Ysabella, Episode 52

by

Hindi alam ni Albert kung nasaan na si Ysay.

Iyon palang nakabangga ni Ysay, kilala siya at si “Andrew.” Dito niya inilabas ang inis niya kay “Andrew.” E nag-iinuman ang mga ito, kaya pina-inom na rin nila si Ysay ng lambanog.

Hinahanap pa rin ni Albert si Ysay. Ginamit niya ang jeep (bakit biglang umandar iyon?), para hanapin si Ysay. Nakita niya ito na nakikipag-inuman. Nalasing si Ysay at nawalan ng malay.

Habang nagmamaneho ito pauwi, pinaagalitan niya ang walang malay na si Ysay. Paano raw kung may nangyaring masama sa kanya doon, kung na-rape siya? (Uy, concern siya) Nagsuka si Ysay sa tabi niya.

Binuhat niya si Ysay at sinalubong sila ni Trining sa pinto. Akala ni Trining kung ano na ang nangyari kay Ysay. Gumawa ng kape si Trining, binuhat naman ni Albert si Ysay at dinala niya ito sa banyo para buhusan ng malamig na tubig mula sa shower.

Sinabi ni Albert kay Burdoy na napurnada ang plano niya. Sinabi ni Burdoy na hindi kilala ng mga pinagtanungan niya si Butchik. Palagay daw niya hindi taga-doon iyon. Di na raw bale, sabi ni Albert because “that girl is so easy.”

Nagising si Venice na may nakahandang breakfast courtesy of Mito. Akala niya may nangyari sa kanila ni Mito. Ipinaliwanag naman ni Mito na nag-pass out siya at binuhat siya nito. Kumain sila together and for the first time, they had a decent conversation. Biniro siya ni Venice, at sinabi niyang “ikaw ha, nadevelop ka sa akin, no?” Akala ni Mito off the hook na siya. Pero sinabi ni Venice na hindi pa tapos ang deal nila. Umalis na si Mito.

May hang-over naman si Ysay. Ipinaghanda siya ng kape ni Trining. Ikinuwento ni Ysay ang nangyari sa kanya noong nakaraang gabi. Noong nakasakay nila ang mga tauhan ni “Andrew,” at pinanood ng Misis nito ang show nila ni Mito, na nasiraan sila ng sasakyan ni “Andrew” kagaya ni Mito. Baka raw kailangang harapin ni Ysay ang totoo, sabi ni Trining. Sinabi ni Ysay na burado na si Mito sa kanya, twice.

Nagmumunimuni naman si Mito sa balcony. Sana raw may babalikan pa siya (si Ysay). Pumasok ito sa kwarto niya, at naligo. Nag-over the balcony naman si Venice at nakita niya ang nakahubad na si Mito. Tawa ito ng tawa, hindi bale raw pantay na sila dahil nakita na rin naman ni Mito si Venice. Okay lang daw iyan, now she knows his shortcomings. Pag-alis ni Venice, napatingin si Mito down there…

(Hindi ako naniniwala na may “shortcoming” si Mito😆 )

Sinabi ng katulong ni Albert na may nagbigay ng palaka sa kanya at hindi niya alam lutuin. Naalala ni Ysay noong pinagluto siya ni Mito ng palaka.

Ayan, gumawa na ng commercial ng Maggi Magic Sarap si Juday niluto na ni Ysay ang mga palaka.

Pagkatapos niyang magluto, pumasok si Albert. Humingi ito ng sorry kay Ysay. Sinisi ni Ysay si Albert at sinabing dahil sa galit niya kay “Andrew,” uminom ito. Nag-sorry si Albert at may dala pa itong bulaklak. Bati na sila.

Tinikman ni Albert ang luto ni Ysay. Hindi niya alam, palaka ang kinain niya. Natigilan si Albert. Pero kinain pa rin niya.

Nasa beach sina Mito at Venice. Nagpe-pechur-pechur pa sila. Mukhang nagseselos naman ang pinag-seselos nila. (Sus, mukhang totoy na totoy naman ang ex-boyfriend niya no).

Samantalang sa meeting nina Lima, naghahanap sila ng kakanta sa isang ad(?). Ipinatugtog nila ang recording ng kumakantang si Alex, at iyong ang napili ni Lima.

Tinanong ni Jordan kung iyon raw ba ang desisyon niya baka raw nagpapadala lang siya sa ibang tao. Ganun naman talaga iyon, sabi ni Lima, dapat hinahanap nila ay iyong kakanta para madala ang emotion ng mga audience. Sinabi na rin niya na, siya ang nakipag-break kaya wala siyang nararamdaman towards Jordan.

Niyaya ni Albert sina Ysay at Trining na mamasyal sa isang ilog. Ayaw ni Ysay dahil gusto na nitong ayusin na nila ang mga dapat nilang asikasuhin sa farm. Nagtalo sila dahil bakit raw alam pa niya kay “Andrew” kung paano magpatakbo ng business and then he started throwing business terms to Ysay at nag walk out siya.

Nag-vent out siya kay Burdoy. Sinabi nitong nag-aral siya in the best schools in the world tapos minamaliit siya ni Ysay. (Gago, ikaw ang nagmaka-aawa doon sa taong tulungan ka.) Sinabi ni Burdoy na baka raw talagang nagpatalo ito kay Ysay…binawi ni Burdoy ang sinabi niya noong nakita nito ang expression ni Albert.

Ipapakita raw niya kay Ysay kung sino si Albert Amarillo…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 52”

  1. Alou Says:

    OOHh my God! You have this?!! I don’t how to thank you..:-) I’m a fan of Juday and now Juday-Ryan and so love Ysabella. But then my shift is back into nightshift so hndi ko na siya napapanood pero nung makita ko tong site na to..hahahah! All smiles..Please,please continue this..Thanks ever so much!

  2. ptvj Says:

    no problem =)

    in case you’re interested may iba akong mga “sources” sa ibang mga sites, in case gusto mong panoorin ang mga namiss mong episodes. email me at pinoytvjunkie[at]yahoo[dot]ca .

  3. Alou Says:

    really? pede ko na ring mapanood ung mga episodes na namiss ko?WOW, talaga..
    Anyway, cge try kitang eemail baka later or next week, dami pa kacing trabaho eh.. Sinisingit ko lang ung pagbabasa ng Ysabella..hehehe!Stress reliever..=)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: