Ysabella, Episode 55

by

Ginawang kwintas ni Venice ang mga shells na pinulot nila ni Mito.

Sinabi ni Burdoy na kinalimutan ni Ysay ang mga pangarap nito para tulungan lang si “Andrew.” Hindi raw ba’t mabuting tao lang ang gumagawa noon, baka raw mali lang ang pagkakakilala nila kay Ysay. Wala namang kibo si Albert.

Kausap ni Mito si Eugene nang pinuntahan siya ni Venice. Ayaw kausap ni Venice ang ama, pero masaya parin si Eugene dahil noon lang daw niya narinig ulit na ganoong kasaya ang anak niya.

Sinabi ni Andrew kay Ysay na may alam siyang isang gallery kung saan nag-exhibit si Moonlight. Pupunta sila sa Maynila ni Andrew para magpunta doon. Problemado si Trining dahil baka malaman ni Ysay ang tungkol sa tunay na ama nito. Kinakausap niya ang picture ni Rosario. Sinabi daw kasi ni Rosario na huwag ipaalam kay Ysay na masamang tao ang tunay nitong ama, pero paano daw ngayon, paano kung makilala siya ni Ysay. Narinig siyang nagsasalita Reno, sinabi ni Trining na tumutula lang siya.

Ayaw sumama ni Trining sa Maynila. Si Reno naman ang gustong sumama para daw madalaw niya ang tatay niya sa Munti. Ayaw siyang pasamahin ni Ysay dahil raw walang kasama si Trining pero isinama siya ni Andrew. (Ysay naman, dadalawin lang noong bata iyong tatay niya…🙄 )

Dinalhan ng grocery ni Lima si Lupe at nagyakap sila. Sinabi ni Lima na noong buhay pa si Andrew galit na galit si Victoria pero kapag umuuwi ito sa bahay hindi ito magkanda-ugaga sa pagaasikaso, ibig sabihin daw marunong magpatawad si Victoria. Sinabi ni Lupe na siya ang nagalupit kay Victoria. Itinanong ni Lima kung mahal ni Lupe ang mommy niya, ang sabi nama ni Lupe mahirap daw mahalin ang anak na bunga ng pagkakamali, pero ngayon daw na matanda na siya at mukhang mamamatay ng mag-isa , nasa huli daw ang pagsisisi. Kung ganon naman daw wala namang mawawala sa kanya kung hihingi ulit ito ng tawad kay Victoria.

Habang naglalakad si Mito sa tabing dagat, nakita niyang naglalaro sa tubig sina Chad at Venice.

Pagkatapos ng meeting ng staff ni Lima, nalaman niyang may lakad sina Jordan at ang sexytary ni Lima. Nagpaalam kasi si Jordan kung may ipapagawa pa raw ba si Lima sa kanya. Sinabi ni Lima na kailangan pa nilang ipolish iyong project na ginagawa nila (Mabait siya kay Jordan ngayon, ah). Kung pwede sana raw na bukas na lang gawin ni Jordan dahil may natanguan na siyang lakad. Kaya na-shock ang beauty ni Lima noong nakita niyang pinuntahan ng secretary niya si Jordan.

Nalaman nina Ysay at Andrew na hindi pa nakita ng personal ng may-ari ng gallery (iyong gumanap na Gloria sa May Minamahal), si Rene Ilagan lang daw ang nagdadala ng paintings nito sa gallery. Napakaromantic daw ni Moonlight kasi ang asawa lang niya ang ipinipinta niya. Nabigla si Ysay at sinabing hindi pintor ang tatay niya kung hindi isang stuntman. Ibinigay ng may-ari ng gallery ang address ni Rene.

Umalis si Trining at nagpunta sa isang barrio para magtanung-tanong ng impormasyon tungkol kay Rosario San Jose.

Apat na oras pa ang biyahe papunta sa lugar nina Rene Ilagan. Baka raw gusto daw munang mag-check-in ni Ysay. Ayaw niya, so sabi ni Andrew bahala na raw kung saan sila abutin.

Ayon sa mga kakilala ni Rosario, Nanding ang pangalan ng asawa(?) niya. Iniwan nito si Rosario pero buntis na ito ng umalis siya kaya itinakwil siya ni Kakang Juan (?). May picture daw si Rosario at nanding sa binyag ng isa sa mga anak ng mga kausap ni Trining.

Sinabi in Ysayna ang aga kasing kinuha sa kanya ng ina niya kaya nga parang andami pa rin niyang gustong malaman sa ina. Maswerte daw ang may mga magulang pa, kagaya daw niya (Albert). Tama na raw ang drama, mag-joke na lang daw siya. Nag-knock-knock joke ito pero hindi natawa si Ysay. Mas nakakatuwa daw dati kasi ang mga jokes niya, kagay ng “Ano ang ulam na high tech?” Hindi alam ni Albert ang sagot. Nag-flashback kay Ysay noong tinanog sa kanya ito ni Andrew. “FAXsiw” ang answer.

Tinitigan niya si “Andrew… .”

8 Tugon to “Ysabella, Episode 55”

  1. nawawala Says:

    sana sa “your song” na lang ulet ang mga scenes nila mito at angelica. kakainis. istorbo lang sa ysay at albert scenes. buti pa si alex, medyo ok pa. eh yung kay mito, walang kwenta. pilit na pilit. halatang singit lang sila. hmp.

    si Lima naman parang nakakasawa na yung mukha. kala mo aping-api. parang kristine hermosa. bwehehhehe.

  2. ptvj Says:

    baka sponsor din nila iyong resort, hehehe.

    dapat ibahin nila ang hair do ni lima, e maganda pang buhok ni ryan agoncillo sa kanya😆

  3. mimi Says:

    ilang linggo na bang nakacheck-in sina mito at venice? mwahahaha

  4. jane crispe Says:

    Ang hinihintay namin dito sa LA ay kung kailan magkikita uli si Ysay at Mito. Tapusin na sana yung episode nila ni Venice. Ano ba naman yang titulo na ‘yan na hindi makuha-kuha. Isa pa itong si Albert. I agree na acting vehicle ito para kay Ryan, playing a dual role. He has tremendously improved as an actor. Kaya lang sobrang gwapo at hot ni Derek as Chef Mito. Ang character pa niya love na love niya si Ysay. Hindi talaga kalimot-limot. Tapos ang karibal si Ryan. Ang layo ng personalities. Ewan ko pero nagiging dragging lately. Gusto sana namin yung may kilig factor. We are hoping for another soap with Juday and Derek, walang ka-triangle. Sorry, Ryan and Angelica.

  5. ptvj Says:

    hindi kapanipaniwala iyong story line nina venice at mito. siguro kapag tuluyan ng na-inlove si albert kay ysay doon lilitaw si mito.

  6. nawawala Says:

    ay, sinabi mo pa! ang ganda nga ng buhok ni ryan at panget kay lima… parang ewan! hehe…

  7. mhe Says:

    lilitaw si mito pag inlove na si ysay kay albert…..

  8. jenee Says:

    tanggalin na kasi si angelica! hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: