Ysabella, Episode 58

by

Isang taon na raw namatay si Rene Ilagan, ang go-between ni Moonlight at ng may-ari gallery, sabi ng anak nito. Ipinakita niya ang natitira pang painting ni Moonlight. May painting si Rosario na nakatayo sa tabi ng isang fountain.

Samantalang dumating na si Trining sa bahay ni Nanding, sa harapan ng bahay nito is the same fountain sa painting ni Rosario.

Naiiyak na tinitigan ni Ysay ang painting ng nanay niya. Gustong bilhin ni Ysay, pero ibinigay na lang ng anak ni Rene ang painting instead.

Katiwala ni Trining ang nakausap niya. Noong ayaw sabihin ni Trining kung ano ang pakay niya, bigla na lang siyang pinagsarhan ng pinto.

Sa presentation ng ad ng Victoria’s chicken, nakita ni Lima na her secretary was playing footsie with Jordan. Kaya noong itinanong ng empleyado ni Lima kung nagustuhan niya ang presentation. Sinabi ni Lima na the couple looked like hideous and cheap playing footsie. Sabay walk out nito, iniwan ang nashock na mga staff, except for Jordan na natatawa.

Masayang masaya si Ysay dahil sa painting. Niyakap niya si Andrew, napalapit sila ng husto. Natigilan silang pareho, pero agad nakabawi si Ysay.

“Kalagitnaan daw ng meeting, landi ng landian” bulong ni Lima sa sarili. Kumatok ang secretary nito at may iniabot na red rose at sulat. Iniabot lang daw ito sa guard, hindi niya alam kung kanino galing. May kasama itong sulat (something about, sayang alng daw ang mga mata ni Lima kung lagi lang itong malungkot, etc. etc.), unsigned, siempre. Pagkatapos basahin ni Lima, lumabas ito para habulin ang nagbigay ng rose sa kanya, pero sinabi ng guard umalis na ito. Napangiti si Lima.

Umalis na si Reno galing sa building ng opisina ni Lima. (Oo, siya ang secret admirer ni Lima).

May photographer na ipinakilala ang staff ni Lima sa kanya, si Fernando Montalban (naks, e tatay ni Juday to sa Mara Clara, e). Si Nanding ba ito?

Sinabi ng secretary ni Lima kay Jordan na may nanliligaw raw yata kay Lima. Pumasok na lang bigla sila Jordan sa opisina ni Lima. Nakita niyang masayang kausap ni Lima si Fernando. Akala tuloy niya siya iyon.

Kausap ni Mito si Jordan. Tinanong ni Jordan kung hahanapin ba ni Mito si Ysay. Hindi raw alam ni Mito, pero gusto nitong malaman na okay lang si Ysay.

Nagpunta si Alex sa performance ni Tere. Pinuntahan siya ni Alex para magpaalam. Inisp raw nito ang mga sinabi ni Tere sa kanya at tama daw siya. Paano nga raw magtitiwala ang mga tao sa kanya kung wala siyang tiwala sa sarili. pero laban daw niya ito at ayaw niyang madamay ang mga pangarap ni Tere. Umiiyak silang parehong nagyakap at nagpasalamat sa isa’t isa.

Pinaghahanap ni Mito si Ysay. Nagpunta ito sa dating bahay nina Ysay pero wala ring nakapagturo kung nasaan si Ysay.

Si Venice, tinitignan ang picture nila ni Mito sa phone niya.

Umiiyak na nagmamaneho si Mito. Nagdarasal ito at sinasabing kahit sandali lang or konti lang, basta malaman daw niya okay si Ysay.

During dinner, sinabi ni Lima sa ina na may world class photographer na magtatrabaho sa ad nila. Siya na lang daw ang papagawaan niya ng portrait ni Victoria. Noong minention ni Lima ang pangalan ni Fernando Montalban, nabitawan ni Victoria ang mga cutleries niya.

Nakita ni Mito si Ysay sa na sumakay sa truck ni Albert (although hindi niya nakita kung sino ang nagmamaneho). Masaya ito dahil nakita niya si Ysay, pero malungkot din siya dahil may kasamang iba si Ysay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: