Natutulog ba Ang Diyos, Episode 36

by

Umiiyak na naglakad papaalis si Bernardo habang naiwan naman si Andrew na nashock.

Pauwi na si Bernardo noong itinuro ng mga kapitbahay nila si Boy na masipag nagtatrabaho.

Bagsak si Andrew sa final exams nila. Maapektuhan daw ang final grade nila, kailangan nilang mag-take ng remedials. If they don’t pass kailangan niyang mag-summer. Sinabi ni Andrew na kung hindi maipapasa nila ang remedials, hindi na nila kailangang mag-summer. Nanibago ang mga kaibigan niya sa kanila.

Sinabi ni Gillian na kailangang bumawi ni Andrew dahil 4 na ang bagsak niya. Nakita nito ang pasa sa mukha niya, tinanong niya kung ano ang nangyari. Sinabi niya na nauntog lang siya. Dumating ang mga kaibigan nila at niyaya si Andrew na maglakwatsa. Sumama naman ito sa kanila.

Problemado si Bernardo dahil nga nasabi na niya kay Andrew ang totoo. Nakipag-inuman na lang siya sa isa niyang kaibigan. Habang nag-iinuman sila, may isa pang dumating na lalaki na nagngangalang Badong na dati daw nilang kakosa.

Habang naglalaro ng billiards sina Andrew, naaalala niya ang sinabi ni Bernardo sa kanya. Paalis na ito noong tinawag na atsay si Gillian ng isa sa mga kaibigan niya. Itinulak niya ito at muntik na silang mag-away.

May sinasabing pagkakakitaan ng pera si Badong. Nagpaalam na si Bernardo, nayabangan si Badong sa kanya. Sinabi ni Bernardo na may sakit ang asawa niya🙄 .

Napagalitan si Andrew kay Mike dahil mababa ang mga grades nito. Tapos amoy beer pa siya. Hindi raw maintindihan ni Mike, kanino raw ba siya nagmana? Baka raw hindi nila ito anak, sabi ni Andrew at bigla itong umalis.

Masakit na naman ang pakiramdam ni Patria dahil tatlong beses na siyang hindi nakainom ng gamot. Sinabi ni Tina na may sinabi ang kapitbahay nila na may nagbebenta ng halamang gamot. Skeptical naman si Bernardo pero sinabi ni Tina na Wala raw silang karapatang magselan dahil wala silang pera.

Pinuntahan ni Rose si Andrew sa kwarto nito. Itinanong ni Andrew kung ampon lang siya. Hindi naman makapaniwala si Rose na tinanong iyon ni Andrew. Sinabi nito na 9 na buwan siyang naghirap because she was afraid to lose him. Mukhang naniwala naman si Andrew.

Pinuntahan ni Bernardo si Aling Lagring para humingi ng herbal medicine para kay Patria. Alam ni Aling Lagring na may sakit sa bato si Patria kahit hindi ito sinabi ni Bernardo. Hindi na muna nito pinabayaran ang gamot na ibinigay nito.

Hindi na makakain si Patria dahil nasusuka na siya. Araw-araw iyon na lang daw ang ulam nila, hindi ba raw nagsasawa si Boy sa kinakain nila? Okay lang daw, basta meron, sabi ni Boy.

Nagtatalo na naman sina Rose at Mike dahil kinukunsinti daw ni Rose si Andrew. Inaalam lang daw niya kung bakit naisip ni Andrew na ampon siya at kung bakit bumabagsak ito, hindi raw kaya masyado silang close ni Gillian. Baka nagliligawan na raw ang dalawa (duh!). Ang sabi naman ni Mike, bakit daw si Gillian matataas ang mga grades?

Pinuntahan ni Andrew ang nag-aaral na si Gillian. Ayaw siyang kausapin ni Gillian dahil lasing daw siya. Sinabi naman ni Andrew na nakaligo at nakapagtoothbrush na siya. At saka konti lang naman daw ang nainom niya. Kinukulit niya si Gillian. Nagpapatulong si Andrew na mag-aral. Nauwi sa lambingan ang kulitan nila. Tinulungan rin ni Gillian si Andrew na mag-aral. Tinititigan ni Andrew si Gillian. Mag-aral na raw siya dahil kahit gwapo diya, kung wala namang laman ang kukote niya, turn-off daw iyon. Ipinagpatuloy na nila ang pag-aaral.

Aww, bagay talaga sila.

Nalaman ni Rose na naroroon si Bernardo kanina dahil humihingi ng tulong dahil may sakit si Patria. Nakokonsensiya naman si Mike dahil baka raw totoong may sakit si Patria. Muntik na namang mag-away ang mag-asawa dahil kay Patria. Hindi na raw sinabi ni Mike kay Gillian na naroroon ang tatay niya dahil baka raw madistract pa ito at malapit na ang finals nila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: