Ysabella, Episode 60

by

Sinabi ni Victoria na nagpakamatay si Andrew hindi dahil sa kanya kung hindi dahil kay Ysay.

Pinag-uusapan ng mga staff ng Victoria’s Company sina Victoria at Lima. Karma daw kasi iyon. Sinabi ni Jordan na parang hindi magandang pag-usapan ang may-ari ng kumpany, parang may mas importanteng bagay pa silang maaring gawin. Natameme tuloy sila. Siya na rin ang nag-volunteer kay Bonnie na dalhin ang mga papeles na kailangang pirmahan ni Lima.

Nabigla si Venice noong nakita niyang dumating si Mito.

Nasa sementeryo na sina Trining, Ysay, Alex at Albert. Kinakausap nila ang mga puntod nina Perry, Abdul, at Rosario, na as if buhay pa sila. Nakikinig lang si Trining noong ibinabalita ni Ysay ang tungkol kay Moonlight at sa mga paintings ng nanay niya.

Nasa sementeryo rin sina Lupe, Victoria, at Lima.

Kinausap din ni Albert ang puntod ni Rosario, maswerte daw ito sa pamilya niya. Pasensiya na raw ito sa mga ginagawa ni Albert sa kanya. Magulo lang daw talaga ang sitwasyon nilang lahat. Tama na raw ang emote sabi ni Trining, let’s be happy daw.

Habang humahakbang patungo si Victoria sa puntod ni Andrew, naalala niya ang noong nirerevive si Andrew sa ospital at ang pagkamatay nito. Niyakap niya ang punto nito at paulit-ulit na sinasabing “Nandito na ang mommy!” Kung sino man daw ang gumawa nito sa kanya, magbabayad siya.

Tinatanong ni Venice kung magkano ang ski (water ski?) sa co-worker niya. Nanibago ang coworker niya dahil dati nagtatapon lang ito ng pera. Dati daw kasi sa daddy lang niya ito kumukuha ng pera, ngayon sarili na niya ang mga gastos. Inip na inip na siya at gusto na niyang mag-out para makita si Mito.

Nag-e-emote na naman si Mito at naalaa ang sinabi ni Jordan sa kanya, noong sinabi niyang kailangan nanilang mag-move-on ni Ysay, kahit hindi sa piling ng isa’t-isa.

Masayang kumakain at nagbubukingan ng mga sikreto sina Ysay at Alex. Nagjoke si Andrew, pero tahimik lang sila. (Bakit? Medyo nakakatawa naman kahit konti lang. Ang tanong is kung ano raw ang mas prefer nilang sumapak sa kanila, bata or matanda? Paano raw kung sina Suzie at Geno?). Nakatinginan ng may meaning sina Andrew at Ysay. Iniba ni Ysay ang topic at nagtanong siya kung sino ang mga gusto ng softdrinks.

Habang naglalakad si Ysay, kinakausap niya ang sarili niya at sinasabi niya na alam naman niyang may feelings sa kanya si “Andrew,” etc.. etc..

Nakita ni Victoria naglalakad na si Ysay. Ipinatigil niya ang sasakyan sa driver nila at bumaba ito at nagkita sila ni Ysay.

Nakita ni Albert na nagkaharap sina Ysay at Victoria…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: