Ysabella, Episode 56

by

Laptopsilog daw ang sagot sa joke ni “Andrew.” Mas nakakatawa daw ang laptopsilog sa FAXsiw na sagot nito noong una niyang sinabi ang joke na iyon.

Tinawagan ni Albert si Reno, sinabi ni Reno na uuwi na lang siyang mag-isa, kaya naman daw niya. Inabangan ni Reno ang paglabs ni Lima sa building hanngang sa pagsakay nito sa sasakyan niya. Nakangiting tinitigan ni Reno si Lima (stalkerish na yata ito).

Pinapara ni Ysay kay “Andrew” ang sasakyan, nakakita kasi ito ng nagtitinda ng 1-day-old. Favourite daw kasi ito ni “Andrew” kaya ibinili siya ni Ysay nito. Hindi halos makain ni Albert ang one-day old na ibinigay ni Ysay.

Sinabi ni Venice kay Mito na sinabi ni Chad sa kanya na mahal pa rin siya nito. At the same time, mahal pa rin ni Chad ang girlfriend niya kaya hindi niya ito iiwan. Ganoon raw ba kababa ang pagtingin niya sa sarili niya, tanong ni Mito. Nagkasagutan sila, nag-walk out si Venice.

Nakita ni Trining ang picture ni Nanding, pero malabong-malabo ang picture kaya hindi niya mamukhaan. Sinabi ng mga new-found friends niya na may isang bahay na laging pinupntahan nina Rosario at Nanding noon pero apat na oras pa ang layo kaya sinabi nilang mag-stay na lang da muna siya doon dahil gabi na.

Naka-sampung 1-day-old si Albert. Nagsuka ito at masakit na masakit ang tiyan nito. Mukhang nagka-food poisoning ata at hinimaty ito. Tinawagan ni YSay si Alex, pero it’s either naglow-batt or walang signal ang cellphone niya.

Ginamit ni Ysay ang cellphone ni Andrew para tawagan si Alex at sinabi niya dito ang nangyari. Tinuruan ni Alex si Ysay na magmaneho through the phone.😆

Pinaghanda ni Victoria si Lima ng dinner at sabay silang kumain. Tinanong ni Victoria kung masaya raw ba siya. Umoo naman siya. Was she a good mother to her daw? Oo naman ang sagot niya. Hindi bale raw, makakabawi naman siya. Magkwento daw siya sabi ni Victoria, so sinabi ni Lima na galing siya kay Lupe and she should really give her another chance. Nagalit si Victoria at sinabi niyang Lima ruined their night.

Pinaandar ni Ysay ang sasakyan, hindi niya alam ang susunod na gagawin, sinabi ni “Andrew” ang gagawin niya. (Akala ko ba hinimatay ito?). Biglang nag-ring ang phone ni Andrew habang nagmamaneho siya, sinagot ni Ysay ang phone at si Victoria ang nasa kabilang linya. “May I speak with my son” daw. Hindi makapagsalita si Ysay. Muntik na niyang mabangga ang isang sasakyan. Dito siya humingi ng tulong para maidala si Andrew sa ospital.

Samantalang nagwala naman si Victoria dahil akala niya ayaw lang ipakiusap ng sumagot ang anak niya. Ibinato niya ang phone niya.

Nagsasayaw sa party sina Chad at Venice. Sumunod si Mito at hinilang papaalis si Venice.

Dehydrated lang daw si Andrew, he should be fine kapag naibaik na ang nawalang tubig sa katawan niya. Buti na lang daw sabi ni Ysay kay Alex, habang kausap niya ito sa phone, tumawag si Victoria kaya siya nataranta at muntik ng may mabangga kaya nakahingi ito ng tulong na maidala si Andrew sa ospital. Pinutol na ni Alex ang kwentuhan nila dahil kakanta na sila nina Tere.

Sinermunan ni Mito si Venice. Umiyak si Venice. (Inantok ako.)

Nagising si Albert at nangiti ito noong nakita niyang nakatulog sa pagbabantay sa kanya si Ysay.

Hindi mapalagay si Victoria. Sinabi ni Lima na baka raw may girlfriend ang kuya niya. Hindi raw. Kilala daw ni Victoria ang boses na iyon, boses daw ni Ysabella Cuenca…

4 Tugon to “Ysabella, Episode 56”

  1. mhe Says:

    nakakatuwa naman si albert akala ko nga hinimatay na siya….. ung laptopsilog okey din… mas high tech… naku si albert talaga pati sa joke hi-tech kesa kay andrew….KUMAIN BA NG ano nga un???? e mukhang di sanay sa ganun parang nadudual pang kumain… ikaw kasi ALBERT PRETEND KA PA e…. matitikman mo rin lahat ng natikman ni andrew…. i usually skip the mito/venice part… boring kasi……..

  2. ptvj Says:

    would you believe sa scene nina mito at venice, that part kung saan sinabon ni mito si venice dahil pumayag siya sa gusto ni chad na dalawa sila, nakatulog ba naman ako😆

  3. hEaVEn Says:

    haha! actually parang scene from another soap ang part nila…

  4. jenee Says:

    actually, kahit tanggalin lahat ng scenes ni mito and venice, e hindi makakaapekto sa istorya ng ysabella. so pleaaseee abs-cbn, get rid of angelica before it’s too late! ang corny nya umarte!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: