Natutulog ba Ang Diyos, Episode 37

by

Singit lang: hindi ko narinig before noong sinabi ni Bernardo na siya ang tunay niayng ina.

Nakuha naman ni Andrew ang mga itinuro ni Gillian. Napag-usapan nila ang birthday nila, hindi na raw kasi siya nagse-celebrate ng birthday niya. Naiisip lang daw kasi niya ang pamilya niya, baka naman daw nagpapakasaya siya, baka naman ang pamilya niya naghihirap.

May address naman daw siya sabi ni Andrew, pwede naman niyang puntahan ang mga ito. Ayaw na ni Gillian dahil baka magkagulo na naman.

Ibinigay ni Bernardo ang gamot ni Patria. Umiiyak nitong sinabi ni Bernardo na naalala niya sina Mike at Rose, kapag nagkakasakit sila noon sila ang bumibili ng gamot at libre pa ang kwarto sa ospital. Pasensiya na raw si Patria dahil mahirap sila sa daga.

Pinagalitan ni Mike si Andrew dahil sa limang subjects nito, 4 ang bagsak niya sa midterms. Babawi na lang daw siya, sabi ni Andrew. Kapag bumagsak daw siya, sabi ni Mike, ipapadala daw niya ito sa mga kamag-anak niya sa States.

Bumalik na sina Mark at Emma sa bahay nila. Ayaw sumamang mangapitbahay ni Mark kay Emma. Laking tuwa naman ni Emma dahil mukhang hindi na ito interesado kay Gillian.

Tinanong ni Gillian si Andrew kung ano raw ba talaga ang problema niya. Para daw kasing these past few days iba ang ikinikilos nito at hindi raw naniniwala si Gillian na nauntog lang siya kaya siya may pasa sa mukha.

Gustong bigyan ni Rose si Andrew na suprise birthday party si Andrew, pero ayaw ni Mike. Ito ng pinagtatalunan nila noong dumating si Emma. Ang nangyari, sina Rose at Emma ang nagplano sa party, wala namang nagawa si Mike.

Nawala na ang pamamaga ng mga binti ni Patria, at medyo nakakalakad na ito. Magtitinda sana siya ng mga fishballs, pero noong inaayos na niya ang mga paninda niya, natumba ito at bumagsak sa lupa.

Ipinasok ni Boy si Bernardo sa trabaho at natanggap naman ito. Pinuntahan siya ng mga kakosa niya dati at tinanong siya ng mga ito kung ayaw ba niyang sumama sa pinaplano nila pagnanakaw (ng bangko yata). Pag-isipan daw niya, sabi nila kay Bernardo at umalis na sila.

Ikinukwento ni Emma si Mark. Ayaw raw sana niyag i-pull out sa UP Baguio si Mark pero kailangan na raw niyang magbalik, kaya wala siyang choice (E di sana iniwan niya🙄 ). Buti pa raw siya, sabi ni Rose, samantalang si Andrew bumabagsak. Baka raw distracted sa girlfriend, sabi ni Emma. Wala raw namang ipinapakilalang girlfriend si Andrew sa kanya, sabi ni Rose. Ang sabi naman ni Emma, akala niya sila Andrew at Gillian dahil noong nasa Baguio sila iba ang kilos nila.

Ang sabi ni Rose, sabay lang silang lumaki. At saka mabait daw na bata si Gillian. Madali lang daw magbait-baitan at remember daw, anak siya ni Patria.

Nakiusap si Andrew sa professor niya, baka raw may special project na pwede niyang gawin para maimprove niya ang mga grades niya. Hindi siya binigyan ng prof niya, remedial lang talaga ang pag-asa niya.

Dahil walang pambayad sa doktor sina Patria, kay Aling Lagring ulit pumunta sina Bernardo at Patria. Sinabi ni Aling Lagring na dapat kumakain si Patria. Umpekto naman daw ang ibinigay nitong halamang gamot dahil nawala na ang pamamaga ng mga binti nito.

Pinapakain ni Bernardo si Patria, ayaw nitong kumain. humingi na raw sila ng tulong kina Mike sabi ni Bernardo. Ayaw ni Patria dahil wala raw siyang mukhang ihaharap. Kahit kay andrew or gillian daw, huwag na raw ayaw niyang guluhin sila.

Naoaaway si Andrew sa mga kaklase niya dahil tinawag nilang tsimay si Gillian. Pagdating sa dean, si Andrew ang napag-initan nito.

Hindi na raw siya ipapag-take ng remedial exams, kaya automatically bagsak na siya.

Nakangising aso pa si dean…

3 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos, Episode 37”

  1. nawawala Says:

    sinabi ni bernardo kay andrew yun, nung nanghingi sya ng tulong kay andrew sa labas ng bahay, tapos sinuntok sya…

  2. ptvj Says:

    narinig ko lang kasi iyong sinabi niyang si patria ang tunay niyang ina…tapos nadistract na ako😆

  3. Lez from Norway Says:

    We are following these videos,we live in Norway..the last part 4 we heard that Andrew asked Patria if they were his real parents? & all I could see was the tears in the eyes of Patria,but we didn’t find out if Patria said yes to Andrew..

    Ols, we are very much happy if you publish the continuetion of this videos. It is so amazing,,its so touchaeble….We look forwadt seeing more videos of natutulog ba ang Dioys..:-)
    Thank you..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: