Margarita, Episode 28

by

Tinanong ni Robbie sa kaibigan kung ipinagsabi niya ang tungkol sa totoong trabaho ni Margarita. Hindi naman niya ipinagsabi, pero tinawag niyang pokpok si Margarita.

May meeting ang mga kapartida ni Robert sa bahay nila. Nag-agree si Robert sa isang debate between him at ang kalaban niya. Hindi agree si Jessica dahil abogado ang kadebate niya. Pero pumayag rin siya.

Narinig ni Rodrigo na pinagtsitsimisan si Margarita ng mga kapitbahay nila. Sinabi daw ni Ronald na “nakuha” na niya si Margarita.

Pag-uwi ni Robbie at Gabby, malamig pa rin ang pakikutungo ni Robbie sa kanya. Tinanong ni Margarita kung ano ang problema. Sinabi niya na totoo ang sinasabi nila na pokpok ang ate niya.

Sinabi niya na nandoon siya kagabi sa club at nakita niyang sumasayaw si Margarita. Tinawag siyang pokpok ni Robbie, kaya sinampal niya ang kapatid. Ginawa lang daw niya iyon para sa kanila iyon para hindi niya mapagdaanan ang mga pinagdaanan niya. Kung doon din raw galing ang mga pagpapa-aral niya sa kanila, di bale na lang daw sabi ni Robbie. Umakyat si Robbie, at naiwan ang nabiglang si Gabby.

Nagkulong si Robbie sa kwarto. Sinabi ni Gabby na siya na lang ang kakausap sa kapatid. Naiintindihan daw niya kung bakit ginawa ni Margarita ang trabaho niya. Sinabi ni Margarita na konting panahon na lang daw.

Umiiyak na sinabi ni Margarita kay Didith ang nangyari sa bahay. Sinabi ni Didith na lilipas din ang galit ni Robbie, nabigla lang ito. Iyon din daw ba ang magiging reaction ni Rodrigo kapag nalaman niya ang totoo niyang trabaho?

Sinundan ni Rodrigo sina Leslie at Ronald. Noong pauwi na si Ronald, pinagsusuntok niya si Ronald dahil daw sa mga pinagkakalat niya tungkol kay Margarita. Pokpok din daw siya sa Japan, baka nga raw bago siya umalis pokpok na rn iyon. Mas lalong nagalit si ROdrigo at pinagsusuntok niya si Ronald hanggang sa nawalan siya ng malay. Ginamit ni Rodrigo ang cellphone niya para tumawag ng ambulansiya.

Nagpunta si Bernard sa club na sinasayawan ni Margarita dahil paboritong tambayan ito ni Guttierez. Nakita ni Bernard is Margarita.

Nag-eempake si Robbie, aalis daw siya. Kahit anong pigil ni Gabby, ayaw papigil ni Robbie.

Nakamasid si Bernard habang binobola si Margarita ng isang lalake. Inooffer niya ito ng kotse, isang gabi lang daw, sabi nito. Noong paalis na si Margarita, humingi ito ng kiss, sampal ang inabot niya.

Natawa si Bernard sa nangyari.

Umalis na ang sinusundan nila, kaya kinailangan na ring umalis nina Bernard.

Pag-alis nina Bernard, siya namang pagdating ni Rodrigo sa club. Sumasayaw si Margarita (she looks so sexy, ha)…nakita niya si Rodrigo…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: