Margarita, Episode 35

by

Tuloy pa rin ang interview sa TV nina Robert, Jessica, at Greta. Hindi masagot-sagot ni “Greta” ang mga tanong ng interviewer. Sa palagay daw ni Robert, ang pinakamalaking naitulong niya dito at insipirasyon. Para raw kasing anak na niya ito, kaya “tatay” na rin ang tawag nito sa kanya. Napanood naman ni Bernard sa TV sa tindahan ang interview. May message raw ba si “Greta” sa tatay niya. Ang sabi nito, “Tay, maraming salamat po, mahal ko po kayo.” Habang umiiyak ito, pinahid ni Robert ang luha niya. Pagkatapos ng interview, tuwang tuwa sina Robert at Jessica. Magpractice na raw siyang tawagin itong “tatay.”

Dumating si Bernard, at sinabi kay Jessica na nakakahiya ang ginawa nito at siguradong pinilit lang nila si “Greta.” Okay lang daw, sabi ni Margarita.

Nakakuha ng “pirma” ni Rodrigo si Bernard para i-authorize ang exhumation ng bangkay ni Carding.

May kausap si Ramon sa telepono tungkol sa mga ilegal nilang aktibidades noong ibinigay ng sekretarya niya ang isang papel (I guess ito iyong sa exhumation ng bangkay ni Carding). Sabi ng partner ni Bernard, galit na galit raw si Ramong. Mukhang tama raw si Bernard na may kinalaman ito. Sabi ni Bernard, kailangan nila ng pruweba.

Ibinaba na ni Bernard ang telepono dahil nakita na naman niya si Robbie na nagtatangkang magnakaw ng kotse. Hindi hinuli ni Bernard si Robbie, pero kailangan nitong bumalik sa ate niya or else ikukulong niya ito. Nabigla si Bernard noong sa bahay nina “Greta” nagpahatid si Robbie. Noon niya nalaman na magkapatid sina Margarita at Robbie. Sinabi niyang hindi pwedeng malaman ng ate niya ang ginawa ni Robbie dahil masasaktan ito kapag nalaman niyang nagnanakaw siya ng kotse.

Habang nagreready paalis sa trabaho sina Margarita at Didith, kumatoks sa pintuan si Robbie at nagyakap sila. Sinabi ni Bernard na nakita lang niya si Robbie na naglalakad sa kalye at walang pamasahe.

Binigyan ng pera ni Ramon si Jessica para sa campaign ni Robert, sabay sumbong kay Jessica si Bernard at ang pagiging pasaway nito.

Nagpasorry si Robbie kay Margarita at sinabi na niya ang totoo, na pinagtakpan lang siya ni Bernard. Sinabi ni Margarita na lmag-iipon lang siyang premium sa college plans/insurance nila ni Gabby at titigil na ito sa pagsasayaw, pagkatapos hahanap na si Margarita ng ibang trabaho.

Hindi makapaniwala si Margarita na magkakasama na silang magkakapatid, kakain na sana sila noong dumating si Didith para ibalitang may humuhukay sa bangkay ni Carding. Nakita nila si Bernard sa sementeryo. Dito nalaman ni Margarita na sina Bernard ang humuli kina Scarface, siya ang contact ni Rodrigo, at si Rodrigo ang sinasabing boyfriend ni Margarita dati.

Matagal na raw palang konektado ang buhay nila hindi lang nila alam, sabi ni Bernard kay Margarita. (Lol, it’s longer than you think…)

Sinabi ni Ramon kay Bernard na lahat daw ng galaw niya from then on alam ni Ramon, or else he’ll face grave consequences.

Sabi ng medico legal, cardiac arrest ang ikinamatay ni Carding at walang foul play na nangyari. Ayaw maniwala ni Bernard.

Sinabini Bernard kay Margarita na binigo niya si Carding. Nanghihinayang da siya sa nangyari kay Carding, dahil tapat itong alagad ng batas. Idol daw niya ito. Pareho daw pala sila ni Rodrigo na idol nila si Carding.

Itinanong ni Bernard kung mahal pa rin niya si Rodrigo. Hindi raw niya alam dahil bata pa sila, sila ang ang magkasama at siya lang ang lalakeng minahal niya.

Naglilinis ng bahay sina Robbie at Gabby. Nakita ni Robbie ang pamphlet ni Robert. Galit na galit na itinanong ni Robbie kung bakit meron noon ang ate nila. Hindi raw alam ni Gabby pero tuwing umaalis si Margarita, pag-uwi niya meron siyang dalang mga pamphlets. Dumating si Didith.

Ipinatawag ni Ramon si Bernard para sermonan. Ilang beses na raw itong nagba-violate ng protocol at dumidiretso ito sa chief nila. Ngayong napatunayan na raw na walang foul play na nangyari sa pagkamatay ni Carding, gusto ni Ramon na mag-apologize si Bernard sa kanya. Hindi raw hihingi si Bernard ng sorry sa isang bagay na hindi niya naman kasalanan.

Habang nagsasalita sa stage si Robert yapping about family and poverty. Nanood sina Robbie at Margarita (hindi sila magkasama, though). May lalakeng sumigaw mula sa mga nanonood at sinabi nitong iniwan niya ang pamilya nito dati, kasama pa niya sa stage ang kabit niya. Nagpakamatay daw ang misis nito at hindi niya alam kung nasaan ang mga anak nito. Tuwang-tuwa naman si Robbie habang naiiyak si Margarita…

2 Tugon to “Margarita, Episode 35”

  1. hEaVEn Says:

    sabi sa teasers, margarita will end this week. This soap really polished Wendy’s crying skills! every episode na lang kasi umiiyak sya. ano po kaya ang papalit? will it be lastikman(i like vhong navarro! he’s naturally funny!)or the prinsesa in a wet market?

  2. ptvj Says:

    oo matatapos na raw sa sept 21. baka iyong prinsesa chuvaness ang ipapalit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: