Pangarap na Bituin, Episode 11

by

Galit na galit si Alberta sa pagsisinungaling ni Terrence. Nagpaliwanag si Terrence, sinabi niyang dumiretso lang siya ng Boracay after ng Bali at nahihiya lang siyang sabihin iyon kay Alberta dahil siya na nga raw ang gumastos sa bakasyon niya pati naman daw ba Boracay, gagastusin pa niya. Ngayon lang daw palalampasin ni Alberta ang behaviour niya. Nasabon sila ni Benedict during dinner. Nauwi sa sagutan between Benedict and Jeffrey dahil gusto ni Jeffrey na maging singer na pero ayaw ni Benedict, not until tapos siya ng college. E hindi naman daw siya matapos-tapos ng pag-aaral. Ang sinabi naman ni Jeffrey kung hindi puro pre-law ang pinapakuha sa kanya, matagal na itong tapos.

Ikinuwento ni Terrence kay Jeffrey kung paano sila nagkakilala ni Emerald at kung paano siya nito natulungan noong bata pa sila noong nangyari ang trahedya sa buhay nila.

Panay ang habilin ni Chorva kay Emerald na mag-ingat kapag nasa Maynila na ito. Naiiyak pa ito dahil malay raw niya kung babalik pa sila sa Boracay, sila lang daw ang family niya iiwan pa sila nito. Hindi niya alam isasama siya ng mga ito.

Excited na si Emerald na magkita ulit sila ni Terrence at naalala pa niya na hinalikan siya nito the last time they met.

Sinundo ni Terrence sina Emerald sa bus terminal. Isinama ni Terrence sina Cocoy sa isang condo/apartment(?) na inuupahan nito para sa kanila. Nag-volunteer si Cocoy na magbayad, pero hindi niya afford P20,000 kasia ng renta per month. Ayaw nilang umasa kay Terrence kaya hahanap sila ng affordable na mauupahan. Nabayaran na ni Terrence for two months kaya doon muna sila.

Sinabi ni Terrence na may party sa bahay nila at maraming mga tao sa music industry. (Andun sina Sheryn Regis, Aster Amoyo, etc).

Dumating si Terrence kasama sina Emerald at Chorva. Naiilang si Emerald pero ayaw siyang pauwiin ni Terrence. Ipinakilala niya ito sa mga celebrities at big names sa music industry.

Iniwan ni Terrence sina Emerald at Chorva sa buffet table para hanapin si Alberta. Nakita sila ni Alberta at tinanong kung ano ang ginagawa nila, akala niya mga gate crashers sila. Ayaw niyang maniwala na inimbita sila ni Terrence, wala daw kilala si Terrence na mga low class na katulad nila. Hinila ni Albert si Emerald para paalisin, natapon ang pagkain sa sahig at damit ni Emerald. Nanood na ang mga tao sa nangyayaring commotion.

Dumating si Terrence at doon na sila nagkakilala. Nagpasorry si Alberta at iniwan na niya ang mga ito.

Paghati ni Terrence kina Emerald, sinabi nito na may open casting ang tita niya. Pag-iisipan daw muna niya.

May iniabot na demo tape ni Emerald (well, it’s a CD) ang secretary ni Alberta at ipina-imbestiga niya ito sa isa sa mga staff niya.

Hindi makatulog si Emeral dahil kinakabahan ito sa audition niya kinabukasan. Gusto kasi niyang ma-impress si Emerald at nalaman nilang big name talaga si Alberta sa music industry.

Audition na ni Emerald. Naroroon si Alberta at narinig niya sa isa sa mga kasama niyang nagdya-judge na nirekomenda siya ni Terrence.

Kumanta na si Emerald. Impressed ang mga nakarinig, walang expression si Alberta.

Kinausap ni Alberta si Emerald para sabihing the answer is “No” daw.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: