si Ysabella…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 62”

  1. Rose Says:

    Ang galing balik na ang excitement sa Ysabella kaabang abang na ang mga susunod na epi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: