Ysabella, Episode 54

by

Hindi na raw siya si Andrew dahil kahit minsan hindi minaliit ni Andrew ang pagkatao nila. Pinaalis nina Trining at Alex si “Andrew.”

Umiiyak si Andrew. (Isa pa `to, anong iniiyak-iyak niya…). Ayaw nagwala na siya sa sasakyan niya.

Hindi na raw sila babalik sa farm, sabi ni Trining. Tawagan daw ni Ysay si Mr. Flecther baka raw pwede pa niyang habulin ang offer sa kaniya.

Hindi maintindihan ni Ysay ang inasal ni Andrew. Nanghihinayang daw kasi siya kung sa ganoon lang matatapos ang pagkakaibigan nila. Hindi naman daw siya ang tumapos, sabi ni Alex, si “Andrew.”

Eksena na naman nin Mito at Venice. Ipinakilala ni Venice si Mito kay Chad. Sa sobrang pagmamadali ni Venice para pagselosin si Chad, nasubuan niya ng sili si Mito. Napiga ni Mito ang kamay niya, nasaktan si Venice, hinawakan ni Mito ang kamay niya. (Nabobore ako sa dalawang ito.)

Nagrereminisce naman si Lupe, medal yata ni Victoria ang tinitignan niya habang. SI Victoria naman umiinom ng wine habang umiiyak.

Flashback: Naglalako si Victoria noong bata pa siya, kinuha ni Lupe ang dapat sana ay pambili niya ng gamit sa school para ipang-inom. Hindi raw pwedeng mahalin ni Lupe si Victoria dahil sinira nito ang buhay niya. Lagi na lang sinasaktan ni Lupe si Victoria.

Back to present time…sinabi ni Victoria habang nag-iisa na hindi niya mapapatawad ang ina kahit kailan.

Namumulot ng shells sina Venice at Mito. Tinatanong ni Venice kung bakit napakaimportante sa kanya ng titulo…(Gaga, binili niya iyon mula sa tatay mo). Pareho lang daw sila ni Venice, sabi ni Mito. Si Venice raw ginagawa niya ang pagpapaselos para kay Chad, siya raw ginagawa niya para sa taong mahal niya.

Pumunta si Albert sa bahay ni Lupe. Nagpasalamat si Andrew sa lola niya for trying daw. Sumama na lang daw si Lupe sa kanya, mahirap daw ang nag-iisa. Hindi raw siya naging mabuting ina kay Victoria, pero kung may naituro man daw ito sa kanya, huwag matakot sa mga pagsubok sa buhay. Kaya lang daw minsan ang tapang nila, iyon ang kahinaan nila. Kaya dapat aminin na lang na mahina siya at minsan nagkakamali siya. Pag natanggap na niya sa sarili iyon, madarama niyang handa na siyang lumaban at kung matalo man siya handa na siya uling bumangon.

Pinuntahan ni Albert si Ysay. Nakita siya ni Trining at sinabi niya kay Albert na noong magsinungaling siya na isa siyang Amarillo, tinaggap pa rin nila ito kahit na andaming ginagawang masama ni Victoria sa kanila. Hindi nila ito idinamay sa galit nila sa ina dahil pamilya na raw ang turing nila sa kanya. Nalaman din ni Albert na hindi totoong binigyan lang ng 2 months extension si Ysay, wala na itong babalikan dahil sa kanya. At matagal na raw sana silang umasenso kung hindi ninakaw ng nanay ni “Andrew” ang recipe ng inasal na manok.

Lumabas na si Albert, hinabol siya ni Ysay. Nag-sorry si “Andrew,” pinatawad siya ni Ysay. Niyakap ni Ysay si Andrew. Nakita ito nina Trining at Alex at sinabi ni Alex sa ina na mukhang babalik sila sa farm.

Pintuloy ulit ni Ysay si Albert. Hindi na raw siya uulit, sabi ni Albert. Sumabay na sina Trining at Ysay pabalik sa farm.

Tinanong ni Albert si Ysay kung totoong wala na itong trabahong babalikan. Sinabi ni Ysay na ayaw rin niyang mawalay sa mga taong mahal niya at naniniwala pa rin siya na malalagpasan ni “Andrew” ang mga problemang kinakaharap nito. Albert mumbled something, sabi niya “Now I understand kung bakit minahal ka niya ng ganito…”

Narinig ni Ysay na may sinabi siya pero hindi niya narining kung ano iyon. Hindi naman sinabi ni Albert. Siempre.

Hindi makatulog si Venice, iniisip niya ang pinag-usapan nila ni Mito noong namumulot sila ng shells. Bakit daw walang nagsasabi sa kanya na hindi siya kayang iwan? Mukhang na-i-inlove na si Venice kay Mito.

Sinalubong ni Reno sina Trining, Ysay, at Albert. Iba na ang tingin ni Albert kay Ysay, by thew way…

Sa isip niya, sinabi ni Albert: “Andrew, bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?”

3 Tugon to “Ysabella, Episode 54”

  1. mhe Says:

    naku tiyak maiinlove na si albert…

  2. mhe Says:

    naalala ko sa previous ep sabi ni albert kay andrew “gago ka andrew dahil lang sa isang babae……..” salamat at naliwanagan na rin siya

  3. Alou Says:

    ha! I knew it! =) Just taking a break from ransacking my brain here in the office..Hay, I wish I have one Albert/ Ryan too..
    Thanks again for putting this episode..All smiles!=)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: