Pangarap na Bituin, Episode 05

by

Nakarating na sa bahay nina Alebrta si Terrence. Ipakilala siya ni Alberta kay Benedict at Jeffrey. Malamig na “Hi!” lang ang sinabi ni Jeffrey. Andami daw pala niyang mga kamag-anak bakit daw hindi nasabi ng tatay niya ang tungkol dito. Hindi na raw importante iyon sabi ni Benedict. Basta feel at home lang daw siya.

Dinala na ni Alberta si Terrence sa kwarto niya na may TV at punong-puno ng mga laruan at mga regalo.

Nakita ni Terrence ang picture nina Alex at Alberta noong binyag ni Terrence. Siya rin pala kasi ang ninang niya. (Baka nanay talaga niya si Alberta at inalagaan lang ni Alex si Terrence, no? Or baka naman hindi talaga sila magkapatid? Hmn…)

Sinabi na ni Alberta ang mga rules ng bahay nila. Basta daw nagpapaalam bago umalis at magaral ng mabuti. Sa Ateneo siya papag-aralin ni Alberta. Bibigyan daw siya ng isang taon para mag-adjust, pero pagkatapos daw noon, dapat honour roll na siya. (Grabe naman to!) Bedtime at 9pm, walang gagala, TV, computer kapag school nights. Rules daw iyon para kay Jeffrey.

Bago umalis si Alberta sa kwarto, tinanong ni Terrence kung mahal nito ang daddy niya. Sinabi niyang close sila, kapag may problema ito sa kanya sa siya tumatakbo. Tinanong ni Terrence kung ano ang pinagtampuhan nila. Hindi sinabi ni Alberta kay Terrence kung bakit. Ngayong wala na raw si Alex, sa kanya na lang babawi si Alberta.

Sa hapag-kainan, tinanong ni Jeffrey kung bakit siya nakatira sa kanila. Sinabi ni Terrence na dahil daw iyon ang sabi ni Mother Rose at Alberta. Wala raw ba siyang mga magulang, tanong ni Jeffrey. Wala na raw sagot naman niya. Kaya raw ba kukunin niya ang mga parents niya? Sinabi ni Terrence na kung siya lang ang masusunod, sa bahay ampunan na lang siya kasama si Emerald.

Matamlay si Emerald at ayaw niyang makipaglaro sa mga bata.

Tinanong ni Alberta, “How’s school?” pero tinalikuran lang siya ng malungkot na si Terrence.

Nagdarasal si Emerald, huwag daw sana pababayaan ang mga kaibigan at pamilya niya. Nakita siya ni Mother Rose at niyaya niya itong kumain. Magkakasakit daw siya, sabi ng madre. Kung magkakasakit daw siya, wala naman mag-aalala sa kanya. Hindi raw totoo iyan, sabi ni Mother Rose mahal daw nila si Emerald. Nagpa-sorry si Emerald sa madre at sinabi ni Mother Rose na hindi siya papayag na hindi siya kumain.

Tinawagan ni Terrence si Emerald. Masaya silang nagkumustahan. Balak ni Terrence na dalawin si Emerald, pero hindi siya pinayagan ni Alberta. He has to move on daw at kalimutan na niya ang nakaraan, hindi raw makakatulong iyon sa kanya, sa kanila. She has big plans daw for him. (Geez, he’s just a kid, give him a break!)

Isa pa raw sa mga rules nila ay huwag nilang kukuwestyunin ang mga rules nila ni Benedict.

Nakita ni Cocoy na malungkot si Emerald.

Samantalang si Berns, inaalagaan pa rin si Ruby.

Nasa ilalim ng unan ni Emerald ang medal na napanalunan nila ni Terrence at ang kotseng kuba na pinag-awayan nila noong una silang nagkita.

Tinawagan ni Mother Rose si Cocoy. Kailangan daw nilang mag-usap tungkol kay Emerald. Naabutan ni Cocoy si Emerald na umiiyak habang hawak-hawak ang laruan kotseng kuba. Hindi kasi nakarating si Terrence. Sinabi ni Cocoy na baka raw busy daw kasi sa school si Terrence.

Sinabi ni Cocoy na inampon na niya si Emerald. Tuwang-tuwang nagpabuhat si Emerald kay Cocoy…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: