Pangarap na Bituin, Episode 08

by

Sinabi ni Emerald kay Cocoy ang nalaman niya tungkol kay Terrence. Sinasabi nga raw ba niya sabi ni Cocoy, bata pa sila alam na niyang magaling silang kumanta. Naala pa raw ba kaya ni Terrence ang pangako nila sa isa’t isa? Na magiging sikat silang singers tapos hahanapin nila ang isa’t isa. Nakatulog na si Cocoy. Lol.

Dumatng si Chorva at ipinakit kay Emerald ang picture ni Terrence sa magazine.

Pinapanood nina Cocoy at Emerald ang performance ni Terrence sa ASAP (at ininterview siya ni Luis Manzano). Sinabi ni Luis na maramig ang nagtatanong kung bakit iyon ang ni-revive niyang kanta. Bata pa raw kasi siya kinakanta na niya iyon at memorable daw kasi sa kanya ang kanta. Tuwang-tuwa naman si Emerald dahil naalala pa rin daw siya ni Terrence.

Noong kumanta sila kinagabihan, kinanta ni Emerald ang Pangrap na Bituin para daw sa kaibigan niyang sikat na sikat na t ginawa pang carrier single ang kantang iyon.

Tuwang-tuwa sina Terrence, Alberta, at Jeffrey at number one ang kanta niya sa charts. Nagka-gold record pa si Terrence para sa album niya.

Nalaman nina Emerald at Chorva na may concert si Emerald sa kanila. Nanood sila ni Chorva. Niyaya ni Chorva si Emerald kung saan nakapark ang sasakyang van ni Terrence para magkita sila.

Maraming taong naghihintay kay Terrence kaya gusto niyang mag-autograph signing sila, ayaw naman ng mga kasama niya dahil ang bilin daw ni Alberta bumalik na sila agad. Maraming fans sa labas kaya hindi sila makalabas. May idea daw si Jeffrey: Nagkunwari siyang siya si Terrence para makapuslit si Terrence. Akala tuloy ni Emerald inisnab siya ni “Terrence” dahil hindi siya pinansin nito.

Baka daw nagbago na si Terrence or hindi na siya naaalala nito dahil matagal na rin iyon.

Masaya naman si Jeffrey, ganoon daw pala ang feeling ng dinudumog ng fans. Siya raw kaya, kailan mangyayari sa kanya iyon.

Lumabas na si Terrence. Dumating na ang van na sasakyan ni Terrence. Nagtama ang mga mata nina Terrence at Emerald. Pero sumakay na ng van si Emerald, umalis na rin sina Emerald at Chorva.

Malungkot na ibinalita ni Emerald kay Cocoy na dinedma lang siya ni Terrence (naku ha, baka naman hindi ka lang nakilala). Pumunta na lang daw si Cocoy sa reseort na tinutuluyan ni Terrence. Ayaw na raw niyang mag-effort sabi niya. Dumating si Chorva at sinabing hindi na niya naabutan si Terrence, kaya nabuking si Emerald kay Cocoy.

Birthday ni Emerald. Nag-celebrate siya kasama sina Cocoy at Chorva. Hindi nila alam ang totoo nitong birthday, pero ise-celebrate pa rin nila. Binigyan siya ni Chorva ng CD ni Terrence. Nagalit si Emerald, sinira naman daw niya ang birthday niya. Tickets naman ng concert ni Terrence ang regalo ni Cocoy. Noong una, pakipot pa siya, pero nagsisigaw na rin ito pagkatapos.

Nanggi-gitara si Terrence sa kwarto niya noong kinausap siya ni Alberta at tinanong kung ready na ba siya sa concert niya. Nagpasalamat si Terrence sa tita niya dahil kung hindi sa kanya, hindi niya maaabot iyon. Anything for him daw, tsaka na siya umalis.

Tinignan ni Terrence ang medal na napanalunan nila ni Emerald. Tinitignan ni Emerald ang kotseng kubang ibinigay ni Terrence sa kanya, pati ang ang mga concert tickets niya.

Mataas pa ang kinauupuan nina Cocoy at Emerald. Gusto niyang pumunta sa lobby pagkatapos ng concert para makita niya si Terrence. Makilala raw kaya siya ni Terrence?

Nag-umpisa na ang concert ni Terrence.

Habang hinihintay ng mga fans si Terrence, sumingit si Emerald at kinausap ang seucrity guard at sinabi niyang est friend niya si Terrence. Ayaw maniwala ng mga fans sa sinasabi ni Emerald gusto lang daw nitong sumingit.

Bumalik ang security guard at sinabing hindi sila kilala ni Terrence (dahil sinabi ni Albert sa guard na hindi sila kilala ni Terrence)…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: