Pangarap na Bituin, Episode 12

by

Sinabi ng mga kasama ni Alberta na she’s making a big mistake. Siya raw ang may-ari ng kumpanya, pero salamat din daw sa inpt nila. Nanghihinayang ang mga ito dahil gandang-ganda sila sa boses ni Emerald at sabi ng isa pupusta daw sila na sisikat din siya balang araw.

Hindi makapaniwala sina Cocoy at Chorva na hindi ito pumasa sa audition.

Umiiyak si Emerald sa hindi niya pagkakatanggap sa audition pero ayaw niyang ipakita kina Cocoy at Chorva.

Dumating na ang report na hiningi ni Alberta tungkol kay Emerald at nalaman niya kung sino talaga ito.

Itinanong ni Terrence kung bakit ni-reject ni Alberta si Emerald. Dahil daw sa Kanya, sagot ni Alberta. Tinanong ni Alberta kung saan sila nagkakilala ni Emerald. Nagsinungaling si Terrence, kaya nagalit si Alberta. (Ang creepy naman ng possesiveness ni Alberta). Hindi naman daw dating ganyan si Terrence, dahil daw ba sa isang nobody na kagaya ni Emerald. Binago daw siya ni Emerald.

Sinabi ni Terrence na okay, ni-reject niya si Emerald. Pero tutulungan daw niya si Emerald na makamit ang pangarap nila, wala naman daw silang ginagawang masama. Pag-alis ni Terrence, sinabi ni Alberta na hindi niya hahayaang matupad ang pangarap ni Emerald.

Nag-se-self-pity na si Emerald pero pinalakas ni Cocoy ang loob nito. Gusto ng umuwi ng BOracay ni Emerald. Sinabi ni COcoy na hindi lang si Alberta ang talent manager. Pumunta daw siya ABS (lol), at lagi silang naghahanap ng talent doon.

Gusto na lang kumanta ni Emerald sa bar. Sige raw sabi ni Cocoy hanggang pagtanda niya doon na lang siya kung saan siya comfortable. Or sumugal siya para makita niya kung saan siya makakarating.

Nakakuha ng audition si Berns para kay Kimmy.

Binisita ni Terrence sina Emerald. Humingi ng sorry si Terrence. Tinanong ni Chorva si Terrence kung bakit galit si Alberta sa kanya. Huwag na raw nilang pag-usapan iyon sabi ni Emerald baka ma-apektuhan pa ang iba pa niyang mga auditions. Tuwang-tuwa si Terrence na niyakap si Emerald noong malaman niyang hindi pa rin ito susuko habang nakatingin si Chorva sa kanilang dalawa (na para bang narealize niyang hindi lang magbestfriends ang nararamdaman ng dalawa pasa sa isa’t isa).

Nagkita sina Kimmy at Emerald sa isang audition. Pag-alis ni Berns binawasan ni Kimmy ang mga burloloy niya sa katawan dahil pagod na siya sa pakikipagtalo kay Berns kaya hinahayaan na lang niyang ayusan siya nito at aalisin na lang niya kapag umalis na ang mga ito. Parang nawawalan na ng pag-asang sumikat si Kimmy dahil 6 years old pa lang siya kung saan-saang audition na siya nakapunta pero hanggang ngayon wala pa siyang nakuhang break. Sinabi ni Emerald na huwag siyang sumuko at magtutulungan daw sila.

Isinama ni Emerald si Kimmy sa tinutuluyan nila at tuwang-tuwa siyang sinalubong nina Cocoy at Chorva. Nakatanggap ng text message si Kimmy galing kay Berns at pinapauwi na siya nito. Niyaya sila ni Kimmy na lumabas kinabukasan pero hindi raw makakapunta si Cocoy, at si Emerald may usapan sila ni Terrence na manonood ng rehearsal. Nalaman ni Kimmy na si Terrence Rodriguez ang bestfriend ni Emerald kaya tilian silang dalawa ni Chorva.

Kinabukasan, isinama ni Emerald sina Chorva at Kimmy sa rehearsal. Bineso-beso ni Kimmy si Terrence, pati si Chorva nakigaya. Ipinakilala ni Terrence ang mga bandmates niya sa kanila, pati sila bineso-beso ni Chorva.

Pinanood nila ang rehearsal nila. Nag-duet sila ni Emerald habang kinikilig na nanood ang dalawa.

Nagkabanggaan sina Kimmy at Jeffrey sa lobby (ng studio?) pareho silang nadulas at napahiga si Kimmy sa sahig. Nag-away sila.

Sa meeting nina Alberta tungkol sa gagawing commercial ni Terrence, habang may kausap sa phone si Alberta, tinanong nirekomenda ni Terrence si Emerald sa mga ito bilang ka-duet niya sa jingle.

Impressed naman ang lalaki sa ad agency. Nanonood sina Kimmy at Chorva. Pagkatapos kumanta ni Emerald, masayang ibinalita ni Emerald na nagustuhan nila ang kanta niya. Niyakap siya ni Terrence at sinabing mag-celebrate daw sila. Nagdahilan si Kimmy at sinabing may lakad daw sila ng walang malay na si Chorva para magkasarilinan sina Emerald at Terrence.

Masaya silang namasyal at nagsubuan ng ice cream, nag dance revolution, at kung anu-ano pang arcade games…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: