Margarita, Episode 34

by

Sinabi ni Bernard na mainit ang pagtanggap ng pamilya niya kay Margarita pero hindi nila alam ang totoo nitong trabaho. Gusto lang daw niyang malaman kung saan mapupunta ang nararamdaman nila.

Nalaman nina Bernard nahired killer ang hinahanap nilang lalaki. Nagtataka ang kasama niya kung bakit hindi pa sila tinuluyan nito. Baka raw kasi wala pang shoot to order, sabi ni Bernard habang nakatingin kay Ramon.

Sinabi ng kasama (or advisor) ni Robert na may spy sila sa kabilang kampo at nalaman niya na balak nilang ungkatin ang nakaraan ni Robert at marahil hanapin ang una nitong pamilya.

Namimigay ng capaign flyers sina Margarita (na naka-hanging t-shirt pa). She looked beautiful daw sabi nina Robert at Jessica, hindi raw kataka-takang mabighani sa kanya ang bighani niyang bayaw.

Seryosong pinapanood ni Margarita ang speech ni Robert. Napansin ni Jessica iyon, at tinanong niya kung bakit nagvolunteer si Margarita para kay Robert. Naniniwala lang daw ito kay Robert, sabi ni Margarita. Biglang dumating si Bernard. Mag-di-dinner ulit sina Bernard at Margarita.

Nagpunta si Bernard kina Margarita at hinahanap niya si Greta Paredes. Si Gabby ang nakausap niya at sino raw si Greta Paredes, tanong ni Gabby. Bumaba na sina Margarita at Didith. Sinabi ni Didith na mahilig lang daw talagang magbiro si Gabby.

Nalaman ni Margarita na sinundan ni Bernard ang taxi na naghatid sa kanya para makasiguradong ligtas siyang nakauwi. Ipinakilala ni Margarita si Bernard kay Gabby.

Habang nagmamaneho si Bernard, bumaba siya sa sasakyan dahil may nakita siyang nagnanakaw ng kotse, si Robbie. Tumakbo si Robbie. Hindi alam ni Margarita na si Robbie ang hinabol ni Bernard.

During dinner, hindi masabi-sabi ni Bernard ang gusto niyang sabihin. Nagpractice pa nga raw ito sa harap ng salamin. Natawa lang si Margarita dahil ang cute daw niya, ang laki laki niyang tao torpe siya.

Bago sila naghiwalay tinanong ni Bernard na kung may iba raw siyang choice, magtatrabaho raw ba siya sa ibang lugar? Nagalit si Margarita dahil pareho lang daw pala si Bernard ng mga ibang lalake, na mababa ang tingin nito sa kanya.

Hinabol ni Bernard si Margarita sa loob ng club, hinarang siya ng mga bouncers. Nakipagsuntukan siya sa mga ito at nakiusap si Bernard na kausapin siya ni Margarita.

Nag-usap sila. Ipinaliwanag ni Bernard na hindi mababa ang tingin niya kay Margarita. Ikinuwento ni Margarita ang tungkol sa kanila ni Rodrigo. Kung mababa raw ang tingin nito sa kanya, sabihin daw niya sa kanya para hindi na sila magsayang ng oras. (At this point may tumawag sa akin at hindi ko narinig ang mga pinag-usapan nila, pero malungkot silang pareho at umalis na si Bernard. Nakikinig sa pintuan sina Didith ang isa pa nilang co-worker).

Hindi makatulog pareho sina Bernard at Margarita. Kahit malalim na ang gabi, pinuntahan pa rin ni Bernard si Margarita para sabihing mahal niya ito.

Ngayon pa lang daw sila nagkakilala, paano nito masasabing mahal siya nito? Sabi ni Bernard na mapagmahal raw siyang ate at gagawin niya ang lahat para sa pamilya niya. Hindi na raw mahalaga ang iba pa, kilala raw niya ito.

Ngumiti si Margarita, napansin ito ni Bernard pero dineny niya ito.

Nag-good night na si Bernard.

Nagalit na naman si Ramon, dahil ibinigay ni Bernard ang request for the exhumation of Carding’s body doon sa may mas mataas na katungkulan sa kanya. Tinalikuran lang siya ni Bernard noong tinanong ni Ramon na naniniwala ba raw talaga ito na talagang nabili siya.

Inilahad ni Bernard sa boss nila ang mga nalalaman niya sa hitman. Na nakasagupa daw nila ito noong sinusundan nina Bernard si Pedro Guttierez. Noon daw dinala nina Bernard at Rodrigo si Carding, stable na raw ang condition niya. Napakalaki naman raw na coincidence na naroroon ang hitman sa hospital the same day na namatay si Carding. Hindi pinayagan ang exhumaton ng katawan ni Carding, unless may permiso ang pamilya nito.

Pagdating ni Margarita sa campaign headquarters ni Robert, isinali siya nina Jessica at Robert sa isang TV campaign…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: