Margarita, Episode 30

by

Tinanong ni Didith kung ano ang plano niya. Hahanapin niya raw si Robbie. Tapos na raw sa kanila ni Rodrigo ang lahat. Bigya naman daw niya ng isa pang pagkakataon, sabi ni Didith, baka nabigla lamang daw si Rodrigo. Isa lang daw ang ibig sabihin ng panghuhugsa ni Rodrigo sa kanya, hindi siya nito ganoon kamahal. Hindi raw niya siya kailangan, ang kailangan daw niya ay ang taong tatanggapin siya kung sino siya.

Sinabi ni Bernard kay Ramon na baka raw tama si Rodrigo na baka mas may mataas pa kay Scarface. Sinabi ni rin niya dito na nakita niya na ang bumaril sa kanila noong nakaraang gabi ay ang “doktor” na nakita niya noong dinala nila si Carding sa ospital. Nagalit si Ramon, bakit daw mas naniniwala pa siya kay Rodrigo kaysa sa kanya.

Habang nagpapractice si Robert ng speech niya, pinagtatawanan siya ni Paula/Gelly.

Nagsimulang mag-imbestiga ulit si Bernard sa pagkamatay ni Carding kahit sarado na ang imbestigasyon nito. Naghihinala siya na may kinalaman si Ramon sa nangyari.

Sabi ng informer ni Rodrigo na hindi na siya pwedeng bumalik sa firing range. Sinabi ni Rodrigo na alam na niyang kasabwat si Ramon sa mga ilegal na gawain. Lalapit daw siya sa pulis o kaya sa media. Kailangan daw niya ng matibay na ebidensiya sabi ng informer nito. May ibinigay na address sa Calamba si Velasquez, may mansion daw ito roon na nakapangalan sa tiyahin niya at doon niya itinatago ang mga pera niya. May mga tao daw na binibigyan niya ng maliit na halaga kapalit ng pagdedeposito nila sa pera on his behalf. Huwag na raw daw muna siyang bumalik sa kanila dahil siguradong hindi lang siya ang mapapahamak, pati ang mga mahal nito sa buhay. Sinabi ni Rodrigo na wala na siyang babalikan doon.

Pinaghahanap nina Margarita at Didith si Robbie. Hindi nila alam pinapanood sila ni Robbie habang naghahanap sila.

Kinakatok nina Didith at Margarita si Rodrigo. Nakumbinse kasi siya ni Didith na makipag-usap kay Rodrigo. Wala si Rodrigo pero bukas ang pintuan niya.

Nakarating na si Rodrigo sa mansion na sinasabi ng informer niya. Dumating si Ramon at kinumpirma niya na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Carding. Tinutukan siya ng baril ni Ramon (same gun that shot Carding). Dumating ang iba pang kasama ni Ramon at may mga dala rin silang mga baril. Ipinakilala pa ni Ramon kung sino ang “tumapos” sa tatay ni Rodrigo. Tinawag niya si Morgan, ang lalakeng nag-kunwaring doktor sa ospital noong naroroon si Carding.

Nakapanlaban si Rodrigo. Nakpagbarilan siya.

May natagpuang sulat si Didith mula kay Rodrigo para kay Margarita. Binasa ni Margarita ang sulat. Mula bata pa raw sila pinangarap na ni Rodrigo na makasal sila, magkaroon ng pamilya, at tumandang magkasama. Pero nasktan daw ito dahil sa natuklasan niya. Pero sira na raw ang mga pangarap niya. Hindi raw niya alam kung saan siya pupunta.

Habang binabasa ni Margarita ang sulat: Nahabol nina Ramon at Morgan si Rodrigo. Nasa ilog ang mga ito at nabaril niya si Morgan, nagkabarilan sila ni Ramon.

Ayon pa sa sulat, sinabi ni Rodrigo na totoo ang sinabi niya kay Margarita…na ayaw niyang makita pa ito. Nabitawan ni Margarita ang sulat…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: