Ysabella, Episode 57

by

Ayaw maniwala ni Lima na si Ysabella ang nakausap ni Victoria sa phone. Ni hindi man kilala ni Albert si Ysay, sigurado daw na isa lang iyon sa maraming girlfriends ni Albert. Or baka kaboses lang daw iyon ni Ysay.

Pinuntahan ni Mito si Venice sa poolside na may dalang mga shells. Ikinuwento ni Mito ang hindi nila pagkakaintindihan ng daddy niya, kung paano binago ni Ysabella noon at paano siya natalo ng mga insecurities niya na naging dahilan para iwan siya ni Ysay. Blah…blah…blah. Nagpsorry si Venice, nalaman niyang aalis na si Mito kinabukasan. Sinabi ni Venice na kailangan niya ang titulo…tumango lang si Mito at umalis na.

Tinawagan ni Lima si Albert (na nasa hospital bed pa rin ito habang natutulog si Ysay sa may bedside). Dineny ni Albert na kasama niya si Ysay. Tinukso siya ni Lima at sinabing she’s happy he is dating again, who is the lucky girl daw? None of your business daw sabi ni Albert, sabay sa baba sa phone dahil nagising na si Ysay. Ang akala naman ni Lima, admission of guilt iyon.

Nagperform sina Alex at Tere at ang banda nila. (Ang ganda na mga boses nila). May gustong kumausap sa kanila mula sa RjM Records. Two-album contract with their own song choices daw ang deal. Kaya lang may gusto siyang ipasok sa band nila na pwedeng maging lead guitarist nila at pwede i-play sila [as loveteam] ni Tere. Ayaw pumayag ni Tere dahil may gitarista na sila at buo na ang tunog nila. Mas mabilis daw maibebenta ang records nila dahil sa cover pa lang ng album, benta na. Hindi raw sila magpa-finance ng album na wala silang assurance na kikita sila. Ayaw pumayag ni Tere, pero sinabi ni Alex na okay lang daw.

Gumagawa ng kwintas si Venice sa hotel room niya noong kumatok si Chad. Pinapasok niya ito, gusto niyang malaman kung saan papunta ang relasyon nila. Ayaw pumayag ni Venice na mag-sex sila, pinapaalis na niya si Chad. Pinipwersa siya ni Chad, dumating si Mito, nagsuntukan sila. Pag-alis ni Chad, nag-usap sila. Ibibigay na sana ni Venice ang titulo noong narealize niya na iyon ang titulo na naisanla niya.

Nagalit si Tere kay Alex dahil hindi man lang siya ito hinayaang makapag-negotiate umayaw na ito kaagad. Kung hindi dahil daw kay Alex, hindi man siguro sila pakikinggan nung executive na iyon. At saka malay daw nila kung may porsiyento lang ang lalaking iyon doon sa gitaristang ipapasok niya. Sinabi ni Alex na dahil daw tomboy siya kaya siya gustong palitan noong executive. Mahirap daw pero kung ngayon palang sumusuko na ito, para na rin niyang sinabing tama sila, at umalis na si Tere.

Nalaman nina Venice at Mito na nagpunta sa Dubai ang pinag-sanlaan niya ng lupa at sa isang buwan pa ang balik nito. Humingi ng paumanhin si Venice kay Mito. Okay lang daw iyon, hindi naman siya made-delay sa mga kausap niya. Ano raw ang gagawin niya habang wala ang titulo? Hindi raw niya alam, pero niyaya niya si Venice na sumama na sa kanya sa Manila pabalik sa daddy niya. Hindi pa raw siya ready, baka raw kunin muna niya ang trabahong inaalok ng hotel na tinutuluyan niya. Susubukan muna raw niya.

Ikinuwento ni Ysay ang nangyari habang walang malay si “Andrew.” Nagkunwaring nasusuka naman si Albert. Hindi raw nakakatuwa iyon, sabi ni Ysay…nagtinginan sila.

Tinuruan ni Albert si Ysay na magmaneho. Sinabi ni Ysay na check daw ni “Andrew” ang gulong ng truck, bumaba ito at nagmanehong papaalis si Ysay habang tumatawa…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: