Pangarap na Bituin, Episode 10

by

Balak manood ni Terrence ng performance ni Emerald, pero ayaw ni Emerald dahil daw nakaka-concious at firs time daw niyang kumanta ng mga sikat sa audience. Isipin na lang daw niya na nasa orphanage lang sila. Nag-wish sina Terrence at Emerald sa wishbone. Si Emerald ulit ang nakakuha ng bigger part, ang wish pa rin niya ay makita si Ruby.

Binibuild up ni Berns si Ruby sa mga friends niya from media. May dala pa ito galing sa Antipolo para sa kanila. Pag-alis ni Berns, dumating si Kimmy at narinig niyang pinag-uusapan siya ng mga ito at sinasabing hindi ito kagalingan at pang-extra lang siya. Gusto na nga nilang pagbigyan si Berns dahil lagi nito silang kinukulit pero hindi siya ganoong kagaling. Narinig pa niya na buti hindi nagmana si Kimmy kay Berns, kung hindi kawawang bata.

Sabi ni Kimmy kay Berns na magko-concentrate muna ito sa pag-aaral. Kaya naman daw niyang pagsabayin iyon sabi ni Berns. Gusto ni Kimmy na mag-aral muna at magtrabaho sa labas ng showbiz. Ayaw pumayag ni berns dahil pmi-pick-up na raw ang career niya. Bata pa raw siya, iyon na ang sinasabi ni Berns, pero hanggang ngayon extra pa rin siya. Marami daw mga sikat na artista na nanggaling sa pag-e-extra. Sisikat din daw ito, maniwala lang siya sa Pappy niya at sa powers niya.

Nagpeperform sina Cocoy at Emerald. Kinanta nila iyong kantang kinanta nina Terrence at Emerald sa orphanage. May nakakilala kay Terrence at gusto siyang pakantahin, pero sinabi niyang hindi siya si Terrence. May babaeng kakilala si Terrence at nakausap niya ito sumandali.

Tinawagan ulit ni Alberta si Jeffrey at gustong makausap si Terrence. Sinabi ni Jeffrey na angsashopping. Pinagalitan ni Alberta si Jeffrey, dapat daw sinasamahan niya si Terrence. Nagtampo si Jeffrey at sinabi niyang bakasyon din naman niya. Okay naman daw si Terrence, at in case interesado si Alberta, okay din naman siya.

Pinuntahan noong babeng nakakita kay Terrence sa Boracay si Alberta para bigyan ng imbitasyon sa birthday ng anak. Sinabi nito na galing siya sa Boracay at nagkita sila ni Terrence doon. Sana raw sumama siya para nakapag-recharge naman siya.

Naiinis si Terrence dahil kakakita palang nilang aalis na siya. Marami na raw siyang mga commitments, mahirap silang magkita mas madali raw kung sa Maynila nakatira sina Emerald. Sinabi ni Terrence na marami raw siyang connections, matutulungan niya si Emerald sa career niya. Ayaw na ni Emerald na mag-audition, pero sinabi ni Cocoy na may talent ito kahit noong bata pa siya sayang nga lang at agad silang sumuko. Second chance na raw nila ito. So, pupunta na sila sa Maynila.

Lumabas ng pinto si Terrence, bumalik ulit siya at hinalikan sa pisngi si Emerald. Naiwan ang kinikilig na si Emerald.

Tinawagang ni Terrence si Jeffrey. Sinabi ni Jeffrey na dumiretso na lang ito sa bahay. Pagdating ni Terrence sa bahay, may mga props pa itong pasalubong para kay Alberta. Hinagis ni Alberta kay Terrence ang newspaper na may picture nina Terrence at Emerald na nakuha sa Boracay…

2 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 10”

  1. saye Says:

    hello poh.. haha! ang galing poh ng mga nagsusulat nito..super detailed poh..
    sana poh magcontinue e2 hanggang sa huli.. kasi poh hindi ko poh talaga napapanood e2ng PANGARAP NA BITUIN..gusto ko si Sarah Geronimo..pero dahil poh sa strict time schedule,hindi ko na poh napapanood,minsanang friday na lang..

    un poh..

    sana poh,everyday meron..

    maraming salamat poh!!

    keep it up!!🙂

  2. Black Wolf Says:

    Huh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: