Ysabella, Episode 61

by

Nagkita sina Ysay at Victoria. Naalala na niyang (Victoria) lahat ng nangyari. Back to her old self na si Victoria. Si Victoria daw ang may kasalanan sa kanya dahil siya ang sumira ng buhay niya. Sabi ni Victoria kulang pa ang mga ginagawa niya sa kanya, dahil kahit buhay ni Ysay, hindi sapat na kabayaran. Umalis na sina Lima at Victoria.

Habang nangyayari ito, nagtatago lang si Albert mula kina Ysay, Victoria, at Lima.

Hindi ma-gets ni Ysay ang mga pinagsasabi ni Victoria. Ano raw ba ang kasalanan niya sa kanya, tanong ni Ysay? Sinabi ni Albert na nawalan daw ng anak si Victoria. Akala ni Ysay figure of speech lang niya ito. (Mukhang sasabihin na sana ni Albert ang totoo, pero na-cut off siya ni Ysay). Totoong kaibigan daw siya sabi ni Ysay dahil hindi madali ang ginawa niya (humingi ng tawad si “Andrew” sa puntod ni Rosario). Dapat sinusuklian daw iyon, pero hindi pa niya kayang patawarin si Victoria. Ang tanging magagawa lang daw ni Ysay ay hayaan niyang magpunta si Andrew sa mommy nito.

Pumayag si “Andrew” at sinabi nitong babalik siya, magkikita na lang sila sa farm.

Bumalik si geeky Albert at naabutan niyang nasa kwarto ni Andrew sina Lima at Victoria at umiiyak si Victoria. Ayaw daw niyang tanggapin na wala na si Andrew dahil masyadong masakit. Sinabi niya na mahal na mahal niya si Andrew pero hindi nito alam kung naiparamdaman niya ito kay Andrew. Inassure siya ni Albert na mahal siya ni Andrew kaya nga bumalik ito sa kanya. Sinira daw ni Ysabella, maayos na raw sana sila ni Andrew. Si Ysay daw ang may kasalanan kung bakit namatay si Andrew. Hindi raw nito mapapatawad ang pagpatay niya kay Andrew. Nag-flash back naman kay Albert noong nakatulog si Ysay sa ospital.

Nakita ni Venice si Mito na nakaupo sa dalampasigan at umiinom ng beer(?). Hindi na niya ito inistorbo.

Nagpasalamat si Victoria kay Albert dahil daw noong mga panahong “wala siya” he took care of everything. She’s so proud of him daw (wait till you hear what he was doing on the side, lol). Luhaan si Andrew.

Nagpunta si Jordan sa bahay nina Lima, may dala itong papeles dahil kailangan ang approval nito.
Hindi na-appreciate ni Lima ang insinuation na he sympathizes with her. At sinabi nitong kaya lang naman nag-apply si Jordan na mag-OJT sa kanila para ipamukha nito ang mga babae niya sa kanya. Sinabi ni Jordan na nasaktan lang naman siya kaya niya ginawa ito. Hindi pa rin daw nagbabago ang isip niya sabi ni Lima, sabay sarado ng pinto.

Nalasing si Mito at paulit-ulit na sinabi ni Mito na mahal niya si Ysay. Sinabi ng luhaang si Venice na mahal niya si Mito. Pero hindi naman conscious si Mito.

Nag-e-emote si Albert sa tabi ng pool. Nag-e-emote din si Ysay at the same time. Nakita ni Reno na malungkot si Ysay.

Tinawagan ni Albert si Reno para sabihing lagi siya ang usapan nina Ysay. Pumayag daw si Reno na mag-spy (aha!) for him dahil malaki ang utang na loob niya sa pamilya nila. Pero mabubuting tao daw sina Ysay.

Sinabi ni Albert na si Ysay ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Andrew.

4 Tugon to “Ysabella, Episode 61”

  1. Jane Says:

    It’s a very good episode. Very good acting by Connie Reyes. Marami namang unanswered questions at maraming previous episodes na parang lihis sa original story. I think the fans are getting restless with the addition of Venice [Angelica’s character]. I am a Judy Ann fan and happy for her with her real life relationship with Ryan. I was looking forward to this soap because of Juday, never expecting to see a fairly newcomer in the person of Derek, to have such an impact on the show. I must admit I was rooting for Ysay and Mito to stay together, kaya lang, this soap was written for Juday and Ryan. Unfortunately, Mito’s character had to leave for a while, I think about a week, to give way to Ryan, na medyo nasasapawan na. I have nothing against Ryan, and I am sure maraming Juday-Ryan fans, kasi nga mag-boyfriend. Pero kung titingnan sa screen, mas maganda talaga ang “screen” chemistry ni Judy Ann and Derek. Nung bumalik si Mito, enter Venice. Ngayon naiinis ang fans dahil sa mga scenes ni Mito and Venice [tingin ko nga walang connection sa istorya]. Opinyon ko lang naman, antipatika lang ang dating ni Angelica sa fans. Nadadamay tuloy si Derek. Sayang, dahil papasikat na siya because of his exposure in Ysabella, and I believe no one could have given the role of Mito more justice than him. I just wish na hindi na sana si Angelica, di ba ang original plan was to have Angelica dela Cruz? Baka kung siya ang natuloy hindi masyadong “init” ang fans. Anyway, package deal ba si Juday and Ryan? Dapat wala na lang ka-triangle. Silang dalawa na lang para siguro hindi masyadong nababastos ang mga co-stars nila ng mga fans. Hindi siguro kikita ang pelikula ni Ryan kung hindi si Juday ang ka-partner. Personally, though Ryan has improved tremendously as an actor, he is not leading man material. Whoever decided on adding the character of Venice, even Lino [Jason Abalos], in the soap, bad idea. Hindi na dapat. Sobra ang mga fans, very cruel kay Angelica. Nababastos siya ng husto sa threads ng fans.

  2. Jane Says:

    It is a very good episode. I am such an avid fan of the soap. I do not know how it will end. I must admit I like the earlier episodes better, yung may konting comedy, may “kilig” with Mito and Ysay, at may lutuan, na talagang plot ng “istorya” dahil tungkol ito sa recipe. Medyo lately, magulo na ang tinatakbo ng istorya. I just hope fans would not be too cruel on Angelica because of the insertion of her character, to Derek, as he is just a cast member. They have nothing to do with it. Let’s just wait and see what’s going to happen. Hopefully, things will be better for everybody. However, secretly, I am hoping that Ysay and Mito will still see each other. They surely look good together on screen.

  3. mhe Says:

    e ung pagpasok kasi ng eksena kina venice mito e nagmumukhang sangat lang sa original story…… medyo na-miss ko tuloy yung eksena sa totoong andrew….. e mas maganda naman kasi noon medyo kunti lang ang cast at napapagtuunan ung tunkol sa pagluluto o ung genri ng series na ito..,….. nga pala maganda ung song noong nag-eemote sina albert at ysay

  4. Rose Says:

    Ok lang naman sa akin si Derek dahil part naman siya ng original cast yung character ni Venice wala talagang konek sa kwento sana yung mga eksena niya binigay na lang kay Alex at pinakanta siya ng todo matutuwa pa siguro ang viewers, pero mukhang nakakabawi na ulit ang kwento sana ibalik na ang pagluluto ni Ysay di ba yun naman ang essence ng Ysabella at magaling na si Victoria focus na ulit sa labanan nila ni Ysay para manumbalik ang excitement ng kwento at bumalik rin ang gana ng viewers.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: