Pangarap na Bituin, Episode 04

by

Naiuwi na si Ruby ng mga mag-asawang umampon sa kanya. It turned out bakla para si Berns at best friend lang niya ang kasama niyang si Karen at aalis na ito patungong America. Gusto lang nitong magkaroon ng anak pero ayaw kasi siyang paampunin sa orphanage dahil bakla siya.

Kimberly daw ang ipapangalan nito sa anak niya.

Wala pa ring tigil sa pag-iyak si Emerald at kahit anong alo ang gawin ni Terrence sa kanya, hindi pa rin ito tumitigil.

Dumating mula sa airport sina Alberta (Cherry Pie Picache) at Benedict Tuazon (hindi ko alam name niya…is it John Arcilla?). It turned out kapatid pala ni Alberta si Alex, ang tatay ni Terrence. Hinanap niya si Terrence pero wala pa ring balita dito. Inutusan niya ang assistant niya na hanapin si Terrence.

Lights off na pero gising pa sina Terrence at Emerald at gusto nilang hanapin si Ruby.

Hindi alam ni Berns kung paano patahanin ang pag-iyak ni Ruby. So sumayaw na lang siya para dito.

Kausap ni Cocoy si Mother Rose at sinabing nawawala sina Emerald at Terrence. Nagka-idea si Cocoy kung nasaan sila, nasa tabing dagat nga sila. Pinaghahanap sila ni Cocoy at nakita niya ang smiley face na ginuhit ng dalawa sa dalampasigan. Nakita niyang nakatulog sa ilalim ng puno malapit doon ang dalawa. Masaya nilang niyakap si Cocoy noong nakita nila ito.

Napagalitan sina Emerald at Terrence kay Mother Rose dahil nag-alala sila sa pagkawala nila. Sinabi ni Mother Rose na mahal nila ito kaya sila nag-aalala sa kanya. Kung talagang mahal daw sila ng mga madre, hindi nila ipamimigay si Ruby. Binalingan niya si Cocoy at sinabing kung mahal niya sila hindi nila sila ipapamigay. Kaya niya hinahanap ang pamilya niya dahil walang nagmamahal sa kanya doon. Sinabi ni Terrence na hindi siya mahal niya si Emerald.

Sinabi na ni Cocoy ang totoo, na hindi na raw babalik ang pamlya nila dahil ilang buwan na rin ang nakakalipas at hindi pa sila nakikita.

Hindi pa rin mahanap si Terrence ng mga imbestigador na hinire nina Alberta. Nag-away pala sina Alex at Alberta noon, hindi man lang sila nagkabati bago ito namatay. Pera lang ba daw talaga ang pinag-awayan nila, o baka naman meron pa, tanong ni Benedict sa asawa. Sabi ni Alberta, wala daw…(Pero feeling ko meron siyang tinatago).

Spoiled brat ang anak nina Alberta at Benedict na si Jeffrey. Wala daw siyang kaibigan doon, bakit kailangan nilang lumipat doon para lang hanapin si Terrence. Inalis daw niya si Jeffery sa States dahil hindi raw maganda ang ugali ng mga bata doon, mga walang modo at hindi marunong rumespeto sa magulang🙄

Nagpapractice sina Terrence at Emerald para sa singing contest. Tuwang-tuwa namang nanonood sina Mother Rose at Cocoy.

Habang naghihintay sina Terrence at Emerald, pinapangarap nila kapag malaki na sila. Wala daw iwanan.

Si Terrence ang gitarista at si Emerald ang kumakanta. Kumanta rin si Terrence, by the way. (Ang ganda ng boses ng bata ito, ah…)

Nanalo sina Terrence at Emerald. Tuwang-tuwa si Cocoy na nakaupo sa audience.

Napanood ni Alberta ang performance nila. Nagpakilala siya kay Terrence, iuuwi na raw niya si Terrence. Sinabi ni Alex sa anak na wala na silang kamag-anak. Sinabi ni Alberta na nagkaroon lang sila ng hindi pagkakaintindihan ni Alex, kaya siguro sinabi nito sa anak na wala na silang pamilya. May dala siyang papeles na nagpapatunay na kamag-anak nga siya ni Terrence. Niyakap ng luhaang si Terrence si Mother Rose at sinabing ayaw niyang sumama. Sinabi ni Mother Rose na kailangang sumama ni Terrence.

Ayaw kausapin ni Emerald si Terrence. Sinabi ni Terrence na ayaw naman talaga niyang umalis doon. Huwag na raw siyang magalit, sabi ni Terrence. Ang sabi naman ni Emerald, alam naman niya na lahat ng tao umaalis. Okay lang daw kahit hindi siya bumisit doon. Umiyak si Emerald noong paalis na si Terrence. Niyakap siya ni Cocoy.

Noong nakasakay na si Terrence sa van, hinabol siya ni Emerald…

4 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 04”

  1. tinsters Says:

    episode 4 was more dramatic than episode 3 it almost made me cry the scene with terence asking if he could just stay coz he cant leave emerald alone.

  2. mousmous Says:

    i couldn’t agree less, this made me cry a lot😀

  3. MARA FROM CALIFORNIA, USA Says:

    HELLO! I LOVE WATCHING PANGARAP NA BITUIN. I NEVER MISSED AN EPISODE EVERSINCE IT STARTED.
    I NEVER LIKED ECHO BCUZ OF HEART BUT HIM WITH SARAH GERONIMO NOW, THEY LOOK SO CUTE TOGETHER. KAHIT NA NIREJECT NI TERRENCE SI EMERALD, I WAS HOPING PA RIN LATER E SILA PA RIN.
    BUT TODAY’S EPISODE, ON THE PREVIEW FOR MONDAY, I SAW HEART!!! WHAT THE HELL IS SHE DOING IN THERE? WHY DOES SHE HAVE TO BE IN THE SAME SOAP WHERE ECHO IS??? I DON’T UNDERSTAND THAT, THEY DON’T EVEN MAKE PEOPLE KILIG. SCREW HEART!!! PAMPASIRA. NAKAKAWALANG GANA NA TULOY MANOOD. HAYYY ABSCBN, TAKE HEART OUT OF THE SOAP!!!

  4. jane AZUL Says:

    hay naku…super ganDA talaga ang pangarap na BiTuin as in!wala ngang episode na hindi ko na miss,super ganda talaGa,naka2loka now nga excited na ko kung anong manGyayari kahit my ginagawa ako umaga palng un na laging kong iniisip kung ano susunod na mangya2ri,hayyyy…kaloka …sana na nga malaman na kung sino talaga ang totong sapphire…ka2tawa ako noh… super affected eh scripted lang naman..but i lOve watching PANGARAP NA BITUIN TALAGA….SANA NGA MAY PART 2 PA,KATULAD NG MAGING SINO KA MAN…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: