Natutulog ba Ang Diyos, Episode 40

by

Mula daw noong sinabi ni Bernardo kay Andrew na sila ang mga tunay nilang magulang, hindi na raw ito mapakali. Lumuhod ito sa harap ni Patria at nakiusap na sabihin sa kanya nito na hindi sila ang mga tunay niyang mga magulang. Luhaang sinabi ni Patria na hindi sila ang mga magulang nito. Tuwang-tuwa si Andrew at binigyan nito ng pera si Patria. Magpagaling daw siya.Pauwi na si Andrew ng makasalubong niya si Bernardo. Sinabi niya dito na ginulo niya ang buhay niya, wala daw siyang kwentang tao at kahit kailan hindi niya ito paniniwalaan.

Binasag ni Gillian ang alkansiya niya ng maabutan siya ni Mike. Nakiusap ito na payagan na siyang magpunta sa mga magulang niya dahil kailangan siya ng mga ito.

Nakita ni Rose ang singsing na ibibigay sana ni Andrew kay Gillian. Nakasulat sa box: “To my Gillian, Thank you for everything. Love, Andrew.” Or something like that.

Ayaw payagan ni Mike si Gillian bala raw gumulo lang ang buhay niya kapag bumalik siya sa mga ito. Kung gusto daw niyang tumulong, tapusin nito ang pag-aaral niya.

Tinanong ni Patria si Bernardo kung bakit nito sinabi kay Andrew ang totoo ngayong may kasunduan silang itago nila ang totoo. Nabigla lang daw siya dahil uminiti ang ulo niya sa mga sinabi ni Andrew tungkol kay Patria. Napakasakit daw noong sinabi ni Patria kay Andrew na hindi niya ito talagang anak.

Pumasok si Andrew sa kwarto niya at naroroon si Rose. Tinanong niya si Andrew tungkol sa singsing. Sila na raw ba ni Gillian?

Umiiyak na si Patria at ngayon naman sinasabi niya na bawiin ni Bernardo si Andrew at sabihing sila ang mga magulang niya. Huwag na raw silang umasa sabi ni Bernardo, ipagpa-ubaya na lang daw nila si Andrew dahil hindi sila mahal nito.

Hindi makasagot si Rose. Pasigaw na pinaamin si Andrew. Sinabi ni Andrew na mahal niya si Gillian pero family at studies daw ang priority nito. Sinabi ni Rose na layuan at iwasan niya si Gillian kung ayaw nitong palayasin siya ni Rose. Ayaw ni Rose na magkaroon ng connecton ang pamilya ni Patria at ang pamilya niya. Naiwang umiiyak si Andrew.

Samantalang, umiiyak namang naalala ni Bernardo ang pag-aaway nila ni Andrew at ang hiling ni Patria na bawiin nila si Andrew.

Pinagalitan ni Bernardo si Boy, tuloy nagpunta si Andrew doon. Akala pa naman daw ni Boy sa pagdating ni Andrew doon maipapagamot nila si Patria. Kawawa naman daw ang nanay niya.

Tinatanong ni Patria si Tina kung gagraduate daw ito. Pabalang siyang sinagot ni Tina. Hindi daw niya alam kung gagraduate siya o hindi.

Nakita ni Andrew si Gillian sa hardin, pupuntahan sana niya ito noong biglang lumitaw si Rose. Sinabi nitong kailangang mag-review ni Andrew para sa test niya.

Nag-sorry si Mike kay Trish. Gusto ng lumipat ng school ni Trish. Sinabi niyang sa susunod na makasalubong nila si Gillian sa school tatakpan na lang nito ang mga mata niya. Napangiti si Trish. Bati na sila.

Nagtatapon ng basura si Gillian sa labas ng gate noong pinuntahan siya ni Mark. Sinabi ni Gillian na ayaw muna niyang makasama si Andrew dahil parang may problema itong dinadala pero ayaw niyang sabihin sa kanya. Sinabi ni Mark na ganun daw naman talaga si Andrew, bata pa sila. Dito nalaman ni Mark na hindi pa “sila” noong sinabi ni Andrew na girlfriend niya si Gillian after Baguio.

Hinintay ni Andrew sa tirahan niya si Gillian. Saan da ito galing? Nabuko si Andrew na matagal na niyang alam na may sakit si Patria. Galit na galit si Gillian dahil araw-araw silang magkasama pero wala itong sinasabi sa kanya. Nag-walk out si Gillian at ayaw niyang papasukin si Andrew.

Nakaupo sa pool side si Andrew. Pinuntahan siya ni Mark at sinuntok ito. Pareho silang nahulog sa pool…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: