Natutulog ba Ang Diyos? Episode 38

by

Humingi ng panibagong chance si Andrew pero final na raw ang decision ng dean. Dapat daw inisip niya iyon bago siya gumawa ng gulo.

Ayaw ng maglako ni Bernardo si Patria. Sila na lang daw ni Boy ang gagawa ng paraan para sa mga gagastusin nila. Gusto ni Patria na maglako para kumita siya at mabigyan niya ng regalo sina Gillian at Andrew sa 19th birthday nila.

Tinanong ni Rose ang katulong nila kung may relasyon sina Gillian at Andrew. Wala daw, magkababata daw sila kaya malapit sila sa isa’t isa sabi nito.

Nag-uusap sina Andrew at Gillian.

Maagang umuwi si Mike. Sinabi ni Rose na baka raw nagdate sila. Sinabi ni Emma…

Nakita ni Rose na hinabol ni Andrew si Gillian at mukhang there’s trouble in paradise. Pinuntahan ni Rose si Andrew at itinanong what was that all about. Wala daw, pinaghintay lang daw kasi niya ng matagal si Gillian dahil nagbasketball siya. Ayaw maniwala ni Rose. Para raw gusto daw kasi niyang maniwala na may relasyon sila ni Gillian, baka iyon daw ang reason kung bakit mababa ang mga grades nito. Sinabi ni Rose na maipasa man ni Andrew ang mga grades nito, siya na mismo ang magpapadala kay Andrew sa States oras na malaman niyang

Hindi makatulog sina Andrew at Gillian.

Sinuggest ni Emma na mag-enroll na lang sina Trish at Mark sa school ni Andrew.

Nalaman ni Andrew na nagpunta si Gillian sa school kahit wala siyang klase.

Sa school, hinahabol ni Gillian ang dean (para kausapin ang dean tungkol kay Andrew?), nakabangga niya si Mark. Niyakap ni Gillian si Mark. Nakita ni Trish, at tinawag niya si Mark. Ipinakilala ulit ni Mark si Gillian. Tinanggihan ni Gillian ang imbitasyon ni Mark na sabayan sila ni Trish na mag-lunch. Sinabi ni Gillian na kung nakita man ni Trish na niyakap niya si Mark, walang ibig sabihin iyon dahil kapatid lang ang turing niya kay Mark. Baka raw pag-awayan pa nila iyon. Nakita din ni Andrew ang lahat ng pangyayari.

Nagdadalawang isip na raw si Rose kung bibigyan niya ng surprise party si Andrew. Nalaman ni Rose na napatawag ng dean si Andrew dahil ipinagtanggol niya si Gillian dahil tinukso itong katulong. Ginatungan naman ni Emma si Rose, serious na raw iyon.

Nawalan daw ng gana si Trish. Dahil nakita niya kung gaano na-hurt si Mark noong sinabi ni Gillian na kapatid ang turing niya kay Mark.

Tanghali na at wala pa ring kita sina Bernardo at Boy. Gusto raw sanang bilhan ni Boy ng regalo si Gillian kahit mura lang. Napag-usapan naman nila ang iskwelahan, dahil matagal ng hindi nakakapasok si Boy. Hindi na raw muna importante iyon sabi ni Boy, basta ang importante daw mapagamot nila ang nanay niya. May dumaang kotse at bumaba si Tina. Nakita iyon nina Boy at Bernardo.

Pinakiusapan ni Gillian ang dean na bigyan pa nito ng isa pang pagkakataon si Andrew. Ipinagtanggol lang naman daw kasi siya ni Andrew.

Tinanong ni Andrew kung ano ang ginagawa ni Gillian sa school, wala naman itong pasok. Siguro daw may plano silang magkita ni Mark sa school. Nagalit si Gillian kay Andrew. Umalis na ito, pero hindi na siya nahabol ni Andrew dahil ipinatawag na ng dean si Andrew.

Pag-uwi ni Gillian, itinanong ni Rose kung nasaan si Andrew. Itinanong niya kung totoo ang nabalitaan niyang nakipagsuntukan daw si Andrew dahil kay Gillian. Sinabi ni Rose na lagi na lang nage-get in trouble si Andrew dahil sa kanya.

Sinabi ng dean kay Andrew bibigyan niya ito ng isa pang pagkakataon.

Hindi pa rin sinasagot ni Gillian ang tanong ni Rose kaya sinabi ni Rose na alam raw niya na nakipagsuntukan si Andrew dahil sa kanya. Sinabi pa nito na sana raw hindi totoo ang nakikita at nararamadaman niyang nangyayari between Gillian and Andrew. Mabait at matalinong bata daw si Gillian kung kaya’t kinukupkop siya nito. Pero dapat daw alam niya ang lugar niya sa pamamahay na nila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: