Natutulog ba Ang Diyos? Episode 35

by

Umalis si Mark noong nakita niyang naghahalikan sina Andrew at Gillian. Umalis si Andrew pagkatapos mag-sorry kay Gillian. Naiwan ang natulalang si Gillian.

Nakita ni Andrew si Mark, nalaman niyang hindi totoong sila ni Trish. Tinanong niya kung mahal ni Andrew si Gillian, oo ang sinagot nito. Silang dalawa na raw ba? Oo ulit ang sagot ni Andrew. Hindi raw niya ito ipinaglaban sa mommy niya kaya sa kanya na siya. Ingatan daw niya si Gillian, sabi ni Mark at umalis na ito.

Nagdarasal si Gillian. Kahit anong gawin daw niya laging may nasasaktan. Ano raw ba ang dapat niyang gawin? Hindi daw niya kaya bigyan ng direksiyon ang buhay niya. Siya na raw ang bahala sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay.

Ayan, kumanta na si Lani Misalucha…ipinakita na:

Hirap na hirap si Patria pero tinitiis niya ang sakit at ayaw niyang ipaalam sa pamilya niya.

2 years later na…

Magkasama pa ring nag-aaral sina Andrew at Gillian; at sina Mark at Trish.

Nasa labas ng iskwelahan si Patria at nagbabakasakaling makita niya sina Andrew at Gillian.

Magksundo sina Gillian at Andrew.

Si Mark, pakipot pa rin kay Trish.

1st honourable mention si Gillian. Si Andrew puro palakol ang mga grades.

Tinitignan ni Gillian ang picture ng pamilya niya.

Magkasundo na sina Boy at Patria, pero si Tina ganun pa rin.

Graduation nina Andrew at Gillian; at sina Trish at Mark. Masayang nagpapapicture sina Andrew, Rose, Gillian, at Mike (habang sinisilip ni Patria ang mga ito sa siwang ng gate nila); samantalang si Mark asiwa pa rin sa pagpapapicture kasama si Trish.

(So, nag-graduate pa lang sila ng highschool?)

Nag-aaral na sa pagna-nursing si Gillian. Sinabi ni Gillian na marami raw siyang pangarap sa buhay, tinanong ni Andrew kung kasama siya sa pangarap niya. Oo, daw.

(Awwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww!!!)

Tuwang-tuwang nagsisisigaw si Andrew. Hinalikan niya ulit si Gillian.

(Awwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww…ulit)

Babalik na raw sa Manila si Trish and then after 2 weeks, pupunta na siya sa States para doon na niya ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Gusto na raw niyang mag-move on dahil she waited long enough for him to love her. Sana raw pati siya mag-move on na dahil may sarili ng buhay si Gillian. Pinigilan ni Mark si Trish na umalis, sabay sabing kailangan niya ito.

Excited ang mag-asawang Rose at Mike sa European trip nila. Natutuwa naman si Andrew sa mga magulang niya.

Nagpa-check up si Patria. May lupus ito at may komplikasyon na at tinamaan na ang kidneys nito. Kailangan niyang magpa-dialysis sa lalong madaling panahon.

Hindi pa pala alam nina Rose at Mike na sina Andrew at Gillian. Kaya nagalit siya noong bigla na lang siyang hinalikan ni Andrew sabay abot ng toblerone sa kanya habang naglilinis ito. So what raw kung alam na nila? Gusto ng sabihin ni Andrew sa mga magulang pero hindi pa raw handa si Gillian.

Ayaw munang ipagsabi ni Patria sa mga anak ang karamdaman niya. Gagawa daw ng paraan si Bernardo, hindi raw siya papayag na mawala ito sa kanya.

Nakiusap si Bernardo sa amo na pahiramin siya ng pera. Ayaw siyang pahiramin dahil malaking halaga ang hinihiram niya. Ninakaw ni Bernardo ang pouch (na lalagyan ng pera?) ng amo, hinabol siya at pinagbubugbog ng mga kasamahan niya sa trabaho.

Ibinili ni Boy si Patria ng bagong damit. Sabi ni Tina, mukha raw pamburol. Umiyak si Patria.

Pinuntahan ni Bernardo ang isa sa mga kaibigan niya. Mukhang magnanakaw sila ng isang bangko sa Cavite.

Nag-aalala na si Boy kay Patria. Gusto na niyang ipa-check up, pero ang sabi ni Tina madaling magpacheck up pero ang problema naman iyong resulta.

Inabangan ni Bernardo si Mike sa gate. Sinabi nito ang kailangan pero hindi siya tinulungan ni Mike dahil ayaw na niyang magulo ang pamilya niya. Umalis na si Mike. Palabas naman ang kotse ni Andrew. Manggugulo na naman raw ba siya, tanong ni Andrew. Sinabi nito na malubha ang sakit ni Patria. Wala raw siyang mapapala, sabi ni Andrew.

Sinabi ni Bernardo na matagal ng tinitiis ni Patria ang sakit, at hindi siya nagreklamo. Sinabi ni Andrew na karma lang iyon.

Sinuntok ni Bernardo si Andrew at sinabi niyang taong nilalapastangan niya ay ang tunay niyang ina…

OMG!!!

2 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 35”

  1. nawawala Says:

    sa lahat ng episodes na mamimiss ko, ITO PA!!! grrrr.. bad trip!!!!!! kainis!

  2. ptvj Says:

    email mo ako: pinoytvjunkie[at]yahoo[dot]ca may “alternative sources” ako sa mga namiss na episodes😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: