Pangarap na Bituin, Episode 06

by

Naiuwi na ni Cocoy si Emerald. Nakakatanda daw ang “tatay” dahil nakakatanda daw iyon, “erpats” na lang daw. Emerald Mendoza na si Emerald ngayon.

Lumipat na sila sa mas malaking bahay dahil nakatiyempo si Cocoy ng gig kung saan malaki ang kinita niya. Si Emerald daw siguro ang swerte sa kanya.

Nag-aaral na si Emerald. Noong kinuha niya ang libro niya, nahulog ang drawing na ginawa nila ni Terrence noon.

Pinagalitan ni Alberta si Terrence dahil bawal ang TV kapag school night. Hindi nakinig sa kanya si Terrence kaya kinuha niya ang remote at sinabing hindi na siya pwedeng manood ng TV. Paglabas ni Alberta, binuksan ni Terrence ang radyo.

Nag-aalala si Alberta dahil daw baka natraumatize ito sa nangyari sa Bicol. Kumonsulta daw sila ng doktor sabi ni Benedict.

Sabi ng doktor, na-traumatize nga si Terrence dahil sa murang edad nakakita na ito ng maraming mga taong namatay, including his dad. Tinanong niya kung ano ang trabaho ni Alberta. Nagpoproduce pala siya ng concerts sa abroad (or from abroad?). Isinuggest niyang isama nito si Terrence at maganda daw na may iba itong hobby. Alisin na raw ang ibang mga bagay nakakapagpa-alala kay Terrence sa nakaraan niya.

Pinagalitan ni Alberta si Terrence dahil tumawag ulit ito sa bahay ampunan. Siya na raw ngayon ang nag-aalaga sa kanya, dana raw ibigay sa kanya ni Terrence ang respeto na ibinigay nito sa daddy niya. For the last time daw pagbibigyan niya ito para makapag-goodbye siya sa mga kaibigan niya. Sinabi ni Terrence na hindi na niya macontact si Emerald dahil inampon na siya ni Cocoy at lumipat na sila ng tirahan.

Binigyan ni Alberta si Terrence ng gitara. Tuwang-tuwa naman si Terrence sa natanggap. Nanggitara na siya, at sinabi niya kay Jeffrey na tinuruan siya ni Cocoy noon.

Nagbago na si Terrence, mukhang nakapag-adjust na ito magkasundo na sila ni Jeffrey. Ibinili rin si Jeffrey nina Alberta ng gitara at sabay sila nanggigitara ni Terrence.

Nagsara naman ang kinakantahan ni Cocoy. Napatayan sila ng ilaw dahil wala silang pambayad ng kuryente. Nakikipanood sila ng TV sa kapitbahay at napanod nilang may audition sa mga batang kumakanta. Kaya daw niyang gawin iyon sabi ni Emerald. Gusto ring mag-audition nina Jeffrey at Terrence, pero hindi pumayag si Benedict dahil daw baka mag-suffer ang mga studies nila. Kinukumbinse siya ni Alberta na payagan na ang dalawang mag-audition, dahil daw si Jeffrey mula noong nagkaroon ng hobby, nag-improve ang mga grades nito. Kapag nakapagtapos na raw sila ng pag-aaral papayagan na raw niya itong mag-artista. Marami daw kilalang mga showbiz personalities si Alberta, ngayon pa raw daw pwede na siyang mag-umpisa para paglaki nina Terrence at Jeffrey siya na ang magmamanage sa kanila. Ipapatayo ni Benedict ng management agency si Alberta.

Nagkita sina Ruby at Emerald sa audition (ang galing, kamukha nina Sarah Geronimo at Maja Salvador ang mga bata). Pamilyar daw ang mukha ni “Kimberly” (Ruby), sabi ni Emerald. Siguro daw sa commercial nito sabi ni Kimberly. (Although hindi niya commercial talaga, nasa background lang siya). Nagkakilala na sina Berns, Cocoy, Emerald, at Kim. Sinabi ni Kim na may audition siya sa soap opera, sinabi ni Berns kay Cocoy na kahit na hindi singing ang audition na iyon, magandang exposure rin iyon.

Nagkita ulit sina Kim at Emerald sa audition.

May nagsabing hindi magaling si Kim, kaya umalis si Berns para kausapin (more of pagalitan) ang mga ito. Pag-alis niya narinig ni Kim na pinag-uusapan ang tatay niya at narining niyang sinasabi nilang paano nagkaanak ang isang bading.

Pag-uwi nila sa bahay, tinanong ni Kim kung bakit bading ang tawag sa kanya ng mga tao at bakit sila nagtataka na may anak siya. Kalimutan na raw niya iyon, sabi ni Berns. Mahirap daw ipaliwanag, kapag naiintindihan na raw ni Kim doon niya ipapaliwanag. Kinulit ni Kim si Berns kaya nasigawan niya ito. Naawa naman si Berns kaya inamo niya ito.

Hindi natanggap si Emerald sa audition. Talaga raw ganun sa mga auditions, may natatanggap merong hindi. Ang maganda raw, magpractice ito. Ayaw na sana ni Emerald, pero sinabi ni Cocoy na gusto daw ni Emerald ito kaya dapat matiyaga siya. Tinanggihan ni Cocoy ang gig na inaalok ng kaibigan niyang si Banjoe(?) para lang makapag-audition si Emerald. Pero noong tumawag ang kaibigan nito, sinabi ni Emerald na umoo na siya para kay Cocoy.

Bata pa raw siya, marami pa siyang chance sumikat. Tatawagan sana ni Cocoy si Banjoe para tanggihan ito ulit, pero noong nalaman niyang mahal ang bayad (nakalimutan ko kung magkano) sa kanya pumayag na siya.

Nakarating na sila ni Emerald sa Boracay para sa gig niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: