Ysabella, Episode 53

by

Sinabi ni Ysay na si “Andrew” naman ang may kasalanan. Dumating si Albert at hinila niya siYsay. Naglitanya na si Albert tungkol mga nagawa na niyang mga trabaho at may pinakita pa siyang pie chart tungkol sa kailangan nilang makuhang pera, etc. etc. Naninibago sina at Ysay at Trining sa inaasal ni “Andrew.” Kung magalit daw kasi English na.

Dapat daw singilin na lang ni Ysay si Victoria doon sa recipe ng inasal na manok niya, suggestion ni Trining.

Tignan lang daw niya kung mapagyayabangan siya ni Ysay, sabi ni Albert kay Burdoy. Bakit daw ba pagdating kay Ysay, agad siyang naapektuhan, hindi naman daw siya ganoon sa ibang tao, sabi ni Burdoy. Dahil daw alam niya kung anong klaseng tao si Ysay at alam niya ang pinagdaanang hirap ni Andrew sa kanya, sagot ni Albert.

Nag-doorbell si Lupe sa gate nina Victoria.

Nagbebake ng cake sina Victoria at Lima. Sinabi ng katulong na may bisita sila. Hinarap ni Lima

si Lupe. Niyakap siya ni Lupe at sinabing “apo” habang umiiyak siya. Hindi raw siya kilala ni Lima. DUmating si Victoria at hindi niya pinansin si Lupe, niyaya niya si Lima na kainin na nila ang cake. Pero noong tinawag siyang anak ni Lupe, natigil si Victoria. Pinalayas siya ni Victoria. Naroon daw si Lupe para tumulong, ang sabi niya. Nagwala na naman si Victoria. Kailangan daw na mag-usap sila, sabi ni Lupe. Pero pinaalis lang niya ito. Hindi na raw niya ito ina, sabi ni Victoria. Umiiyak na

umalis si Lupe.

Tinawagan ni Lima si Albert para sabihin na ayaw tumigil sa pag-iyak si Victoria dahil sa pagdating ni Lupe. Sinabi ni Albert na tawagan ni Lima ang doctor ni Victoria, uuwi na rin daw siya. Sinabi ni Lima na binigyan ng pampakalma si Victoria ng doktor niya, at hinabilin niya sa mga guards na pag bumalik si Lupe, huwag na muna siyang papasukin. Sinabi ni Andrew na pag bumalik daw siya, tell them to call him right away. Hindi maintindihan ni Lima kung bakit.

Pero sinabi ni Albert na pumunta na lang daw siya sa kwarto niya. (Geez, Albert, she’s not five🙄 ). Pinuntahan ni Albert ang umiiyak pa ring si Victoria. Niyakap niya ito at nag-sorry sa ina.

Tinawagan ni Burdoy si Albert para sabihing umalis sina Ysay at lumuwas sila ng Maynila para sorpresahin siya (for what?). Hinabilin niya sa mga katulong na kapag may nagtanong kay Andrew, sabihin nila, wala siya. Nalito ang mga katulong pero sinabi ni Albert na gawin na lang daw nila ang sinabi niya.

Ginising in Tere si Alex para ibalitang siya ang kakanta sa commercial.

Nagkukunwari pa ring mag-bf sina Venice at Mito.

Masayang naghihintay sina Trining at Ysay at inaalala nila si Perry dahil masaya ito kapag sumasali si Alex sa mga singing contest. Nalaman ni Alex na commercial ng victoria’s Chicken ang kakantahin niya. Malungkot na pinuntahan ni Alex sina Trining at Ysay. Sinabi niya na Victoria’s Chicken ang gagawin niya kaya hindi niya tinanggap. Tama raw ang ginawa niya sabi ni Trining. Nakita sila ni Lima pero hindi sila nakita nito.

Tinawagan ni Lima si Albert para sabihing nakita niya sina Ysay. Umiiyak na nagpunta sa opisina niya si Lima at uminom ng wine. Nakita siya ni Jordan pero pinaalis lang siya ni Lima.

Anong iniiyak-iyak ng batang ito?

Nakikipagchat si Mito doon sa kasosyo(?) niya sa restaurant pero lagi siyang iniistorbo ni Venice.

Nalulungkot si Alex dahil ang tagal na niyang pinangarap ang pagiging singer tapos iyon pa ang nangyari sa kanya.

Galit na galit na kumatok si Albert sa pintuan. Pasigaw na sinabi niya na si Ysay ang may kasalanan ng lahat lahat wala kasi itong pakialam. Wala daw kasi itong alam kaya ganyan ang buhay nila.

Sinampal ni Andrew si Ysay at sinabi niyang hindi siya si Andrew, sino daw siya…

5 Tugon to “Ysabella, Episode 53”

  1. CAG Says:

    Ano nga ba ang iniiyak ni Lima after seeing Ysay and company at the advertising office? Minsan, walang continuity itong mga scenes. Could she have heard what they were saying about Victoria and felt hurt?

  2. ptvj Says:

    ewan ko ba, naiisip ko kanina, “why the hell is she crying?”

    ang naisip ko naman is it because hindi niya tinanggap iyong mga suggestions ng staff niya on the previous episodes noong pinapakinggan nila iyong mga recordings ng mga singers. pagkatapos iyong pinili niya, nag-back out pa?

  3. jenee Says:

    lolz. actually pampasira lang yang si lima, si jordan, at si venice.

  4. Hans Says:

    girl…..I’m really glad to catch up with the episodes:)
    thank you……wag kang magsasawa:) God Bless:)

  5. Mums Says:

    Ma- iinlove din si Albert kay Ysay. Kasi si Victoria lang and kontrabida dito.
    Sila Mito, Venice walang sense ang kwento. Si Lima and Jordan pandag-dag lang din.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: