Ysabella, Episode 59

by

Nakita ni Mito na masaya si Ysay na nakasakay sa isang sasakyan na minamaneho ni Albert (pero hindi siya nakita ni Mito).

Pagbalik nina Ysay at Andrew sa farm, hinanap agad ni Ysay ang kadarating palang na si Trining. Nakita ni Trining ang painting sa fountain na nakita niya a while ago.

Sinabi ni Ysay na sinabi daw nung curator sa kanya na ang ipinipinta lang daw ni Moonlight, ang asawa niya. Itinanong ni Ysay kung pintor din ba ang tatay niya. Hindi raw, sabi ni Trining. Sinasabi nga raw ba niya, sabi ni Ysay, nagkamali lang iyong curator.

Ayaw magpatulong ni Ysay kay Andrew sa pagsasabit ng painting ni Rosario.

Sinabi ni Jordan kay Mito na itinanong naman niya sa kuya niya noong bago ito umalis na paano raw kung wala na siyang babalikan? Masakit daw pala sabi ni Mito. Karapatan naman daw ni Ysay na mag-move on. Dapat din daw siya rin mag-move on.

Sinabi ni Trining na babang luksa ni Perry kaya bababa sila sa Maynila. Sasamahan daw sila ni Albert.

Dumating si Alex at luhaang sinabi nito na ayaw nila sa kanya. Inaalo nina Ysay at Trining si Alex noong nakatanggap ng tawag si Albert sa phone. Ang executive na nag-alok ng recording contract kina Tere sa kundisyon na papalitan nila ang gitarista nila.

Naririnig ni Alex ang usapan nina Alex, Trining at Ysay. Noon lang nakita ni Albert ang “5 minutes” iyakan nila Ysay.

Galit na galit na tinipon ni Lima ang mga katulong nila at nurses ni Victoria dahil nakaalis si Victoria ng hindi nila alam. Dumating si Jordan para ibigay ang mga kailangang papel ni Lima. Pinacancel ni Lima lahat ng appointments nila.

Nalaman ni Burdoy na si Albert ang dahilan ng pag-alis ni Alex sa banda nina Tere. Kawawa naman daw si Tere, sabi ni Burdoy. Bibigyan na lang daw ni Albert ng bagong gig si Alex.

Nagkakagulo ang staff ng Victoria dahil dumating si Victoria.

Nalaman ni Lima from Oslo na nasa opisina si Victoria.

Pinuntahan ni Victoria si Fernando sa opisina.

Flashbacks: Noong kabataan nila, gusto ni Fernando si Victoria, pero si Ontario ang mahal ni Victoria. Kaya ang sabi ni Fernando, sasabihin niya na may relasyon sila ni Victoria.

Ano raw ang ginagawa niya sa kumpanya niya, tanong ni Victoria. Naroroong daw siya para humgingi ng tawad. Siya raw ang dahilan kung bakit namatay si Ontario, sinira raw nito ang buhay niya. Nagsisigaw na pinalabas ni Victoria si Fernando. Wala raw kapatawaran, dapat silang magbayad, lahat sila. Nanlulumong
napaupo ito sa sahig ng opisina.

DUmating si Lima sa opisina kasama ang doktor nito at binigyan ng dotor ng pampakalma si Victoria. Naawa namang nanonood si Jordan.

Sinabi ni ALbert na naghahanap ng bagong bokalista ang isang banda sa bayan. Masayang niyakap ni Alex si Albert. Nagpasalamat si Ysay kay “Andrew.”

Ipina-mail na ni Venice ang mga titulo sa daddy niya.

Gumawa ng nescafe commercial si Ryan Agoncillo. Natutuwang pinagmamasdan ni Albert si Ysay habang nilalaro ang isa sa mga baka kasama si Reno.

Niyaya ng co-worker ni Venice na gumimik pero ayaw ni Venice. Natunugan siya ng coworker niya at sinabi niyang “Don’t tell me that you’re in love with Mito.”

Dinala ni Lima si Lupe kay Victoria. Hindi raw siya ang kailangan niya kung hindi si Andrew. Buhay daw siya, at buhay si Fernando, silang mga nanakit sa kaniya. Kailangan daw niyan i-confront ang mga ito. Patay na raw si Andrew. Duwag daw siya at pilit niyang pinagtatakpan ang nararamdaman niya.

Mahirap daw siyang mahalin, sabi ni Lupe. Nagpakamatay daw si Andrew para takasan siya at hindi dahil kay Ysay.

Namatay daw si Andrew, hindi dahil sa kanya, kung hindi dahil kay Ysay.

Ayan, finally naamin na niya sa sarili na patay si Andrew. Ang galing sa reverse psychology ni Lupe…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: