Pangarap na Bituin, Episode 02

by

Nagkita sina Terrence, Emerald, at Ruby sa ilalim ng isang malaking truck. Doon sila umiyak ng umiyak.

Nasa balita na ang pagsabog ng bulkang Mayon.

Dumating na ang mga rescue workers para tumulong sa mga tao doon. Narecover na nila ang katawan ni Carlo, at si Alex, ng tatay ni Terrence.

Natagpuan ni Cocoy (Joel Torre) sina Terrence, Emerald, at Ruby. Hinahanap ni Emerald ang nanay niya, kaya ayaw niyang umalis doon. Sinabi niya na baka raw nasa evacuation centre ang nanay nila. Sumama na rin sila.

PUno na sa centre kaya ayaw silang tanggapin ng isa sa mga social workers. Nakita ni Emerald ang bag ng nanay niya, tumakbo ito at pinaghahanap ang ang pamilya niya. May nakita siyang babae, at akala niya nanay na niya iyon. Umalis na sila para hanapin sa ibang centre ang pamilya niya. Pag-alis nila, dinala sa pinanggalingan nilang centre si Sapphire. Hindi ito kumikibo, (wala yata siyang natatandaan) at puro iyak na lang ang ginagawa niya.

Hindi makakita ng pwesto si Cocoy para kina Terrence, Emerald, at Ruby dahil puno ang mga evacuation centre. Inuwi na lang niya ang mga ito sa Naga.

Inapoy ng lagnat si Ruby. Kinonsulta ni Cocoy sa telepono ang isang doktor. Puno na raw kasi ang ospital kaya hindi na siya pinadala ng doktor doon. Pinabili na lang siya ng paracetamol ng doktor. Sumama si Emerald kay Cocoy sa botika. Hindi kasya ang pera ni Cocoy kaya ibinenta niya ang relo niya para makabili ng gamot.

Habang inaalagaan niya si Ruby, naalala niya noong namatay ang sarili nitong asawa’t anak (from childbirth).

Doon muna daw sila sa kanya dahil mababa pa ang resistensiya ni Ruby at baka mahawa pa siya sa ibang mga bata.

Ibinigay ni Emerald ang relo niya na may mickey mouse hands dahil iyon ang reason na ibinigay ni Cocoy sa kanya noong itinanong ni Emerald kung bakit niya “ibinigay” sa ibang tao ang relo niya. Ayaw na raw kasi niya ang relo niya dahil gusto niya, iyong mickey mouse.

Wala pa ring kibo si Terrence. Kaya sinabi ni Cocoy kay Emerald na kapag napagsalita niya ito at nakuha ang telephone number ng tatay niya. Ibinigay ni Emerald kay Terrence ang kotseng kuba, doon naalala ni Terrence na ibinigay ng daddy niya ang laruan na iyon. Umiyak si Terrence, at tinanong siya ni COcoy kung taga saan ito at kung may iba pa silang mga kamag-anak.

Ayan, hindi pa pala patay ang tatay ni Terrence. Nasa ospital, ito.

Nafeature sa balita ang mga batang hindi makita ang mga magulang nila, nandoon sin sina Terrence, Ruby, Emerald, at Cocoy. Nakita ni Alex si Terrence sa TV…

2 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 02”

  1. tinsters Says:

    feeling ko buhay pa yung nanay nila emerald😀

  2. ptvj Says:

    oo nga ano, hindi pa siya pinakita…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: