Natutulog ba Ang Diyos? Episode 34

by

Masayang sinalubong ni Mark sina Andrew at Gillian. Tahimik lang si Gillian. Dumaring si Emma, at masayang niyakap siya ni Andrew. (Uyyy, you cut the tension with a knife.)

Hindi makatulog si Mike, tinitignan niya ang natutulog na si Rose. Hindi rin pala natutulog si Rose, nagkukunwari lang ito.

Nanonood ng Margarita sina Gillian, Andrew, Mike, at Trish. Biglang inalis ni Emma ang pinapanood nila at pinalitan niya ito. Pinapanood niya sa kanila ang video ng commercial nina Trish at Mark. Pagkatapos noon pinatulog na niya ang mga ito dahil mamamasyal pa sila kinabukasan. Share daw ng room sina Andrew at Mark, si Trish sa guest room, si Gillian, maglalatag na lang daw sa living room.

Noong nagtatapon ng basura si Gillian, sinundan siya ni Emma. Buti lang daw naroroon siya dahil busy si Inday. Sinabi ni Emma sa kanya na sina Trish at Mark na. Three months na daw sila. Inexcuse ni Gillian ang sarili niya.

Tinabihan ni Andrew si Gillian sa living room. Doon na rin siya natulog para daw may kasama siya. Awwwww…

Nakita sila ni Mark.

Binibilang nina Bernardo at Patria ang mga kinita nila. Dumating si Tina at tinanong siya ni Patria kung saan siya nanggaling. Pabalang siyang sinagot ng anak, at akmang sasaktan niya ito pero sinabi ni Tina hindi wala ng epek sa kanya iyon at hindi siya kasingbait ni Gillian.

Pauwi na sina Gillian at Andrew. Sinabi ni Mark kay Gillian na pupunta siya sa Manila sa Sabado, magpaalam daw siya at mag-mo-mall sila. Umalis na rin si Emma papunta sa trabaho. Naiwan na naman sina Trish at Mark alone.

In-love raw siya kay Gillian, right? Tanong ni Trish. Para daw nagbago na ang tingin ni Gillian kay Mark. Sinabi ni Trish na siguro dahil sinabi ni Emma kay Gillian na 3 months ng mag-on sina Mark at Trish.

Habang nagpapalit ng gulong ang driver nina Andrew, naghihintay sila ni Gillian sa labas. Tinanong ni Andrew kung mahal ba ni Gillian si Mark. Hindi siya sinagot ni Gillian, instead sinabi niya na may syota na si Mark.

Tinanong ni Mark sa ina kung bakit sinabi niya kay Gillian na sila na ni Trish. Si Gillian daw ang gusto niya at hindi si Trish. Ano raw ba ang pinakain ng atsay na iyon sa kanya. Bakit daw sa tingin ni Emma iniwan siya ng daddy niya at ipinagpalit sa secretary niya. Tingin daw kasi ni Emma perfect siya.

Masayang kausap ni Rose sa telepono ang old classmate niya. Pag-upo ni Rose sa hapag kainan, padabog na tumayo si Mike. Nagtalo na naman silang dalawa. Kung ayaw na raw ni Rose, sabihin niya, hindi itong ganito sila. Paano raw kung sabihin niyang ayaw na niya, tanong ni Rose. Wala daw siyang magagawa, sabi ni Mike.

Nag-empake si Rose. Nag-sorry si Mike. Hindi raw niya sinasadya. Umiiyak ito na sinabing wala siyang kasalanan sa kanya at mahal niya ito. Don’t leave him daw. I’m sorry din daw sabi ni Rose. Nagyakap sila.

Kinukulit pa rin ni Andrew si Gillian kung mahal niya si Mark. Bakit daw ba? Kung mahal daw iya si Mark, hindi na raw muna niya ito mamahalin.

Hinalikan ni Andrew si Gillian…for 30+ seconds.

OMG! So kilig!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: