Pangarap na Bituin, Episode 07

by

May nakilalang batang babae si Emerald na ang pangalan ay Chorva, narinig niya itong kumakanta sa labas ng bahay nila.

Habang nagpa-perform si Cocoy, tinawag niya si Emerald at nag-duet sila.

Nag-wish sa wishbone sina Emerald at Chorva. Si Emerald ang nakakuha ng mas malaking piraso. Ang wish daw niya sana makita niya ang bunso niyang kapatid na si Ruby.

Kumakanta na rin ngayon si Emerald (I don’t know if continuation lang ng pagkanta nila kanina kasi pareho lang ang mga suot nila) kasama si Cocoy.

Ayan lumitaw na si Sarah Geronimo…

Inialay niya ang susunod niyang kanta para sa mga katulad niyang mga nangangarap din, kasama ang kaibigan niyang si Chorva (Cathy Gonzaga).

Recording artist na rin si Terrence (Jerico Rosales na rin siya).

(Ipinakita na kukamanta sila at the same time: Si Terrence nag-rerecord ng kanta, si Emerald nagpeperform sa Boracay).

Nagkita sa restaurant sina Alberta at Tito Louie niya (Jaime Fabregas). Sinabi ni Louie na siguradong kikita ang magiging album nito. Sinabi ni Terrence na matagal na niyang pangarap ito kahit noong nasa orphanage pa siya kasama ang best friend niya. Iniba ni Alberta ang usapan pagkasabi noon ni Terrence at nag-order na sila. Hawak-hawak naman ni Terrence ang medal na napanalunan nila ni Emerald noong bata pa sila.

Pagkatapos ng set ni Emerald, itinuro ni Chorva na ang mga nanonood na taga-TV. Nagpa-autograph si Chorva kay Jake Cuenca (as Jake Cuenca). Nakita ni Emerald na may isa pang pumirma bukod kay Jake, si Kimberly Bautista. Paalis na si Kim, kaya hinabol siya ni Emerald. Hindi siya agad nakilala ni Kim, pero noong nagkakilanlan na sila, nagkasundo sila na manonood ng shooting nila si Emerald at Chorva kinabukasan.

Konti lang pala ang role ni Kim, sabi ni Chorva. At least daw nakikita ang mukha niya sa TV, pagtatanggol naman ni Emerald.

Nagkwentuhan sina Emerald at Kim pagkatapos ng shooting. Nakita ni Kim na naroroon parin ang pilat ni Emerald sa leeg (iyong nasugat sa kanya noong bago sumabog ang bulkan noong mga bata pa sila). Bago sila nagkahiwalay, nagpalitan sila ng cellphone numbers at nagyakap sila.

Sinabi ni Jefrrey (JR Siaboc) na may nacompose siyang kanta baka raw pwede niyang iparinig sa Tito Louie nila. Ayaw pumayag ni Alberta dahil ang deal daw nila ng daddy ni Jeffrey at makatapos muna ito ng college bago siya maging singer.

Habang ginugupitan ni Chorva si Emerald, narinig niyang kumakanta si Terrence sa radio ng revival nito sa Pangarap na Bituin. Tuwang-tuwa si Emerald noong marealize niya na ang kakabata niyang si Terrence at ang naririnig niya sa radyo at iisa…

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 07”

  1. nawawala Says:

    yey! malaki na sila! ang cute ni jericho at jay-r! ang cute talaga! hehe.. kaya ko lang sinimulang panoorin ‘to dahil sa kanilang dalawa eh! bwehehe.. pero so far, nagagandahan naman ako sa palabas =)
    tsaka ang ganda ng pagkanta ni echo at sarah!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: