Natutulog ba Ang Diyos? Episode 41

by

Nakita ni Gillian na nagsusuntukan sa pool sina Andrew at Mark at dito niya narinig na sinabi ni Andrew kay Mark na sila na ni Gillian kahit na noong hindi pa talaga sila. Nagalit si Gillian kay Andrew. Sinabi naman ni Mark na kaya lang nagawa ni Andrew iyon ay dahil mahal siya nito.

Nakita ni Boy na nag-eempake si Tina at lalayasan na sila nito. At nakita pa ni Boy na my engagement ring pa si Tina. Noong paalis na si Tina, nagising si Patria at pinigilan siya nito. Ayaw papigil ni Tina at hinabol siya ni Patria. Hindi ito nagpapigil. Nawalan ng malay si Patria at isinugod siya sa ospital ng mga kapitbahay niya at ni Bernardo.

Si Andrew naman nag-eemote sa kwarto niya.

Kailangan na daw talagang ipa-dialysis si Patria dahil maiipon at maiipon ang dumi nito sa katawan at bibigay ang kidney nito. Pero wala talaga silang pambayad.

Nakita ni Gillian ang singsing na ibibigay sa kanya ni Andrew at may kasamang sulat pa ito.

Ikinuwento ni Mark kay Trish ang pinag-awayan nila ni Andrew. Tinanong ni Trish kung nanghihinayang raw ba ito, na baka sila na ni Gillian kung hindi sinabi ni Andrew na sila na ni Gillian? Sinabi ni Mark na nasaktan lang daw ito at nanghinayang pero sinabi niyang nasaktan din siya dahil nasira ang pagkakaibigan nila ni Andrew.

Kinausap ni Gillian si Andrew at sinabing nabasa na niya ang sulat. Hindi raw talaga niya maintindihan kung bakit nila sinasabing anak nila si Andrew. Gusto man niyang kausapin ang tatay niya, hindi naman daw siya pakikinggan.

Isinoli ni Gillian ang singsing. Ayaw tanggapin ni Andrew at sinabi niyang hindi nito kaya mawalay si Gillian sa kanya. Kayanin daw niya pero hindi lahat ng oras may aalalay sa kanya. Ang sinabi lang ni Gillian, salamat sa pagmamahal at pagtitiwala.

Nag-test na si Andrew. Mababa pa rin ang grades niya kaya galit na galit na si Mike. Narinig ni Gillian ang usapan nina Mike at Rose kaya napilitan niyang sabihin na ginugulo nina Bernardo ang isip ni Andrew kaya siguro distracted ito.

Sinabi ni Bernardo na gagawa siya ng paraan para makapagpa-dialysis si Patria.

Paalis si Rose noong nakasalubong niya si Emma at nakiusap ito na ipacancel na lang ang appointment nla sa party planner.

Binuksan ni Patria ang pinto…nagharap sila ni Rose…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: