Margarita, Episode 31

by

Malinaw na raw kay Margarita ang lahat, hindi siya talaga mahal ni Rodrigo. Naalala niya lahat ng pinagsamahan nila ni Rodrigo mula noong bata sila hanggang noong huli silang magkita.

Tinawagan ni Ramon si Morales para ibalitang patay na si Rodrigo.

Nasa simbahan si Margarita. Kinakausap niya si Carding at nagpapasalamat ito sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa kanilang pamilya. Patawarin daw siya nito dahil kailangan na niyang kalimutan si Rodrigo.

Patuloy paring nagsasayaw si Margarita sa pangalang “Greta.” Nanonood naman si Bernard sa mga shows niya.

Misteryosang babae daw si Margarita sabi ni Bernard sa kaibigan, minsan daw naiisip niya si Margarita pero hindi niya alam kung bakit.

Habang nag-aalmusal sina Gabby, sinabi ni Margarita na hahanapin niya si Robbie pagkatapos. Sinabi ni Gabby na magpahinga naman muna ito, hindi naman siya matitiis ni Robbie babalik din iyon.

Natetense naman si Jessica sa para kay Robert para sa mga interview/debate nito.

Nakita ni Robbie na may mga kabataang nagtatakang mag-carnap ng sasakyan, tinakot niya ang mga ito. Nakita niyang andun pa ang gamit nila sa pagbubukas ng kotse. Binuksan niya ang kotse at ibinenta niya ito.

Samantalang si Margarita, pinaghahanap pa rin si Robbie.

Nasa simbahan na naman si Margarita at nagdarasal. Humihingi ito ng tulong na sana mabuo na ang pamilya nila. Sana rin daw matagpuan na niya si Gelly.

Nagalit si Ramon kay Bernard dahil ipina-exhume ni Bernard ang katawan ni Carding para sa panibagong autposy. Tinawag niya itong traydor.

Pinuntahan ni Robbie si Gabby sa iskwelahan. Snabi nito na kawawa ang ate nila dahil lagi siyang pinaghahanap. Sinabi niya na may trabaho na siya sa talyer.

Nakita ni Robbie na parating na ang guest speaker nina Gabby — ang tatay nila. Sinabi ni Robbie na hwuag magpapaniwala si Gabby sa guest speaker nila dahil tarantado iyon. Hindi niya sinabi kung sino talaga siya.

Sinabi ni Margarita kay Didith na lumapit na siya sa mga pulis, pero wala daw silang magagawa dahil obvious naman na naglayas si Robbie at saka matanda na ito.

Sa speech ni Robert, katabi ni Gabby si Gelly/Paula. Nahihiya si Jessica sa mga pinagsasabi ni Robert. Bago umalis sina Robert, nagbigay muna ito ng donasyon sa iskwelahan. Nagkaawayan sina Gelly at Gabby. Tinukso siya ng mga kaklase niya, pero sinabi ni mga sira sila dahil bagong kaibigan lang niya ito.

Nag-house to house si Robert sa neigbourhood nina Margarita. Magaan ang loob ni Gabby kay Robert at Gelly/Paula. Nagkita na sina Margarita at Robert…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: