Pangarap na Bituin, Episode 03

by

Narinig ng nurse ni Alex na binanggit niya ang pangalan ni Terrence habang nasa TV ang mga batang napahiwalay sa mga magulang nila.

Pagdating nina Cocoy at Terrence sa ospital, patay na si Alex.

Ipinabantay ni Cocoy sina Emerald at Ruby sa kapitbahay nila. Binigyan din niya ng pera si Cocoy bilang tulong sa mga bata. Kahit na ayaw niyang tanggapin, kinuha na rin ni Cocoy ang pera dahil wala siyang pera. Sinabi ng nagbantay kay Ruby na kung nahihirapan na si Cocoy, may malapit na ampunan sa kanila. Baka mas makabubuti ito sa lahat kung dadalhin nila ang mga bata doon.

Noong nalaman ni Emerald na patay na ang daddy ni Cocoy, naisip niya na baka patay na rin ang mga magulang niya at ang ate niya.

Dinala ni Cocoy sina Ruby, Emerald, at Terrence sa tabing dagat para sumaya naman sila. Malungkot pa rin sila kaya sinabi ni Cocoy na ilabas nila, huwag nilang kimkimin, kaya ayan sumigaw sila sa tabing dagat. Eventually, naglaro na rin sila doon.

Pag-uwi nila kumain sila ng mami with itlog.

Nagpapasiklaban sina Terrence at Emerald sa mga shells na nakita nila. Gusto ni Emerald ang shell na nakuha ni Terrence pero ayaw nitong ibigay.

Nakatanggap ng tawag si Cocoy mula sa kasama niya sa trabaho at sinabing okay na raw sa amo nila, pwede na niyang dalhin sa bahay ampunan ang mga bata.

Kausap ni Cocoy si Mother Superior (Nanette Inventor) at sinabi niyang wala siyang alam sa pagpapalaki ng bata at wala naman kasi talaga siyang kinikita sa pagiging isang musikero. Tinanong ng madre kung iyon daw ba ang dahilan o ang kanyan nakaraan? Noon daw kasing siya lang mag-isa hindi siya nag-aalala na wala siyang makain o hindi siya makapagbayad ng renta. Paano raw kung magkasakit pa ulit si Ruby? Mas mabuti na raw na nasa ampunan sila. Tutal malapit naman ang tirahan niya at pwede niyang dalawin ang mga ito.

Noong paalis na si Cocoy, hinabol siya ng mga bata at sinabing “Aalis na ba tayo?” Doon lang niya sinabing doon na sila titira.

Mas maganda daw doon dahil may mga kalaro sila doon at mga teachers na magtuturo sa kanila.

Sinabi niya na hindi na niya sila kayang alagaan. Dadalawin naman daw niya sila kaya magkikita pa sila.

Niyakap niya at hinalikan sina Terrence, Emerald, at Ruby. Luhaan silang nagkahiwalay.

Pag-uwi ni Cocoy nakita niya ang mga shells na kinuha nin Emerald noong nagpunta sila sa dagat, napangiti siya. Naiyak naman siya noong nakita niya ang relo na ibinigay ni Emerald.

Kinantahan ni Emerald si Ruby habang hinahawakan ang tenga. Kinakanta niya ang kanta na ginawa ng nanay nila.

Dinalaw ni Cocoy ang mga dati niyang alaga. Dala-dala nito ang bag ng nanay nina Emerald narecover niya mula sa disaster site.

Noong nagtataguan sina Emeral, Terrence, at Ruby, may nadiscover silang storage roo. “Naiisip mo ba ang naiisip ko?” ang tanong ni Emerald kay Terrence.

(Hindi ko naiisp anf naiisip nila)

May gig daw si Cocoy, tumtugtog siya sa banda.

Habang naglalaro sina Emerald, may dumating na mag-asawa sina Bernard at Karen. Nakita nila sina Ruby at mukhang gusto nilang ampunin ang isa sa kanila.

Sinabi ng ni “Mother” na may gustong mag-ampon kay Ruby. Ayaw ni Emerald pero sinabi ng madre na mas mapapabuti ang buhay ni Ruby sa mga gustong umampon sa kanya.

Natuloy ng ampunin si Ruby. (Kung hindi lang tinawag ni Terrence si Emerald, hindi pa nito alam na aalis na ang kapatid niya).

Iyak ng iyak si Emerald habang kasama si Terrence…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: