Margarita, Episode 37

by

Dinala sa ospital si Bernard.

Nalaman ni Ramon na nabaril si Bernard.

Napanood sa TV nina Robbie, Margarita, at Didith ang balita tungkol sa pagkakabaril ni Bernard.

Nagkita sa ospital sina Ramon, ang partner ni Bernard, Jessica, Robert, at ang pulis na kasama ni Bernard. Sinabi ni Ramon na maraming ng nasasagasaan si Bernard at marami ang hindi magdadalawang isip para itumba siya. Gumawa raw siya ng paraan sabi ni Jessica.

Dumating si Margarita at nagyakap sila ni Jessica. Sinabi ni Margarita ang sinabi ni Bernard sa kanya noong huli silang magkita.

Si Margarita ang magbabantay kay Bernard sa ospital. Si Didith na lang daw muna ang bahala kina Robbie at Gabby.

Sinabi ng doktor na ligtas na sa panganib si Bernard. Iniwan ni Jessica si Margarita doon para lalo silang madevelop ni Bernard. Magaan daw kasi ang loob ni Jessica kay “Greta.” At feeling daw niya si Margarita ang makakakumbinse kay Bernard na umalis na sa trabaho niya dahil nag-aalala si Jessica na anytime pwede siyang mamatay.

Umiiyak si Margarita habang nakahiga si Bernard. Nakatulog si Margarita sa may higaan ni Bernard at nagising ito sa alarm ng flatline ni Bernard. Taranta nitong tinawag ang nurse, pero okay naman pala si Bernard nahila lang pala niya ang plug ng machine. Sa sobrang inis ni Margarita kay Bernard, sinuntok niya ito sa dibdib. Lol.

Sinabi ni Ramon sa kasabwat niya na huwag nilang gagalawin si Bernard. Pero pag-alis nito, inutusan ng kausap niya ang isa sa mga tauhan niya para iligpit na si Bernard.

Tinanong ni Bernard kung bakit siya inaasikaso ni Greta. Sinabi ni Greta na siya raw kasi ang nagpauwi kay Robbie, etc. etc.

Inihatid nina Bernard, Jessica, at Robert si Margarita sa bahay nina Margarita.

Umiiyak si Margarita at nakita siya ni Didith. Pinayuhan siya ni Didith at sinabi niyang okay naman si Bernard, alam nito ang trabaho niya pero hindi siya nito ni-judge.

Hindi makatulog si Margarita at naalala niya ang sinabi ni Didith na kalimutan na niya ang nagyari sa kanila si Rodrigo dahil walang mangyayari sa kanya kung hindi niya gagawin ito. Nandoon na raw ang lalaking talagang nagmamahal sa kanya, pababayaan ba naman daw niya itong mawala dahil sa takot? Naalala din niya ang sulat ni Rodrigo sa kanya.

Sinusunog ni Margarita ang mga pictures at kung anu-ano pang nagpapaalala kay Rodrigo sa kanya. Dumating si Bernard at naghalikan at nagyakap sila ni Margarita.

Biglang ipinakita si Rodrigo, bumaba ito sa kotse at ini-aim ang baril niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: