Margarita, Episode 32

by

Kinamayan ni RObert si Margarita, wala siyang kamalay-malay anak niya ang kinakamayan niya. Napansin niya na maluha-luha si Margarita, tinatanong niya kung bakit ito naiiyak, may problema daw ba siya sa pamilya? Iboto lang daw siya sa kongreso at makakatulong siya.

Napansin ni Gabby na malungkot ang ate niya. Ang akala niya si Robbie lang ang dahilan, kaya ikinuwent niya kay Margarita na pinuntahan siya ni Robbie sa iskwelahan at inabutan siya ng pera dahil may trabaho na raw ito.

Nag-uusap si Ramon at isa sa mga kasabwat nito. Gusto ng ipaligpit ng kasabwat nito, pero parang anak na raw kasi niya si Bernard at wala na raw kasi siyang pamilya. Siya rin daw kasi ang nagturo kay Bernard na maging matapang, na may prinsipyo. Kung ibang pagkakataon lang daw, baka maging proud pa ito sa kanya, hindi niya inaasahang aabot sila sa ganito. Sinabi ng kasama ni Ramon na balang araw si Bernard ang magpapabagsak sa kanya.

Sinabi ni Margarita kay Didith na nagkita silang magtatay. Galit si Didith, kung siya raw sa kanya huwag niyang iboboto.

Pag-uwi niya tinitigan niya ang P50 na ibinigay ni Robert sa kanya noong sinabi niyang may cancer ang nanay niya sa lungs noong bata pa siya.

Nakita ni Robert ang kalaban niya sa pagka-congressman noong magpa-file na ito ng candidacy. Hinamon ito ni Robert nag debate, nginisian lang siya nito.

Hindi na-apruba ang request ni Bernard na i-exhume ang bangkay ni Carding dahil wala naman raw ebidensiyang may nangyaring foul play. Sabi ng kasama niya, kung si Rodrigo pa ang mag-request may pag-asa pang maapruba. Sinabi naman ni Bernard na baka hindi na siya paniwalaan ni Rodrigo dahil lahat ng ipinangako niya dito hindi niya nagawa. Kung siya raw si Rodrigo, sagot ng kasama niya, matutuwa pa siya dahil walang tigil si Bernard sa kakaimbestiga sa pagkamatay ni Carding. Kakausapin raw ni Bernard si Rodrigo,

Hindi pa rin mahanap nina Margarita at Didith si Robbie. At least daw alam nilang may trabaho na siya at least alam niyang hindi siya nagugutom, sabi ni Didith. Sinabi ni Margarita na naalala niya ang tatay niya, may mga pagkakataon daw na gusto na niyang gumanti. Ipatira na raw nila, sabi ni Didith😆 . Pero sinabi ni Margarita na kahit daw alam niyang masama siyang ama, noong nakita niya ito, naramdaman niyang mahal pa rin niya ito. Nabigla si Didith sa sinabi niya.

Nalaman naman nina Bernard mula sa kapitbahay ni Rodrigo na matagal na itong hindi umuuwi at dala lahat ng gamit nito noong huli niya itong nakita.

Sinabi ni Margarita kay Didith na gusto niyang makita ang tatay niya ulit at magkasama sila. Umasa pa raw siya sabi ni Didith, paano raw siya nakakasiguradong tatanggapin sila ng tatay niya. Paano raw kung nagbago na nga ang tatay niya? Hindi raw magbabago iyon sabi ni Didith, huwag raw siyang masyadong umasa baka madisappoint lang siya.

Masama naman ang kutob ni Bernard sa pagkawala ni Rodrigo dahil noon pa man ay may masama na itong binabalak. Pag nagkataon daw siya pa ang huhuli dito.

Pauwi na sina Margarita at Didith noong nakita nila si Bernard. Nagtago si Bernard hanggang sa makaalis na ito. Sinabi ni Margarita na siya ang nagsakay sa kanya sa taxi. Nahihiya raw siya kasi hindi na niya alam ang pinagsasabi nito sa kanya.

Pinadala nila si Paula sa States dahil malapit na ang election, kailangan daw protektahan nila ito laban sa paninira ng kalaban niya.

Nagkita ulit si Robbie at Gabby. Sinabi ni Robbie na kaya siya nagtatrabaho para tumigil na si Margarita sa pagsasayaw niya.

Nag-reready na si Margarita para puntahan ang tatay niya. Para daw hindi siya umasa sa wala, harapin nito ang tatay niya, pero hindi pa nito kayang magpakilala sa kanya.

Nagpunta si Margarita sa campaign headquarters ni Robert para magvolunteer sa kampanya niya. Nakita siya ni Bernard…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: