Margarita, Episode 29

by

Nakita ni Margarita si Rodrigo. Nagpunta ito sa stage at hinila si Margarita papalabas ng club. Isinakay niya ng taxi si Margarita

Sinabi ng kasama ni Bernard na mulhang tinamaan ito kay Margarita. Para daw hindi siya ordinaryong bar girl, parang may kakaiba sa kanya. May strength of character, kita naman daw nito kung paano niya binara si Guttierez.

Dinala ni Rodrigo si Margarita sa isang motel(?).

May humarang kina Bernard. Nagbarilan sila.

Pauli-ulit na tinatanong ni Rodrigo kung bakit ito nagawa ni Margarita. Sinaktan niya si Margarita. Ayaw maniwala ni Rodrigo na nagsasayaw lang siya at hindi totoo ang sinasabi ni Ronald na naikama niya si Margarita. Ginagawa lang daw niya ito para sa mga kapatid niya. Pakiramdam da ni Rodrigo ginagago siya ni Margarita. Hinagis niya ang mga pera kay Margarita.

Nag-report si Bernard kay Ramon. Sinabi ni Bernard na sigurado daw siyang may mole sa presinto nila dahil wala namang ibang nakakaalam

Tinatanong ni Rodrigo kung virgin pa si Margarita. Sinabi ni Margarita na hindi na (dahil nga na-rape siya), pero hindi niya sinabi ito kay Rodrigo. Kaya daw siguro iniwan siya nito dahil wala siyang perang pambayad sa kanya. Lumaban na si Margarita, mukhang i-re-rape siya ni Rodrigo pero natigilan siya. Sinabi ni Margarita na hindi na niya kailangang gawin iyon. Nag-agree naman si Rodrigo at sinabing hindi nga raw niya kailangang gawin iyon dahil nandidiri siya sa kanya. Ayaw na raw niyang makita ito. Iniwan siya ni Rodrigo.

Nagpalakad-lakad sa daan si Margarita. Nakita siya ni Bernard at isinakay na niya ito. Ayaw ni Margarita, kaya isinakay lang niya ito ng taxi. Isinuot pa niya kay Margarita ang jacket niya. Nagpasalamat si Margarita.

Pag-uwi niya (sinong nagbayad ng taxi), nakasunod sa kanya si Bernard. Noong nakapasok na ito sa bahay, umalis na si Bernard. Nandoon si Didith, at doon niya nalaman na naglayas si Robbie.

Hindi makatulog si Bernard. Naaalala na niya kung saan niya nakita ang lalaking nagtangkang bumaril sa kanila. Iyong “doktor” sa ospital noong dinala nila ni Rodrigo si Carding doon.

Nagpapalakad-lakad si Robbie sa kalye habang naalala niya ang ang ate niya.

May sumusunod kay Rodrigo…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: