Pangarap na Bituin, Episode 09

by

Nagalit ang ibang mga fans na naghihintay kay Terrence kina Emerald dahil akala ng mga ito nagsisinungaling sila ni Cocoy. Ibinili ni Cocoy si Emerald ng ice crem. Uuwi na sana sila noong dumating si Terrence, pinuntahan ito ni Emerald sa stage at sinabing makapal ang mukha niya, blah-blah-blah, at inilagay ang ice cream na dala niya sa noo ni Terrence. Noong umalis si Emerald, noon lang nalaman ni Terrence mula sa security guard na kanina pa siya hinahanap nina Emerald at Terrence.

Iniwan niya ang mga fans niya at hinabol niya ang taxing sinasakyan nina Emerald at Cocoy. Paalis na ang bus noong nakarating si Terrence. Tinanong niya doon sa nagtitinda ng ticket kung saan papunta ang bus, sa Mindanao daw papunta. Hindi niya alam saan niya hahanapin sa Mindanao si Emerald. Naalala niya ang sinabi ni Emerald na hindi niya ito nakilala noon, kaya naisip niya iyong concert niya sa Boracay ang tinutukoy niya.

Nagpaalam si Terrence kay Alberta at sinabing gusto niyang magbakasyon. Binigyan siya ng tatlong araw nito kasama si Jeffrey. Pero hindi raw sa Boracay kung hindi sa Bali sila magbabakasyon.

Kinasabwat ni Terrence ang kinakabahan na si Jeffrey. Pupunta siyang Boracay at pupunta sa Bali si Jeffrey.

Ikinuwento ni Emerald kay Chorva ang nangyari sa concert ni Terrence. OA na raw siya sabi ni Cocoy, dahil wala itong tigil sa kakareklamo, sasapakin daw niya si Terrence sa susunod silang magkita.

Nakarating na ng Boracay si Terrence. Hinahanap niya si Emerald sa mga nagpeperform na nakikita niya.

Performance night nina Cocoy at Emerald. May nag-request ng “Pangarap na Bituin,” ayaw kantahin ni Emerald, pero napagalitan siya ng boss nila at nagrereklamo ang mga tao sa audience. Kaya wala siyang choice kung hindi kantahin iyon.

Habang kumakanta si Emerald, dumating si Terrence at sinisigaw nito ang pangalan niya habang ipinapakita nito ang medal na napanalunan nila noong bata pa sila. Tumakbo si Terrence sa stage at niyakap si Emerald. Tuwang-tuwa naman si Emerald. Dumating si Chorva at sinabing akala raw ba niya dadanak ang dugi kapag nakita niya ulit si Terrence.

Nagalit si Emerald dahil alam naman daw pala ni Terrence na nagpunta siya sa Maynila, bakit siya inisnab (si Terrence naman hindi nag-explain na after the fact niya nalaman). Sinuntok niya si Terrence at nagtatakbo itong umalis.

Namukhaan ng isa sa mga nanonood si Terrence. Baka raw hindi iyon, sabi naman ng kasama nito.

Itinuloy na lang ni Cocoy ang performance niya.

Hinabol ni Terrence si Emerald sa tabing dagat. Kaya lang daw napayakap si Emerald na mahigpit sa kanya dahil nabigla siya. Dito inexplain ni Terrence ang nangyari at hinabol pa nila ang mga ito sa bus. Nalaman din ni Emerald na si Jeffrey ang nakita niya noon sa na nakasakay sa van para makaalis sina Terrence ng walang abala mula sa mga fans.

Bati na sila.

Nagyakap sila ulit.

Tuwang-tuwa si Chorva kay Terrence, habang nasa living room sila kasama si Emerald. Dumating si Cocoy at masaya silang nagkamay. Sabi na nga raw ba niya siya ang aampon kay Emerald.

Tinanong ni Cocoy kung saan nakacheck-in si Terrence. Niyaya niya itong tumuloy na lang sa kanila para mapatagal ang kwentuhan.

Tinawagan ni Alberta si Jeffrey (mag-isa lang siya? sana nagsama siya ng girlfriend) at tinanong kung bakit hindi niya macontact si Terrence. Sinabi ni Jeffrey na pangit ang signal doon, gustong kausapin ni Alberta si Terrence pero nagkunwari si Jeffrey na pangit ang signal at pinutol niya ang linya.

Samantalang sina Emerald at Terrence nagkukukwentuhan. Nagkukwento ng nakakatakot si Terrence at napasigaw si Emerald. Narinig ito ng nakahiga nang si Cocoy, at napangiti ito dahil naalala niya sina Emerald at Cocoy noong mga bata pa sila.

Habang kumakain sila ng agahan. Nakatanggap ng text si Terrence kay Jeffrey at sinasabing hinahanap siya ng mommy niya.

Namasyal sina Emerald at Terrence. (Ang sweet nila ha, may pa-piggy back pang nalalaman si Emerald)… .

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: