Margarita, Episode 33

by

Ipinakilala ng isa sa mga volunteer si “Greta” kay Bernard. Nalaman ni Margarita na bayaw ni Bernard si Robert.

Niyayang maglunch ni Bernard si Margarita na siya namang pinaulakan nito. Nalaman ni Margarita hindi first time ni Bernard na makita siya noong isinakay siya nito sa taxi. Nakita na niya itong nagsasayaw before hand at nakita din niya kung paano sinupalpalan ni Margarita si Guttierez noong itinable siya nito.

Sinabi ni Bernard na gusto niyang maging kaibigan si Margarita.

Nalaman ni Didith na iyong “Pogi” na pinagtataguan ni Margarita ang nakikipagkaibigan kay Margarita. Sigurado raw ba siyang hindi siya magkakagusto dito?

Patapos ng nagsasayaw si Margarita noong dumating si Bernard. Pinuntahan niya si Margarita sa make-up room. Nakiusap si Margarita na huwag ng magpunta doon si Bernard dahil naasiwa siya dahil labas ng club sila nagkakilala kaya naasiwa siyang makita siya nitong nagsasayaw. E saan naman daw sila magkikita, tanong ni Bernard? Pumayag na si Margarita na lumabas sila for dinner.

Minake-up-an ni Didith si Margarita bago siya sinundo ni Bernard.

Sinabi ni Bernard kay Jessica na may bisita siyang darating for dinner kaya dapat masarap ang pagkain nila.

Dinala ni Bernard si Margarita sa bahay nila at ipinakilala kina Jessica at Robert. Mukha daw siyang pamilyar, sabi ni Robert. Nagkita na raw ba sila? Sinabi ni Margarita na nagpunta sina Robert sa kanila. Sinabi ni Bernard na nakilala niya si Greta sa headquarters nila noong nagbo-volunteer ito kaya dinala niya ito ng personal para makilala nila.

Kuntodo-asikaso sina Robert at Jessica kay Margarita. Samantalang si Margarita, asiwang-asiwa. Ngayon lang daw nag-uwi ng babae si Greta sa kanila, sabi ni Robert. Sinabi ni Bernard na kumukuha ng accounting si Margarita sa gabi habang nagkakahera naman siya during the day sa isang grocery. Sinabi ni Robert na accountant siya at working student din daw siya noong kabataan niya. At bilib na bilib daw siya sa mga kabataang katulad niya na nagsisikap para mapaunlad ang buhay at sila daw ang inspirasyon nila. Kaya raw pala nagustuhan siya ni Bernard.

Welcome to the family daw sabi ni Robert at Jessica.

Masayang inihatid nina Jessica at Robert si Margarita sa may gate, kasama si Bernard.

Sa tingin daw ba ni Robert, in-love si Bernard kay Jessica? Big time, sagot ni Robert.

Ikinuwento ni Margarita kay Didith na sinabi ni Robert na “Welcome to the family.” Baka iyon raw ang lukso ng dugo, sabi ni Didith. Hindi alam ni Margarita ang gagawin niya kaya ang sabi ni Didith gawin na lang niya ang gusto niyang gawin, na kilalanin ang tatay niya at kung matatanggap silang magkakapatid nito. Kung hindi, kalimutan na lang ni Margarita ang tatay niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: