Margarita, Episode 36

by

Sinabi ni Robert na totoong may pamilya siya dati. Pero hiniwalayan daw niya ang misis niya dahil akala nito nanlalalake siya. Iyon pala raw bestfriend lang ni Adora iyon at alam niyang nagkamali siya Inamin niyang marami siyang nagawang pagkakamali at may pagkukulang siya sa mga anak niya. Kaya nga gusto niyang ganapin ang pagkukulang nito, gusto niyang maging mabuting ama hindi lang kay Paula at gusto niyang maging ama sa lahat ng mga mahihirap. And all that drama. Nagsorry kuno ang heckler hindi raw niya alam ang pinagdadaanan ni Robert. Ayan pinalakpakan na siya.

Nagtatalo noong pauwi sina Robbie at Margarita tungkol sa ama. Siya raw ang dahilan kung bakit sila naghihirap at siguradon set-up lang ang nangyari. Ayaw maniwala ni Margarita. Ayaw maniwala ni Robbie na nagbago si Robert kahit anong kumbinsi ni Margarita.

Tuwang tuwa sina Robert at Jessica na nagtagumpay ang plano nila. Pati si Ramon kakuntsaba nila.

Tinanong ni Margarita kung may chance na nagbago na talaga ang tatay nila, baka pwedeng maging isang pamilya ulit sila dahil hindi man lang nakilala ni Gabby ang tatay nila. Bahala daw si Margarita kung iyon ang gusto niya pero huwag siyang pipilitin nitong lumapit sa ama.

Sinabi ni informer nina Bernard na may shipment ng mga sasakyan sina Guttierez at sigurado na itong mangyayari sa Sabado. Ayaw ipaalam ni Bernard kina Ramon ang balak niyang gawin, kaya humingi ito ng back up sa isang pulis na kaibigan ni Carding.

Pinuntahan ni Bernard si Margarita sa bahay nila upang yayaing kumain at makausap ito. May gusto raw siyang sabihin — gusto daw niyang magpaalam. May lakad daw ito, hindi nito masabi ang detalye nag-aalala lang daw ito na baka pagkatapos ng lakad niya hindi na sila magkita ulit. Maganda na raw na nakapag-paalam siya ng maayos. Tinanong niya kung wala ba talaga siyang puwang sa puso niya? Mahal daw niya si Margarita at gusto daw niyang malaman niya (Margarita) ito.

Inihatid na ni Bernard si Margarita. Itinanong ni Margarita kung kailangan daw ba niya talagang gawin ang misyon na gagawin niya? Sinabi niya na ni ang task force nila hindi alam ang gagawin niya. Itinanong ni Margarita kung bakit niya gagawin ito. Dahil “siya” raw iyon sabi ni Bernard. Wala raw pwedeng makaalam nito kahit si Didith. Hinalikan ni Margarita si Bernard…sa lips. (Woohoo!😉 )

Para daw saan iyon? Ano raw ang ibig sabihin noon? Ang tanong ni Bernard🙄 . Sinabi ni Margarita na gusto niyang bumalik si Bernard. Kung gusto daw niyang malaman, bumalik ito at doon sila mag-uusap.

Hindi mapalagay ang partner ni Bernard sa NBI.

Hindi rin mapalagay si Margarita sa dressing room. Umiiyak ito. Hinayaan na lang siyang umiyak ni Didith.

Hinahanap ni Ramon si Bernard. May tumawag kay Ramon at sinabing natimbog na si Guttierez at siguradong kakanta siya. Naagaw ng isa sa mga hinuli nila ang baril ng pulis at nagtangkang babarilin ang pulis na tumulong kay Bernard. Itinulak siya nito at siya ang nabaril, instead…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: